Chapter 10

5 0 0
                                    

Hindi ko alam kong pinagtripan lang ba ako ni Cael. Sa mukha niya parang hindi naman siya mahilig sa trippings. Pero kasi... argh! kanina pa gumugulo sa isip ko ang pagu-usap namin kanina.

Naputol lang talaga ng may dumating at hinahanap na raw si Cael ng mama niya. Like as in! Nasa harap ko nga ngayon ang mama niya!

"Tita!" parang tropa lang na sabi ni Jeya sa mama ni Cael na nasa tabi namin. Nakaupo kami at naghihintay na mag simula ang graduation ceremony. "Alam niyo ba na ang galing ng anak niyo sa lahat!"

Ngumiti lang ang mama ni Cael na hindi naman naiinis sa malakas na boses ni Jeya. Ako kasi, naiinis ako. Kanina pa kasi siya daldal nang daldal simula ng magkita kami ulit pagkatapos namin mag usap ni Cael.

"You look familiar, ija," kinalabit ako ng mama ni Cael na may suot na salamin. Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Don't tell me namukhaan niya agad ako na nag like sa past post niya.
"Nakapunta kanaba sa bahay?" tanong nito. Lumungo ako at nakangiti pa rin. Nangangalay na nga ako kakangiti. Kinakabahan kasi ako sa mama niya. Ang sophisticated kasi.

"Baka wallpaper po siya ni Cael—" hindi na natapos ni Jeya ang sasabihin niya ng samaan ko siya ng tingin. Anong wallpaper!? Wala naman akong maalalang nag picture ako sa cellphone non, kaya pano ako ang wallpaper.

Nagsimula na ang ceremony na aking pinasalamat. Proud na proud ang ina ni Cael na nasa tabi ko nang binanggit na ang pangalan nito. Lahat ata ng award ay nakuha niya. Ang dami niyang medals at certificate rin. Nakangiti pa siya sa taas ng stage kasama ang mama niya. Napabaling-baling ang kanyang mga mata hanggang sa magtinginan kami. Ngumiti naman siya, habang ako ay pinag-isang linya lang ang labi.

Pagkababa sa stage ay bumalik na ang mama nito sa tabi ko. Wala akong makita na papa na kasama ni Cael, na hinayaan ko nalang. Baka.. broken family o kaya nag sumakabilang buhay na ang papa niya. Hindi ko lang alam at dapat siguro ay huwag ko nalamang isipin.

Nagpatuloy ang ceremony hanggang sa tinawag si Cael sa stage para sa kanyang speech. Nagpalakpakan ang mga tao, kahit ako.

Sa pag-akyat niya sa stage. Alam mo talagang matalino siya at may ipagmamalaki ang sarili. Sa bawat hakbang niya ay may confidence na dala. Kahit na walang ngiti ang kanyang labi ay makikita mo naman sa kanyang mga mata na masaya siya na makaharap ang mga kapwa estudyante niya.

"To my fellow students, parents, teachers, visitors, our principal, good afternoon" pag bati nito. Formal ang kanyang boses, inayos niya ang kanyang glasses at tumingin sa papel na nasa harap niya. "When I was a kid, I always dreamed to be on top. At nadala ko iyon ng tumungtong ako sa highschool. Hindi sapat sa akin ang grades ko na 90 noong grade 7. Because i knew to myself na may ibubuga pa ako" tumingin siya sa mga tao. "I like to be surrounded by the people who dream big like me. And then, one day, i talked to someone who said this to me "if you don't dream big, you will never succeed,  that makes me think," he looked at me. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa pagtingin niya. Umiwas agad ako.

"Ano ang ibig niyang sabihin? That I need to dream big to succeed? Pag ba hindi ako nangarap ng malaki ay hindi ako magiging successful, hindi ko maabot ang purpose ko in my life? And then, pumasok sa isip ko. She meant that every dreams is big, and a big dream of yours ay kailangan mag succeed"

"My fellow students, as we graduate, let's not think about negativity, let's think about positivity. Let us not think about things that makes our dreams fail. Let's think about things that will make us grow. Hindi dito nagtatapos ang ating mga pangarap, kundi nagsisimula palang tayo"

"I stand here before you, not to be your inspiration. I stand here before you to remind you. That you, yourself is your inspiration. Make yourself your inspiration. Don't let mistakes and weaknesses ruins you. Make them your power"

Binalik ko ang tingin sakanya. Pero sa kinagulat ko ay nakatingin pa rin siya sa akin. Like he's talking to me.

Natapos ang kanyang speech na ang haba. Nagpalakpakan ang lahat, si Jeya na overacting ay tumayo pa sa upuan at may pasigaw pa na nalaman. Tuloy ay napagalitan siya ng isang teacher na malapit sa amin.

Natapos ang ceremony at nag picture taking. Tumayo na ako sa aking kinauupuan dahil tumayo na rin ang mama ni Cael. Lumapit ito sa anak at hinalikan siya ni Cael sa pisnge. Sweet.

"Ay, ang cellphone mo pala!" biglang sabi ni Jeya sa akin at inabot sa akin ang cellphone ko na kung hindi niya sinabi ay hindi ko maalala. Ang dami kasing nangyare. "Dami mong missed call, gage!"

Tinaasan ko siya ng kilay dahil binuksan niya pa talaga ha!? May password naman ang aking phone pero makikita mo pa rin ang notification.

"Cael!" sumigaw si Jeya at lumapit kay Cael.

HALA! KAMUSTA NA KAYA SI MYSTE!? Naku... baka siya itong nag missed call sa akin at alalang-alala. Pero grabe ha... nag missed call siya, bago iyon ha.

Binuksan ko ang aking cellphone at natapal ang noo ng makita ang madaming message at tawag. Puro lahat sa isang number. Niloadan pa nga ako nito.

[Hey? How are you?]

[Are you okay?]

[Hindi ka ma contact? Are you okay?]

Puro lahat pangangamusta. Nagalala talaga ang friend kong to, ha!

"Grabe talaga ang future surgeon namin!" narinig kong sabi ni Jeya, pero nasa cellphone ko pa rin ang aking atensyon.

Nagtipa ako ng menshae at agarang sinend iyon sa naga-alala kong kaibigan.

"Sa bahay na kayo namin mag dinner"

"Eh.. pagkatapos po namin gumala, sainyo po kami!"

Sumilip ako kay Jeya at sa mama ni Cael na nagu-usap. Walang hiya talaga si Jeya, hindi man lang tumanggi sa alok ng mama ni Cael. Si Cael naman ay nakatingin ngayon sa kanyang cellphone. Kunot ang kanyang noo at nagta-type sa cellphone.

"Where ba kayo pupunta?" conyong tanong ng mama ni Cael. Kanina nalaman ko na may kaya pala talaga sa buhay ang pamilya nila Cael. Lumaki ang mama ni Cael sa syudad at napunta lang dito sa amin dahil sa ang kapatid niya raw ay taga rito ang napangasawa.

"Sa rambutanan po" sagot naman ni Jeya.

Hindi nga rin ako nakapunta ron. Kaya wala rin akong idea kung malayo ba o maganda ang lugar na yon. Si Jeya kasi halos lahat ng kainan dito sa amin ay napuntahan niya na. Sabagay, eh marami siyang pera pang gala.

May nag text sa aking cellphone na aking tiningnan.

[What happened?]

"Ang busy niyo naman!"

Nag tipa ako ulit ng mensahe pero naalalang tumawag nga sa akin si Myste. Eh, kung tawagan ko na lang din kaya siya?

Tumingin ako kay Jeya na katawanan ang mama ni Cael. Kung ano ano ang pinagsasabi ni Jeya na tinatawanan naman ng mama ni Cael. Puro kalokohan at si Cael ay sinusumbong niya pa.

Pumunta ako sa call ng aking cellphone at pinindot ang huling tumawag sa akin. Ang number ni Myste. Kinabahan pa ako kung sasagutin ba ni Myste, dahil kung ganon at maririnig ko na ang kanyang boses.

Kahit may kaba ang aking mga mata ng makitang nagri-ring ito ay may tuwa naman sa aking puso.

"Ewan ko po kay Cael, ang hina sa crush niya" si Jeya.

Mabilis ang tibok ng puso ko pero mas lalong bumilis ng marinig naming tatlo ang pag ring ng cellphone ni Cael. Nagsalubong ang aming mga mata na parehas na nanlaki.

Bumuka ang aking mga labi at hindi ma proseso ang nangyayare. N-Nag ri-ring ang cellphone ni Cael habang tumatawag ako kay Myste. D-Don't t-tell me—

Naputol ang pag ring ng cellphone ni Cael at nilagay niya sa kanyang bandang tenga ang kaniyang cellphone. Nilagay ko naman sa aking tenga ang aking cellphone ng may sumagot na sa aking tawag. Nakatingin pa rin ako sakanya.

"H-Hello?" utal kong sabi.

"Hi" at tumigil ang aking mundo sa boses na nagmula sa harapan ko. Sabay sa pagbigkas ng nasa kabilang linya ang pagbigkas ni Cael sa aking harapan.

"M-Myste?... "


Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon