Chapter 30

1 0 0
                                    

For the years na nagi-isa lang ako. Masasabi kong INDEPENDENT WOMAN na ako. Kahit pa noong naga-aral ay nagtra-trabaho ako. Tutok ako sa paga-aral at trabaho na sinabayan ko ng kasiyahan.

I know my limitations kaya naman hindi ako puro lonely lang ang ganap buong sampung taon. Binago ako ng lugar na yon, iyon ang masasabi ko. At ang pagbabago na yon ay nagustuhan ko, minahal ko.

Nasa veranda ako sa taas ng aking bahay. Umiinom ng kape kahit tanghaling tapat at mainit. Nasanay kasi ako na paliging umiinom nito tuwing nagi-isa at nagmumuni-muni. Kung hindi kape ang iniinom ko ay beer naman. Ayoko naman makatulog  dahil may pupuntahan ako, kaya nagka-kape na lang ako.

Two storey house itong pinatayo ko. Hindi siya malaki, hindi rin maliit. Sinabihan ko nga ang kapatid ko na pwede silang dito tumira. Aalis din naman kasi ako pagkatapos ng kasal nila. Pero humindi sila, gusto raw kasi nila ay ang matatawag nilang kanila. Ngayon ay may bahay at lupa silang binili. Doon malapit sa lugar namin noon na tinitirhan.

May family reunion ang pamilya ni mama. Bukas iyon at ayoko sanang pumunta. Pero mapilit ang aking kapatid at nag message sakin mismo ang pinsan ko. Iyong pinsan ko noon na maagang nabuntis. Naka-chamba at naka hanap ng daddy sa anak niya. Ngayon, dalawa na ang anak. Dagdag na buntis nanaman siya ngayon. Nang tiningnan ko ang profile niya kanina sa instagram ay mukhang marangya siya ngayon na namumuhay. Hindi kasi ako active sa facebook simula ng umalis ako sa Pilipinas. More on Instagram ako.

Plano ko ngayong araw ay dalawin si papa. Hindi ko pa ito nadadalaw simula ng nilibing siya. Syempre, wala ako sa Pilipinas. Sasama sana sakin ang kapatid ko, pero sinabihan ko siyang kung pwede ako lang muna. Ayoko iwanan niya ang soon to be wife niyang buntis pala. Nalaman ko lang nang nakita ko kagabi ang baby bump. Surprise raw sabi ng kapatid ko.

Naligo ako at nagbihis. Isang mahabang kulay puting skirt, brown na sleeveless at white cardigan ang aking napiling isuot. Oo, alam ko mainit sa pinas, pero type ko kasi. Sa ilalim naman ay flat shoes na kulay pula. Habang dala dala ko ang paborito kong bag na una kong nabili sa unang sweldo.

Naglakad na ako papunta sa sasakyan. Ang kapatid ko ang pinabili ko nito, siya ang gumagamit nong wala pa ako. Alam ko naman kasing uuwi ako sa Pilipinas, hindi ko lang akalain na sa kasal niya pa.

Nasa isang village ang bahay ko nakatayo. Malayo sa tinitirhan ng kapatid ko at sa kanila mama. Sinadya ko yon talaga, ayoko kasing bumalik doon. Gusto ko ng tahimik na buhay. Kahit mabilis lang naman ako dito.

Ganon pa rin ang daan papunta sa amin. Nadagdagan lng mga establisyemento, pero puno pa rin ng mga tubo o sugarcane ang paligid. Bumili ako ng kandila at bulaklak. Nang makarating sa baranggay na aking kinagisnan. Lahat ng ala-ala ay biglang dumaan.

Napabukas ako ng binatana ng sasakyan. Mabuti at dala dala ko ang aking mga camera. Kung bored ako ay pwede manguha ng litrato. Dinala ko talaga dahil gusto ko ako ang kumuha ng litrato sa kasal ng kapatid ko. Pero ayaw niya, puro na lang daw ako trabaho. Dapat daw FREE ako.

Humahalik na ang kulay kahel na araw sa aking pisnge ng bumaba ako sa sasakyan. The fresh air of the province is what I totally missed. It makes me remember all the good days I spent in my teenage years. I don't really remember where my father's grave is because of the changes. But, thankfully, the big tree that I remember is still standing near his grave. Walking slowly to him, I recall the happy moments that I can remember. Holding my tears while slowly sitting in the Bermuda grass. I wipe the grave of him.

"Pa," unang pagbati ko.

Hindi ko masasabing laging nalilinis ang puntod nito. Pero hindi ito makalat katulad ng mga nakita ko kanina. Siguro ay binibisita rin naman nila, pero hindi palagi. Alam ko na naintindihan din iyon ni papa. Alam niya kasi kung gaano kahirap mabuhay sa isang araw, kaya alam ko hindi siya nagtatampo ngayon sa langit.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon