Chapter 19

1 0 0
                                    


Binalikan ako ni Cael na may dalang kulay puting tuwalya. Naka-akbay siya sakin dahil magkadikit kami sa payong niyang dala. Nang makapasok naman kami sakanila. Sinalubong ako ng mama niya na galing sa kusina.

"Where did you go and you made... what's your name again ija?"

"Trinity po.."

"And you made Trinity wait for you for so long!?"

May inis ang pagkasabi ng mama nito pero malumanay pa rin na akala mo naglalambing lang. Napangiti na lang ako habang yakap ang sarili sa puting tuwalya.

"Basang basa kaba? I have extra clothes—"

Tumayo ako sa pagkakaupo at hinawakan ang braso ng mama ni Cael na tatayo sana.

"Naku! Huwag na po. Uuwi na lang din naman po ako kapag humupa na."

Kinuha nito ang kamay ko at humarap siya sakin. Hinawakan ng malambot niyang mga kamay ang akin. Ngumiti siya at tumingin sa anak niyang nakatayo na rin pala sa tabi ko.

"Magkakasakit ka.." malambing na boses niya.

"Ah, okay lang po talaga," ngumiti ako at yumuko. Tumingin ako sa marmol nilang sahig. "Atsaka, gabi na po. Sumama lang po talaga ako dito sainyo dahil mukhang nabasa ang anak niyo. Baka magkasakit siya. Uuwi na rin po ako pag humupa na ang ulan," paliwanag ko.

"Hindi ka rito kakain?"

"Hindi na po. Baka hinahanap na ako sa amin."

Panigurado dumating na si papa galing trabaho. Hindi naman ako chine-check nito kung nasa loob na ako ng kwarto. Pero kasi ay baka tawagin niya ako, mahuli pa akong dis oras na ng gabi wala pa sa bahay at lalaki pa ang kasama.

"Hindi pa naman humapa. Well then, Cael ipagtimpla mo nalang ang bisita ng maiinom na mainit." Utos nito.

Iginaya niya akong ma upo ulit sa tabi niya. Nagtinginan pa kami ni Cael, nagda-dalawang isip pa siyang umalis. Mukhang ayaw niyang kasama ko ang mama niya. O baka iniisip niyang may masabi ako.

"Go now!" suway ng mama niya, dahilan para gumalaw na siya.

Nakasunod na lang ang mga mata ko sa basang likod nito papunta sa kusina nila. Lumingon pa ito sa akin at alinlangan na ngumiti.

"Girlfriend ka ba ni Cael?"

Lumingon agad ako sa mama niya. Gulat at natikom ang labi. Seryoso ang mukha niya. Kanya pang kinilatis ang buong mukha ko. Kinabahan ako base sa paninitig niya. Para siyang nakakatakot at supladitang ina. Iyong ayaw niya ako para sa anak niya. At hindi nga ako nagkamali sa mga sunod na sinabi niya.

"Alam mo, I really like Cael to be his father. He's a well-known surgeon in abroad. Bata pa lang siya ini-idolo na niya ang ama niya for his intelligence. That's why naga-aral siya ng mabuti."

Hinawi nito ang buhok ko sa mukha. Pigil ang hininga ko dahil sa mahabang kuko niya. Bakit nakakatakot siya ngayon, noong una ko siyang makita para naman siyang anghel.

"To be honest, I'm not supportive on his choice right now. Dentista?" tumawa siya ng mahina. "But ano ang gagawin ko? Hes still my son."

Lumiwanag ng ka-onti ang mukha ko. Baka judger lang ako...

"May usapan kaming dalawa. I tell him. Fine! Mag dentista ka, but I will never allow you to have distractions."

Tumigil ang pag pintig ng puso ko. At ang ka onting liwanag na sumilay kanina ay nawala.

"What's your name again? Trinity?" tumango tango ako sa tanong niya. "I don't like you for my son. Imagine, dapat naga-aral na siya ngayon at pahinga na niya. Pero what? Sinundo niya ang isang babae sa dating school niya habang malakas ang ulan."

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon