Chapter 29

1 0 0
                                    

Ibang-iba ang naging pamumuhay ko sa New York. Hindi ko akalain na masaya pala kahit papaano. Akala ko kasi puro stress sa paga-aral lang ang papasukan ko rito. Okay naman dahil hindi katulad sa Pilipinas, dito ang dami kong kaibigan.

Noong unang buwan ako rito, ipinakilala ako ni tiya sa kaibigan niyang fashion photographer. Hindi ko siya kilala, pero sikat na sikat pala siya. Nagtra-trabaho siya sa sikat na mga kompanya. Nagkakilala sila ni tiya dahil magaling na make up artist pala ito. Hindi sinabi ni papa to noon. Kaya siguro supurtado si papa sa pangarap ko, dahil katulad ko. Si tiya pala noon ay hindi masyadong suportado ng magulang nila sa napili niyang pangarap.

Nakapasok ako sa isang malaking university. Doon naka kilala ako ng mga bagong tao. Iba iba ang mga lahi. Iba-iba ang kulay ng mga balat, may iba ang kulay ng mga mata, iba ang kulay ng buhok, o ano pa man. May kapwa pilipino rin naman akong nakakasalamuha pero nasa ibang major o program.

Mahirap ang mag-aral dito. Sa tulong ng mga naging kaibigan ko. Napadali naman kahit pa-paano. Suportado pa ako ng aking kapatid sa Pilipinas.

Tumatawag ito kung kelan niya gusto. Nagvi-video call kami lage, pinakilala niya pa sakin ang isa sa mga naging girlfriend niya. Nagalit nga ako sakanya dahil hindi ito ang babaeng dinala niya sa bahay. Nang itanong ko kung nasaan na ang babae, ang sagot niya ay nasa iba na raw na lalaki. Nasa 4th year highschool na ito ngayon. Naging babaero. Hindi siya secretive sa akin dahil binibigyan ko daw siya ng baon. Pero alam ko namang biro niya lang iyon. Nagva-vape na ito sa murang edad, umiinom ng alak, napasama sa barkada. Pinagalitan ko siya dahil dito. Binigyan naman niya ako ng salita na....

[Ate, naga-aral ako ng mabuti. Promise, cross my heart mamatay man mga lalaki na umagaw sa mga babae ko!]

Nag-iba na ang boses nito. Meron na rin siyang burangos sa itaas ng labi. Mas lalong nadepina ang kanyang mukha. Naging binata na, 16 naman na kasi siya. Pero para sakin, siya pa rin ang aking bunso! Ang baby ko.

[Alam mo, te. Iyong ex mo nakita—]

"Ex? Wala naman akong ex," pagputol ko sakanya. Lagi niya rin palang kinukwento sa akin ang EX ko KUNO, kahit hindi ko tinatanong. Ramdam niya raw kasi ang sakit na dinaranas ko dahil miss niya rin ang ex niya. Kaya kinukwento niya. Loko talaga!

Sumimsim ako ng kape na inorder ko. Nasa loob ako ng university at umu-upo sa isa sa mga benches dito. May mga iba rin na estudyante na katulad ko may kausap o iba naga-aral. Kaya hindi awkward sakin ang kumausap sa screen ng laptop.

[Sus! Pero angas non ngayon! Naka big bike kapag dumadaan sa school namin.]

Ang dami na niyang kinwento sa araw na iyon. Napatatawa nalang ako sakanya at nawawala ang stress. Ang kwela kasing bata. Si mama naman ay okay naman kami. Pinapakita siya sa screen ng kapatid ko at bumabati ito sakin. Pero hindi kami nagka-usap na kami lang. Hindi namin napag-usapan ang mga pangyayare pagka-alis ko at bago umalis. Iniintindi ko nalang siya dahil baka ay hindi pa ito handa. Atsaka pala, may bago itong karelasyon. Noong una ay nagalit ako. Dahil ang bilis naman ata niyang makahanap ng bago. Sa huli, hinayaan ko na lang. Ano paba ang magagawa ko? Ang layo layo ko sa Pilipinas.



BREAKDOWN. Hindi madali o masaya lang ang punta ko rito sa New York. Kaya hirap din ang dinaranas ko. Tao lang din ako, napapagod. At minsan ay naiiyak sa pagkamiss sa aking bansa. Pero ngayon, malala ang nararamdaman ko.

Nakalimutan ko ang boses ni papa.

Naiinis ako sa aking sarili. Bakit ko ba kasi kinalimutan! Nami-miss ko na siya! Gusto ko siya kayakap ngayon at patahanin ako. Sabihan ng mga salita na makapagpamatibay sa aking loob. Pero wala, namumuhay ako ngayon na mag-isa sa malaking bahay ng aking tiya.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon