Chapter 35

1 0 0
                                    

Oo naman! I'm professional. I can handle it. Nandito ako ngayon sa loob ng simbahan. Kasal ng kapatid ko. Umiyak pa ito kanina ng makita ko. I just embrace him with a hug. While the ceremony is going, eto ako lumilipad ang isip.

Bakit napapalibutan ata ako ng ikakasal. Sign naba ito? Huh, pero single naman ako. Kanino ako ikakasal, sa ex ko? Ay, huwag na lang! Mabuti pa na single ako! Sasakalin ako non at hindi papakasalan.

"You may kiss the bride," maligayang giit ni father.

Pumapalakpak kami. Wala akong nararamdaman na kilig o ano, but I'm happy for them. Iniisip ko pa rin kasi ang lalaking yon. Hindi pa rin siya nagte-text. Mukhang natauhan at ayaw nang ako ang photographer nila.

Sa venue ay tahimik ako. Ngumi-ngiti sa mga bisita. Nailang pa ako dahil bakit sila sakin nagpa-papicture eh hindi naman ako ang kinasal. Kapatid ako ng groom anoe!

Nag message ako sa kapatid ko na siya namang umiyak. Pinigilan ko rin ang akin, naka contact lenses kasi ako. Hindi naman nakakaiyak ang mensahe ko dahil hindi ako prepared, hindi ko naman alam na may pa messange. Sana ay gumawa ako. Akala ko kasi congrats or what lang. First time ko makadalo sa kasal, sa kay tiya kasi ay hindi ako nakapunta. Busy ako sa trabaho that time. Umiyak pa nga siya dahil wala ako. Pero bumawi naman ako.

Kumain na hanggang sa nagsubuan na sila ng cake. Maganda ang venue at masarap ang pagkain. Hindi bongga at hindi rin tinipid. Nang natapos ay gusto ko sana mag-usap kami ng Kapatid ko. Pero busy naman siya sa mga taong kumakausap sakanya. Kaya nasa gilid lang ako naka upo. Umaalis na rin ang iba dahil pagabi na. Hapon kasi iyong kasal, at dinner ang ginawa.

Kanina pa nakatingin sa akin ang mga photographer at parang nahihiya sa akin. Kapag tumitingin ako ay napapakamot sila sa batok at umiiwas. It feels like they are intimidated by me, so here nasa gilid ako. Kinuhanan na kami ng picture kanina, nag selfie din ako with them, and I uploaded it on my social media.

Nagbabasa ako ng message sa akin sa ig ng ka-trabaho ko nang may nag message sa akin. It was a saved number and name by no other than "Cael," banggit ko.

Binasa ko ang kanyang text. Ayoko pa sana pero napindot ko na. Hindi naman niya malalaman na nakita ko na dahil text lang naman. Sabi niya noong nakaraan ay mag text back daw ako sakanya. Pero kasi.. bakit ba? Hi-hindi ba ako? Pero kasi anak iyon ni ma'am. At ako pa noong nakaraan ang nagsabi na I can be their photographer. At ngayon, ide-decline ko pa ba ang fiance nito.

I read his message, it says.

[Good evening, Miss Trinity. We would like to meet you tomorrow at lunch. I'll send you the address. We want to talk about it.]

To formal.

Noon naman...

Hey! It's from the past! Be professional, Trinity!



I DIDN'T GOT the chance to talk to my brother. Nag honey moon na. Hindi ko rin nakita o naramdaman man lang ang presensya ng ina ko. Kaya sa bahay ay gulong gulo ako. Hindi ko alam ang mga gagawin. Dapat aalis na ako sa Pilipinas eh! I don't know how to decline. At may problema pa ako sa pamilya! Grabeng buhay naman to oh! Gusto ko na lang mag Palawan. Promise, isang tapak ko lang sa tubig dagat sa Palawan, mawawala lahat to!

Naligo ako at nagbihis. While drying my hair, someone called. Hindi ko na sinagot dahil nasa kama ang cellphone ko. Hinayaan ko lang at tumawag na naman. Hinayaan ko lang ulit dahil may iniisip ako.

Alam ko, hindi trabaho ang tumatawag sa akin. Hindi rin ang kapatid ko dahil ngayon ay mukhang nagha-hapi hapi na ito. Sino naman ang tatawag sa personal number ko- Oh! Wait! Personal na cellphone ko pala iyong kinuha ng lalaking yon noong nakaraang gabi. Ibig sabihin ay ang number ko na personal ang alam niya.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon