Chapter 17

1 0 0
                                    

"Busog na busog!" natatawang  sabi ko habang nakahawak sa aking tiyan. Tinanong niya kasi ako kung masarap daw ba ang kinain namin. Sinagot ko naman siyang busog na busog ako dahil sa sarap. Sa sinabi ko ay sumilay ay ngiti sa kanyang labi, ang ngiti na kita ang ngipin, ang maputi niyang ngipin.

"I really don't like going to malls," sabi nito habang nakangiti. Hanggang ngayon dala dala niya pa rin ang bulaklak na bigay niya sa akin. Sinabi ko nga sakanya na ako na ang magdadala pero ayaw naman niya.

"Bakit hindi mo sinabi? Sana pumunta tayo sa bundok!" biro ko.

Tumawa siya sa aking sinabi at pinisil ang aking pisnge. Hindi ko alam pero kumalong ako sa braso niya. Hindi ko lang nakita ang reaction niya pero hinayaan niya lang ako. Wala lang, gusto ko lang na malapit sakanya.

"But now, kahit araw araw pa ako pumunta sa mall basta ikaw ang kasama."

Tinaasan ko siya ng kilay sakanyang sinabi pero nakangiti pa rin siya. Hinampas ko siya sa braso at hinimas niya naman ito. Nag sorry naman ako kaagad pero mas lalong ngumiti siya sa akin. Feel ko nababaliw na siya.

"Sus. Bolero!"



Puno ng tuwa ang buong araw ko. Lalo pa at si Cael ang kasama. Kaya kahit nasa bahay na ako at naghuhugas ng pinggan ay ngumi-ngiti pa rin ako. Sandamakmak pa ang hugasin dahil pumunta pala kanina rito sa bahay ang mga kapatid ni papa. Sa amin nananghalian, tapos si mama syempre nilabas lahat ng bago naming gamit na ngayon ay ini-ingat ingatan kong linisin.

"Naku! Ang mga kapatid ng papa niyo, akala mo makapagsalita mga asensado na sa buhay! Eh, mga anak nila—"

"Ma.. ikaw na nga ang dinalaw."


"Hindi ko naman sinabing dalawin nila ako! Nag plastikan lang kami sa harap ng papa mo!"

"Baka ikaw lang po ang nakikipagplastic—"


Sinampal ni mama ang braso ko kaya muntik kong mabitawan ang pinggan na crystal. Buti naman ay mahigpit ang hawak ko.

"Hoy babae! Kinakampian mo pa talaga ang mga tiyahin mong panget!"

Napabuntong hininga ako at napakamot sa ulo. Bakit ba ang sirado ng ulo ni mama. Kailan paba bubukas ito.

Lumaki ako sa pamamahay na puro sigawan. Kahit wala namang away nagtataasan pa rin ng boses. Tapos, dagdag pa na lumaki ako sa bahay na may kasamang close minded at palagi siya lang ang bida, siya lage ang biktima, siya lage ang tama.

Alam ko, ina ko pa rin siya. At mahal ko si mama. Pero ang mga mali kasi ay hindi pwedeng hayaan lang. Dapat itong itama at ituwid. At sa sitwasyon ni mama, mukhang mahirap itama ang mga mali. Ayaw niya kasing pinapangunahan siya. Gusto niya siya lage ang nasa taas.

"Bakit pala ang tagal mo sa Bacolod?"

Hindi ako sumagot at pinatuyo ang mga kamay ko. Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom. Ayoko sagutin si mama dahil alam kong pahahabain niya na naman at gagawan nanaman niya ako ng kasalanan.

"Dapat umuwi ka ng maaga dahil may kapatid ka!"


Nilingon ko si mama na ngayon ay nagce-cellphone na pala. Naglalaro ata pero ang mga kilay ay salubong na salubong.

"Tingnan mo noong nakaraan dahil wala ka napa ano ang kapatid mo!"

"Malaki naman na siya..." mahinang sabi ko.

"Magpaka-ate ka. Ate ka niya."


Lage nalang ate, kailan kaya magiging anak.


Pinilit ko ang sarili kong ngumiti at tumango. Ayoko na humaba pa ang usapan namin ni mama at mapagalitan na naman ako. Kaya tumango ako sakanya kahit hindi naman siya nakatingin.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon