Chapter 31

1 0 0
                                    


Habang nasa sasakyan at nagkwe-kwentuhan pa rin kami ni ma'am. Ayoko man sana pakinggan ang mga sinasabi niya tungkol sa anak niya at fiance nito ay napilitan akong makinig. Parang tinutusok kasi ang puso ko sa mga kwento nito.

Nahinto lang ang kwento niya ng may tumawag sakin. Unknown number ito kaya nagulat ako. Sinagot ko na lang para makatakas din sa kanya, kahit pa sinuway niya ako dahil nagdri-drive raw ako. Sabi ko na lang ay importante.

"Hello, this is Trinity speaking."

[Hello, good evening, this is Queenie.]

Napa-preno ako ng bigla nang may batang sumulpot sa harap. Narinig ko naman si ma'am na napa dasal. Pinatay ko agad ang tawag dahil sa nangyare. Namutla ang labi ko sa kaba. Lumabas agad ako sa sasakyan at kinamusta ang bata na dinaluhan ngayon ng ibang mga tao.

Nawala lang ang kaba ko ng makitang ayos naman siya. Nakatayo pa rin ito at walang ka muwang-muwang sa mundo. Malaki na itong bata at matangkad. May yumakap sakanyang nasa edad din siguro ni ma'am na babae. Mangiyak-ngiyak pa ito. Tumingin ito sakin at humingi ng tawad. Akala ko nga ay magagalit ito o mumurahin ako. Bagkus ay yumuko siya at nag-sorry nang nag-sorry sakin. Nahiya namana ko sa nangyare kaya bumalik ako sa kotse at humingi din ng tawad sakanila.

"Thank God! I really thought that the kid..."

Tumingin ako kay ma'am at pinaandar ulit ang kotse. Sinabihan ko siyang mag relax dahil baka mapa-ano siya. Nag joke pa ako sakanya na wala akong pera pang check up sakanya kung baka sakaling mapa-ano siya. Tumawa lang ito at lumungo-lungo.

Nagdrive ako ulit at ngayon lang pumasok sa isip ko ang tawag. Hinayaan ko nalang na mawala sa isip ko ito. Naisip ko kasi bigla ang pinsan nito. Si kuwan... iyong dentista. Siya iyong babae na ipinakita sakin ni Cael noong nag video call kami. Nagulat nga ako dahil masungit siya ron. Eh sa school ang bait bait niya.

"Thankyou, anak."

Pinapasok pa ako ni ma'am sa bahay nila. Ganon pa rin naman pero hindi luma tingnan. Mukhang taon taon inaayos. Umupo ako sa sala dahil tatawagin niya raw ang anak niya para sa kasal na pinag-usapan namin kanina. Habang wala siya ay binigyan ako nito ng maiinom na tubig. Dahil hindi naman ako uhaw ay hindi ko ininom. Bagkus ay gumala lang ang mga mata ko sa sala nila.

Maraming medals at sash. May malaking family picture at pictures ng anak niya. May mga pictures na baby pa ito at noong nag dalaga. Napangiti ako. Mga ganitong babae ang dapat kay kuwan... Mga katulad niya. Kung siya man ang dentista na sinasabi ni ma'am, masaya ako para sakanya. Para sakanila.

"Good evening," bati ng isang malumanay na boses. Bumaba ito galing sa taas. Ang mama naman nito ay galing sa baba. Kaya nagtaka ito kung sino ako.

"Nasa taas ka pala, darling."

"Yes, mom with my fiance."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Napatayo tuloy ako at kunwari ay nag check ng oras sa cellphone. Oo naman! Masaya ako para sakanya. Pero ayoko siya makaharap ngayon. Ayoko noe! Hindi ako nakapag-practice nang sasabihin... Pero ano naman pala ang sasabihin ko diba.

"You know, Trinity, right?" lumapit si ma'am sa akin at nilingkis ang kanyang braso sa akin. Ngumiti ako sakanya. "She's a very good photographer," pur niya sakin.

"Of course who wouldn't," nakangiti nitong sabi pero rinig ko ang kaka-iba sa boses niya. May halong sarkastiko kasi ito. Baka namali lang ako, pero sana wala. Mukhang manika kasi siya para maging masama ang ugali. At ayoko na pag-isipin ng masama ang anak ng favorite teacher ko. Favorite teacher.

"Darling, diba naghahanap kayo ng photographer para sa kasal niyo. And for your wedding pre-nup photoshoot!"

Umalis ito sa tabi ko at lumapit sa anak niya. Nakatingin lang sakanya ang anak niya na hindi ko mawari ang emosyon. Masaya ba siya o naiinis. Hindi ko alam. Pero kasi nakangiti siya, hindi lang pantay ang kilay niya.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon