Chapter 12

5 1 0
                                    


Ang ayoko talaga sa lahat iyong pinaghihintay ako. Mulat na mulat pa ang dalawang mata ko kahit alas dose na ng gabi. Naghihintay sa sabi ni Cael na kakain lang daw siya at magu-usap ulit kami. Grabeng kain naman yan, baka pati mga kutsara't tinidor nila sa kusina kinain na niya.

At teka nga ha! Bakit ko ba siya hinintay? Bakit ngayon lang pumasok sa isip ko na nagmu-mukha akong tanga kakahintay sakanya.

Binasa ko ang huling text ko na wala pa niyang reply bago ko in-off ang aking cellphone. Gumulong gulong ako sa aking higaan at nilagay sa ilalim ng aking unan ang cellphone ko.

Bwisit. Magka-kapimples ako nito! Sabi ko kasi simula noong mag close ang klase, matutulog na ako ng maaga para naman maging fresh ako sa pasukan. At ngayon, nasira ko na ang sabi ko dahil lang sa nag hintay ako sa taong antagal kumain.

Bahala siya! Hanggang bukas hindi ko na siya papansinin. Teka nga! Diba, siya itong may gusto sa akin? Pero bakit para ako itong atat sakanya. Hindi pa nga niya sinabing ligawan niya ako, kainis.


AT? NAIINIS PA TALAGA AKO NA HINDI NIYA AKO NILILIGAWAN!?


Gumulong nanaman ako sa aking higaan at nagtakblo na ng kumot. Ang laming pa naman, tapos ganito ang pinararamdam niya—igat ka talaga Trinity!


Nag ring ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan. Sign na may tumatawag sa akin. Kukunin ko na sana ang aking cellphone ng maalala kung ilang oras niya ako pinaghintay.


Sige, magbibilang nalang ako. Mga 10 seconds, 10 seconds? bakit parang ang bilis ata. Sige, 12, 12? No, no. 20 seconds. Oo, yes. 20 seconds.


One.


Nagri-ring ang pa rin ang cellphone ko habang tiningnan ko na ang screen nito. Nakalagay pa talaga ang name niya ah. Next time hihingi ako ng pic niya para ilagay—HUH??

Two.

"Ate?"

Umuga ang double deck sa taas.

"Gising kapa ba?" tanong ng kapatid.

Three.

Nakatingin lang talaga ako sa screen habang nagri-ring pa rin. Pero hindi ko na talaga kaya, baka nilalanggam na siya kakahintay. Pero ako nga inu-od na kakahintay sakanya matapos kumain.

"Hello?"

No choice. Sinagot ko nalang. May puso rin naman ako, hating gabi na kasi. Nakakaabala naman sa kapatid ko sa taas na nagising pa talaga. Atsaka naawa naman ako na pinaghintay ko siya ng 3 seconds.

[Bakit gising kapa?] Malamang hinihintay kita.

Unang salita niya palang alam ko na, na may iba sa boses niya. Hindi sa kinikiliti ako, pero may kakaiba talaga sa boses niya. Parang inaantok na pagod.

Baka inutusan ng mama niya. Pero kwento sa akin sa chat namin kanina ni Jeya, may mga katulong daw sila. Pero hindi naman lahat magagawa ng katulong diba.

"Ikaw? Bakit ang tagal mo kumain? Naghugas kapa ba ng mga pinagkainan niyo? O inutsan kapa ni mama mo" walang hinga-hinga na sunod sunod na tanong ko.

Para akong girlfriend na galit sa boyfriend na hindi nakapag-update.

Nakarinig ako ng mahinang tawa sa kabilang linya. Ang tahimik din sa kabilang linya, boses niya lang at paghinga ang pumapasok sa tenga ko. Na masarap naman pakinggan.

[Nag ano kasi...]

"Ano?"

Tumawa siya. Eto ako, seryoso. Nakakainis naman, pa thrilled pa kasi siya, pwede naman niyang sabihin, na ganito, nag ganon. Pero may pa pause pa siya tapos hinga ng malalim tapos buga.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon