Chapter 18

1 0 0
                                    


Nalaman ko na ako pala noon ang nagsabi ng number ko kay Cael. Noong nag try out ako sa isang club, sadly hindi ako nakapasok dahil may iba silang kinuha. Pero okay lang naman. Pero na shock lang ako, grade ten palang ako at siya grade eleven nang makuha niya ang number ko. Matagal na niya pala akong gusto.

Bakit kaya?

Hindi ko naman matandaan na may interactions kami noon na mai-inlove siya. Baka na love at first sight.

New school year. Pero ganon pa rin, mga kaklase ko noong grade eleven sila pa rin ngayong grade twelve. Okay naman, wala naman akong problema. Pwera nalang na malaman ko na ang isa sa mga star sa section namin pinsan pala ni Cael. Medyo na awkward ako dahil kung noon hindi kami masyado nagpapansinan, ngayon naman lage na siyang nakangiti sakin. O pala ngiti talaga siya. Everyone describe him as tahimik na klase ng tao. Maingay lang daw siya  mga ka close niya. Last time kasi ay sumabay siya papunta sa Bacolod noong nag date kami ni Cael. Nasa passenger seat ako at siya ay nasa back seat. Tahimik lang siya habang si Cael ang daming dada. Napapataas lang ang kilay niya at tumitingin sa pinsan na hindi makapaniwala sa nakikita.

Unang linggo ng new school year ay sumabak agad kami sa gyera. Klase agad at aral dito. Graduating na kasi kaya ramdam ko na ang seriousness ng mga kaklase ko at teachers namin. Ang off nga lang dahil ang dalawa kong kaklase na palaging nagsu-sungitan ay nagsu-sulyapan na at mag ngi-ngiti sa isa't isa. Kahit nagle-lecture ang teacher sa harapan, para silang nagu-usap gamit ang mga mata. Ewan...

Anyways, tuwing gabi ay nagu-usap kami ni Cael. Sabi niya okay naman daw sa university na pinasukan niya. Maganda daw ang environment at okay naman ang mga tao. Kahit pa may mga strict daw siyang mga professors. Naramdaman ko rin na tuwing nagkakatawagan kami, nagiging madaldal na siya. Noon kasi tahimik siya pero ngayon, lahat ata ng ginawa niya at mga chismis na alam niya kinu-kwento niya sa akin. Masaya nga dahil kung ganon ay comfortable siya sakin.

"Trinity, can you help me check your classmates outputs?"

Tumango ako sa isang teacher namin at kumuha ng red ballpen sa aking bag. Tapos na ang klase pero nasa school pa rin ako, may usapan kasi kami ni Cael na pupunta siya school ko at susunduin ako. Kakain daw kami sa labas at gagala gala ng mabilis. Pero wala pa naman siya, tulungan ko muna si ma'am. Baka may incentive pa ito, char!

Binigay sa akin ni ma'am ang outputs ng mga kaklase ko, at dahil ako nga ang magche-check ay inuna niya ang akin. Okay naman ang score, hindi mababa hindi rin mataas. Nadismya lang ng ka-onti..

Tinuruan ako ni ma'am kung paano icheck hanggang nagsimula na ako. Umalis naman si ma'am at iniwan ako sa classroom. Mabilis ko lang na natapos ang pangche-check dahil mga konti lang naman ang mga mali nila.

Panay ang tingin ko sa cellphone ko. Una, tiningnan ko ang oras. Pangalawa, kung may text na o tawag. Pero nag 5:30 nalang at natapos na ako, naibigay ko na kay ma'am. Hindi pa rin nagpaparamdam ang hinihintay ko.

Nagsimula na akong maga-alala dahil baka kung ano na ang nangyare sakanya. Paano ba naman ay first time itong walang pasabi. Hindi naman kasi siya minsan na le-late sa usapan, nauuna pa nga siya. Kung may importanteng gagawin ay nagte-text siya o tumatawag. At I doubt na wala siyang load, eh siya pa nga ang loader ko.

Lumabas na ako ng classroom at ni-lock iyon. Ako kasi ang may hawak ng susi ngayong week. Bumababa na ako building at nakasalubong ko pa ang isang teacher. Kunot pa ang noo nito na tumingin sa likod ko.

"Nakatulog kaba?"

Ngumiti ako at lumungo.

"Ah, hindi ma'am. Tumambay lang po at nagpahapon."

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon