Chapter 7

4 0 0
                                    





Dalawang araw nalang at recognition na namin. Dalawang araw nalang at hindi ko pa rin siya nakakasalubong. Dapat ay wala akong maramdaman pero heto ako at malungkot na malungkot na hindi ko na siya makikita.

Ako naman kasi, pinakitaan lang ng kabaitan, akala ay may something na. Hindi man lang siya nag nanga-ngamusta sa akin. Buti pa itong mysterious unknown number ay araw-araw akong tinetext at kinakamusta. Pag malungkot nga ako ay nire-replyan ko itong unknown number. Katulad kagabi, iyak ako nang iyak dahil sa nag away nanaman ang mga magulang ko. Nang nag text sa aking ang tawagin na nating 'myste' para cute. Nag text back ako kay myste. Diba cute.

Ayon na nga. Nawala naman ang lungkot ko dahil masaya ito kausap. Kahit na pag binabasa ko ang text niya ay boses ni Cael ang aking nadidinig. Ang weird nga o baliw na talaga ako.

Tapos na ang practice namin at  nandito ako sa hagdan patungo sa room namin nakaupo at nagce-cellphone. Nagte-text kasi sa akin si myste at nire-replyan ko naman. Nakakatawa nga siya, ang dami niyang baon na jokes.

[Ano ang favorite na prutas ng mga kalbo?]

Tumingin ako taas at nag-isip.

"Ano?" ani ko at sinend ang reply ko.

[Edi... avoKalbo]

Tinakpan ko ang bibig ko at tumingin tingin sa aking paligid. Pinigilan kong tumawa sa corni jokes ni myste. Ang dami niya talaga alam. Panigurado matalino itong tao sa personal.

"Sissy!" may tumabi sa akon at sinilip ang cellphone ko. Pinatay ko agad ang screen ng cellphone ko atsaka nilagay sa aking bulsa. Baka mabasa pa niya kasi. "Nuyon? May ka text mate ka?" tukso nito.

Pinag sa walang bahala ko nalang si Jeya at tumayo ako. Pinagpagan ko ang aking suot na skinny jeans at inayos ang maliit na bag na aking dala-dala sa likod.

"Akala ko ba si Cael lang? Bakit may ka text mate ka?" tumayo ito at ngumuso-nguso.

Eto pa ang problema, eh. Lage ako tinutukso ni Jeya. Tuloy hirap akong kalimutan ang taong sa maikling panahon ko palang naman na nakilala.

"Pinagsasabi mo" bumaba ako sa hagdan at tinahak ang daan papuntang canteen. Sumabay din sa akin ang babae na hinayaan ko nalang. Nang malapit na kami sa canteen ay inakbyan ako nito at nilagay ang kanyang ulo sa balikat ko. Siniko ko naman kaagad siya pero hindi siya nag patinag.

Dumaan kami ni Jeya sa tatlong babae na naka upo at nakatingin sa amin. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil hinawakan ako ni Jeya sa bewang at iginaya papunta sa counter. Lintek na babae, tuloy ang sama ng tingin sa aking ng isa. Familiar sa akin ang babae dahil athlete ata, katulad ng dalawang babaeng kasama niya.

"Bitawan mo nga ako" isiniko ko ulit ang baliw na babae at mabuti na lumayo rin siya kaagad. Ngisi-ngisi pa siya sakin habang kanda buhol na ang kilay ko. "Hindi ako touchy, huwag mo na ulitin" babala ko sakanya. Tinaas naman niya ang kanyang dalawang kamay.

"Ano gusto mo? libre ko" ani nito. Tumango ako.

"Soft drinks"

"Di pwede yan, iba nalang"

Tiningnan ko siya nang masama. Lilibre niya ba talaga ako. Parang siya kasi ang magde-desisyon. Tinanong niya pa akong hindi naman pala pwede ako ang mamili.

"Huwag nalang—"

"Isang soft drink nga, ate. Paki plastic nalang po"

Ngumisi ako at ngumisi rin siya.

"Ikaw?"

"Wala, makita lang kita. Okay na okay na ako!" medyo malakas na sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa naman siya. Tumingin ako sa i-ilang estudyante at napatingin naman ang iba sa amin. Lalo na iyong tatlo. Nakipagtitigan ako sa babaeng naka jersey shirt at naka sapatos pang football.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon