Chapter 21

1 0 0
                                    


Naging mas mabuti ang relasyon namin ni Cael. Even though na wala kaming label? I mean kasi alam naman namin na gusto namin ang isa't isa. Kahit pa nanligaw siya sakin at hindi ko siya sinagot. Nakikita niya naman siguro na I like him based on my actions.


Exam day.


Hindi ako prepared. Something happened sa bahay namin. Nakita kasi ni mama si papa na umuubo at may lumalabas na konting dugo. Sobrang alala kami sakanya kaya pinilit namin siyang pumunta sa hospital pero ayaw niya. Nagmaka-awa na si mama na mag pa check up siya pero ayaw niya. Gastos lang daw. Kaya kahapon, bigla nalang siya nawalan ng malay sa trabaho. Isinugod ito sa pinakamalapit na hospital at nalaman namin na malala na pala ang sakit nito na kanyang iniinda-inda lamang.

I was in the hospital kagabi, sitting beside with my father and praying to God na sana ay pagalingin niya na ito. Si mama naman ay palaging missing in action dahil nangu-ngutang kung  kani-kanino. Ang kapatid ko naman ay masama ang trato sakin.

Isa pa iyon, for the past weeks. Nakikita ko ang pagi-iba ng trato ng kapatid ko sakin. Para bang galit na galit siya sakin. Hindi niya ako pinapansin at palagi pa akong tinatarayan. Partida kalalaking tao niya. Hinayahaan ko nalang, kapatid ko pa rin naman siya.

Iniwan ko si papa sa hospital nang may mabigat na damdamin. Ayoko sana siyang iwan kaso ay kailangan kong kumuha ng exam. Sasabak ako sa gyera ngayong araw na walang ni isang dalang sandata.

Stock knowledge nalang talaga tapos sabay dasal.

Lutang na lutang ako habang kumukuha ng exam. May nasagutan ako dahil nakikinig naman ako sa teachers pag nag kla-klase, pero meron talagang hindi ko na masyado maalala at nahihirapan ako.

Hindi ako confident sa lahat ng exam na sinagutan ko. Pagkatapos ng sa school ay dumiretso agad ako sa bahay. Pagbukas ng pinto na abutan ko ang kapatid kong may kasamang babae. Ka edad niya at ka school mate niya, baka nga classmate pa.

"Anong ginagawa niyo!?"


Na abutan ko lang naman na nakayakap sa bewang ang kapatid ko sa babae. At ang kapatid ko aba ay hinahalik-halikan ang braso ng babae.


Ano ba ito!? Ang ba-bata pa! Sa huling pagkaka-alala ko ay grade 8 palang itong kapatid ko. 14 years old! Oo! Ni hindi pa nga siguro yan natutubuan ng buhok sa kili-kili! Pero bakit ganito!

Humiwalay ang batang babae at tumayo. Inayos niya ang kanyang blusa at isinirado ang huling mga botones. Laglag ang panga ko.

"Anong ginagawa niyo!?"

"Ate naman.."

Dinampot ng batang babae ang kanyang bag. Tumayo rin ang kapatid ko. Tinago niya sa kanyang likod ang babae.

"Sino siya!? At ano ang ginagawa niyo!? Asan si mama!?"

"Nangutang si mama," sagot nito.

Sa tatlong tanong ko. Isa lang ang sinagot niya. Kung kanina ay lutang ako sa eskwelahan at antok na antok, ngayon naman ay buhay na buhay ang sistema ko, sobrang nabulabog. Nagi-init ang batok ko sa aking natunghayan at gusto kong pikutin ang tenga nitong kapatid ko sa harap ng babaeng dinala niya sa bahay.

"Uwi na ako.." rinig kong sabi ng batang babae. Tumango naman ang kapatid ko at iginaya palapit sakin. Nasa gilid pa rin kasi ako ng pinto namin.

"Oo tama yan. Umuwi kana bata at mag saing sa inyo, mag hugas ng plato at mag aral ng mabuti. Huwag kana ulit babalik dito! At huwag kana ulit sasama sa bahay ng isang lalaki at magla-lampungan kayo! Ang bata bata mo pa—"

"ATE NAMAN!"

Ka una-unahang beses itong sinigawan ako ng kapatid ko. At dahil pa sa mali niya.

"Tara hatid kita.." hinawakan niya ang kamay ng babae at kinaladkad ito palabas ng bahay.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon