Chapter 4

5 0 0
                                    

Kanina pa ako umiiyak at ngayon lang nahimasmasan. Bwisit kasi. Pagkauwi ko samin nabutan kong nag-aaway ang mga magulang ko dahil sa pera. Si papa naman kasi eh. Napaka-sugalero, ang sweldo sa sugal napupunta. Idagdag pang naninigarilyo at umiinom ito.

"Ate..." mahinang tinapik ng kapatid ko ang braso ko. Kanina pa ako nito tinatawag para kumain. Kami lang kasi ngayong dalawa ang nasa bahay. Si mama, andon sa kabilang bahay. Ichinichismis ang buhay. Nagra-rant sa tita ko na kapatid niya. Si papa naman, asan paba? edi sa inuman. Tapos pag-uwi mamaya, maga-amok ng away sa mga kapitbahay.

"Kumain kana ron" garalgal na boses na sabi ko.

Nakabaluktot ang katawan ko at nakakumot. Nasa sulok ako ng higaan yakap yakap ang unan ko.

Ayoko kumain. Hindi ako ginugutom. Busog na busog na ako sa luha, hindi ko na kailangan kumain.

Mga ilang minuto pa ako nitong pinilit bumangon at kumain pero ayaw ko patinag. Alas otso na raw kasi at mamaya nariyan na si papa. Lasing iyong uuwi kaya malamang sa malamang maga-away nanaman sila ni mama.

Maya-maya ay narinig ko nalang ang pintuan na bumukas at ang yabag ng kapatid ko na lumabas ng kwarto. Hindi niya na ata kaya ang gutom.

Nag vibrate naman ang cellphone ko kaya napabangon ako at kinuha ito sa bulsa ng short na suot ko.

Madilim ang paligid at walang ilaw na naka-on sa loob ng kwarto. Mabuti rin na may kwarto kami para pagnagbabangayan sila mama, nasa kabilang mundo kami. Double deck ang higaan namin at ang kapatid ko ang nasa taas at ako naman ang nasa baba.

Binuksan ko ang cellphone ko at may nakitang may nag text. Ang nag text ay iyong nag te-text din sa akin. Like kanina. Hindi ko alam bakit ako lage tinetext nito. Hindi ko namam masabing wrong send nanaman ulit ito, dahil nga nakailang ulit na itong nag text sa akin.

[Tulog kanaba?]

Humiga ulit ako sa kama at nagkumot.

Magty-type na sana ako nang 'who u' pero wala sa sariling iba ang na tipa ko. Agad ko naman itong sinend at kalaunan nag reply agad ito.

"Bakit can't sleep?" basa ko sa reply nito.

Hindi ko alam pero napangiti ako sa mabilis na pag reply ng kung sinong tao na‘to. Re-reply na rin sana ako ng mag text ang tnt na ubos na ang load na pina load ko. Napabuntong hininga ako at pinatay ang cellphone.

Bakit ko paba naisipang replyan iyon? baka pinagtatawanan na ako non. O kaya kakilala ko lang iyon at gusto akong pagtripan. Pero wala naman akong binigyan pa na mga tao ng number ko. Atsaka, bakit ganon iyong nireply ko. Dapat tinanong ko ito kung sin o to.

Nakatingin sa taas, nilagay ko ang aking braso sa aking noo. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata at pinilit ang sarili na matulog nalang. Kasi tama. Mabuti pang matulog nalang ako. Para hindi mapasok sa isip ko ang gutom at mga problema. At mamaya pagnakauwi na si mama tsaka papa, hindi ko na maririnig ang pagaaway nila dahil tulog na ako.

Pero paano ang kapatid ko? Iiyak yon. Malamang sa malamang dahil tulog ang ate niyang yumayakap sakanya pagnaga-away ang mama't papa nila. Iginilid ko nalang ang ulo ko bago maramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko na nasa kamay ko. Tatlong vibrate iyon kaya binuksan ko kaagad.

Naningkit ang mga mata ko ng makitang text ito ng load.

[15p loaded to 09******** from XXXXXXXX4514 for 1 year.]

Nag vibrate pa ulit ang cellphone ko at may pumasok ulit na text. Load ulit.

[GIGA STORIES 50 LOADED TO 09*********]

Huh? Load? Sino naman itong nag load sa akin? Namali lang ba ito ng niloadan?

Binuksan ko ang inbox ko. Agad nahagip ang isang text message galing sa numerong nag text din sa akin kanina. Tinap ko agad at binasa ang dalawang message nito.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon