Chapter 23

3 0 0
                                    

Days passed and months passed. Pagkalabas ni papa sa hospital alam naman talaga namin na hindi siya mapapabuti. Pero siya na mismo ang nagpumilit na ayaw na niya don. Dagdag pang nalubog kami sa utang kaya hinayaan nalang ni mama. Ang mga kapatid naman niya, katulad ni tiya na nasa abroad ay nag-aalala. Katawagan namin ito minsan.

Mabuti at hindi ako bumagsak kahit na ang baba ng mga grades ko. Dismayado lang ako dahil aiming for with highest honor sana ako, gusto ko sana na ako ang may pinakamataas na grado. Kaso ay malabo na mangyare iyon.

Me and Cael are both okay now. Kahit pa minsan ay may konting pagtatalo kami, sa huli siya naman itong unang magpapakumbaba at hihingi ng tawad. Nagkikita kami kapag available siya at okay din ako. Gumagala pero mabilis lang. Alam kasi naming dalawa na may mga gawain din kami. Alam niyang graduating ako. Alam ko rin na dapat tutok siya sa college.

"May boyfriend kana ba?"

Nasa gitna ako nakaupo habang magkausap si Jeya at ang isa naming kaklase. Nasa food court kami, inaya ako nitong si Jeya na dito mag lunch. Um-oo naman ako dahil sabi niya ay libre niya. Tatanggi paba ako sa grasya, libre na yon.

"Ako? Wala Hmm girlfriend meron," sagot nang nasa kaliwa ko.

Pinigilan ko ang sariling huwag magulat sakanyang sinabi. Totoo ba talaga ang sinabi niya? Hindi naman sa against ako sa relasyon niya pero nakakagulat lang. Ang feminine naman niya kasi sakin. Hindi naman siya parang alam mo iyon, ang tinatawag nilang boyish o tomboy.

"Totoo? Eh, sino ang babae sainyo?" pahabol na tanong ng kaklase namin.

Narinig kong nabulunan si Jeya sa kanyang iniinom kaya bibigyan ko sana siya ng tubig. Kaso nang hinarap niya ako ay parang gusto niya akong sakalin.

"Craulo to! nabulunan na nga sa juice bibigyan mo pa ako ng tubig." Inayos niya ang kanyang sarili at humarap sa kaklase namin. Dahil nga napagitnaan ako ay inusog ko ang aking pwesto para magkaharap sila. "Haler girl! Syempre pareho kaming babae. Anong pinagsasabi mong sino sa amin ang babae?"

"U-Uh kasi iyong nagsu-suot ng panlalaki?"

"Nagsusuot ng brief? Wala, panty suot naming dalawa. Avon pa nga ang kanya."

Napalungo-lungo ako sa sagot ng babae. Kahit kailan talaga. Pero palagay ko ay hindi naman siya nagsisinungaling na panty ang sinusuot nilang dalawa. Ang tanong ko lang ay paano niya nalamang Avon ang sa girlfriend niya. Sinabi ba nito sakanya?

NASA BAHAY ako at naga-aral. May long quiz kami bukas at kailangan mataas ang score na makuha ko. Gusto kong makabawi sa grado kong mababa. Ang baba ng grades ko noong unang semester. Gusto ko bumawi ngayong panghuli na. Palapit na rin kasi nang palapit ang huling exam namin, tapos may research pa. Ang daming gawain.

"Trinity!"

Bumukas ang pinto sa kwarto. Lumingon ako dito at si mama to. Salubong na salubong ang kanyang dalawang kilay. Sinulpayan ko lang siya ng mabilis at ibinalik ang mga mata sa harap. Pinagpatuloy ko ang pagsusulat at pinagsawalang bahala ang presensya ng aking ina.

"Bakit?" tanong ko lang.

"Hindi ka man lang na nagsaing!? Ano ang kakainin ng papa ninyo kung ikaw mismo ay hindi man lang gumalaw!?"

Natigil ako sa pagsusulat at napabuntong hininga. Sinabihan ko na ang kapatid ko kanina na siya ang mag saing dahil maga-aral ako. Hindi man lang ba niya sinunod. At bakit ako lang itong pinapagalitan ni mama, ako lang ba ang anak niya? Asan naba ang bunso niya at puro si ate nalang.

"Sinabihan ko si—"

"Aba! Utos ko sayo iuutos mo sa iba!"

Kainis. Napakamot nalang ako sa aking tenga. Padabog na pinatay ang ilaw sa aking mesa at nilakihan ang pagkabukas ng pintuan. Na una akong lumabas at dumiretso agad sa kusina. Hindi ko pinansin si papa dahil hindi din naman ako nito papansinin. Wala na akong kakampi sa bahay na to.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon