Chapter 27

0 0 0
                                    


Pinalayas ako ni mama. Noong umuwi ako samin that time ay kinaladkad niya ako palabas. Pinahiya ako sa mga tao. Traydor daw akong anak, pero wala naman akong ginawa. Galit na galit sa akin ang angkan niya. Akala ko ay ipagtatanggol ako ng aking kapatid pero wala. But thanks to him, huh. Nilagay lang naman niya ang mga gamit ko sa dalawang bag. Hindi lahat pero ang mga importante.

Ayoko non umalis na may galit sa akin si mama. Babalik naman ako sakanila. Maga-aral lang ako. Pero bakit ganito pinagtatabuyan nila ako. Hindi naba niya ako mahal? Akala ko ba anak niya ako. Hindi naba ate ang tingin sa akin ng kapatid ko?

"Happy independence day, Trinity."

Lumingon ako sa pinsan kong biglang nagpakita sa tabi. Inirapan ko siya dahil sa nabigla ako sakanya at sa sinabi niya. Isa pa pala, nasa bahay ako ngayon ng kapatid ni papa. Nasa Victorias City talaga nakatira ang pamilya ni papa. Pero ang isang kapatid niya ay dito sa Talisay nanirahan, dahil nakapangasawa rin ng taga syudad namin.

"Hindi naman naging kami."

Walang kami ni Cael. Sa totoo lang ay tinuturing ko pa nga itong 'get to know each other' phase. Pero may get to knew each other bang naghahalikan na agad. Siguro, meron at kami iyon.

"Ipinalaya mo," natatawa nitong sabi.

"Independence day para sa mga mahal nating bayani at sa mga modern heroes natin. Hindi dahil sa wala na kami— wala nga kasing kami!"

Binato ko siya ng unan na nasa kandungan ko. Tumatawang umalis ito sa paningin ko.

Prinoproseso pa ngayon ang mga dokumento ko para sumama kay Tiya. Kaya naman dito muna ako sakanila ni Tristar, ang pinsan ko. Tiis ganda muna ako sa ingay niya at kalokohan.

Si Tristar kasi gabing gabi na minsan nage-electric guitar pa. Nakakabwisit pero wala akong magawa. Hindi pa nga minsan nakamulat ng mga mata ang araw ay nagi-ingay na ito kasama ang barkada niya. Ka-edad ko lang naman ito, pati ang suplada nitong girlfriend. One time, tinarayan ako ng girlfriend niya. Paliwanag ng pinsan ko nagse-selos daw sa akin. Aba napaka tanga! Pagseselosan ang pinsan.

MAGI-ISANG linggo na ako rito nags-stay. Okay naman, oa nga ang mga kapatid ni papa. Maya't maya ba naman akong tanungin kung okay ako, ano ang dinaramdam ko. Of course, I'm okay. May choice paba? Mismong ina ko na ang pinagtabuyan ako.

"Diretso New York na tayo, Trinity."

"Huh?"

Tinaasan ako ng kilay ni Tiya. May question mark naman ako sa mukha sa sinabi niya. Ang akala ko kasi ay sa Canada kami pupunta. Iyon kasi ang sabi sa akin ni papa noon. Pero hindi ko akalain na sa ibang lugar pala kami. Nag research pa naman ako tungkol sa kultura ng Canada at mga lugar don. Tapos sa iba pala kami. Ah basta! Basta makapag-aral ako.

"Sa New York tayo. Nalaman ko kasing pangarap mo maging professional photographer."

Mas lalong nag question mark ang mukha ko. Saan naman niya nalaman na pangarap ko yon? Kay papa? Napakama-kwento naman pala niya. Close na close talaga sila siguro. Ngumiti nalang ako.

"I have a friend there. She's a professional fashion photographer."

Tinutulungan ako ngayon ni Tiya magligpit ng mga damit ko. Nag-usap kami ng kung ano ano pa. Nagsabi siya sa akin na pwede raw pagkatapos ko mag-aral, mag trabaho agad ako don. Sikat daw kasi ang friend niya don at pwede akong matulungan. Pero iniisip ko rin si mama at ang kapatid ko. Sukat ni tiya baka umabot ako don ng anim na taon kung pagkatapos ng pag-aaral magtra-trabaho ako. Gusto niyang maging successful ako.

Sa Manila ay maghihintay pa ako ng ilang buwan para sa mga kailangan kong dukomento. Hindi naman mahirap, dahil hindi naman na ako minor. Iyon ngalang ay ngayon guardian ko na si tiya, may parent naman kasi talaga ako sana. Hindi nga lang supportive.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon