Chapter 24

0 0 0
                                    

Halos hindi na ako makangiti sa dami ng gawain ko noong nakaraang linggo sa school. Sa wakas, ay tapos na rin kami sa research at exam namin. Dagdag pa na pinasayaw pa talaga kami sa isang event dito sa school, kaya noong nakaraang linggo ay pagod na pagod ako.

Pagka-uwi ko sa bahay ay gagawa ako ng mga gawain. Magsa-saing, maghu-hugas ng pinggan, maglilinis o ano pa na utos sa akin. Pagkatapos ay maga-aral hanggang mag damag, tapos gigising ng maaga para sa gawaing bahay. Pupunta school at repeat.

Simula noong unang halik namin. Hindi na iyon nasundan. Hindi na kasi kami nagkita pa. Busy din kasi siya. Tawag at text na nga lang hindi pa namin magawa dahil sa parehos kaming BUSY. Narinig ko pa kay Jeya na dumating daw ang tatay nito. Gusto raw siyang dalhin sa abroad. Pero humindi si Cael.

Nakakalungkot na sa ibang tao ko pa nalaman ang tungkol don at hindi mismo galing sakanya. Ano yon nagu-usap sila ni Jeya o dakilang chismosa lang talaga ang isang yon.
Nakakapagod din. Akala ko pahinga ko siya, pero nakakapagod din pala.

Katulad ngayon, naka tatlong tawag na ako hindi niya pa rin sinasagot. Ngayon ko nga siya tinawagan dahil gabi na at siguro ay pa uwi na siya. Iniintindi ko siya katulad kung paano niya ako intindihin. Kahit na nakakapagod. Iniisip ko lang bakit kaya siya hindi napagod sa akin, samantalang ako. Konting ganito lang pagod na pagod na. Makatulog nalang.




"UGH KAINIS!"

Pictorial na namin. Naka toga na si Jeya at naka full make up na rin. Pero ayaw niya pang magpa-picture dahil wala pa raw ang girlfriend niya. Dapat daw na maunang makita ng 'BABY' niya ang pagmumukha niya kaysa sa photographer. Napaka engot.

"Si Cael ba pupunta?"

Tinawagan ko nga siya kagabi hindi ako sinagot. Alam naman siguro niyang pictorial namin dahil kaklase ko ang isa sa pinsan niya. Naka off na ngayon ang cellphone niya hindi katulad ng kagabi nang tawagan ko. Out of contact na siya ngayon. Naga-alala ako baka kung ano na ang nangyare sakanya.

Ito ang kanaiinisan ko sakanya eh. Bigla nalang siyang hindi magpaparamdam na parang bula. Tapos babalik na parang walang nangyare. Ano ba akala niya sa akin, mahaba ang pasensya katulad niya? Aba'y hindi! Ang ikli ng akin.

"Baka may nangyare. Kwento ni Domi, na kinuwento rin daw sakanya ng pinsan ni Cael. Problemado raw yon ngayon."

Umangat ang tingin ko sa babae na nagre-retouch. Naka-ilang retouch naba ito. Ang puti puti na nga ng mukha niya at ang kinang kinang pa. Halos basa na rin ang buhok niya sa kakalagay ng baby oil. Minuto minuto rin ata siyang nag spray-spray sa mukha.

"Hindi man lang mag tumawag o nag text."

Nilapag ko ang cellphone ko sa mesa at tumayo. Inayos ko ang pagkakasuot ko ng toga. Minake-upan lang ko ni Jeya kanina ng light. Wala kasi ako sa mood kanina. Wala akong powers na magpaganda. Malungkot na malungkot ba naman ang puso ko ngayon. Puro black and white lang ang kulay na nakikita ko.

"Baka walang load." Nagkibit-balikat siya at ngumiwi.

"Ako ang tumatawag sakanya, hindi niya sinasagot." Nagtitimpi na ako. Bakit parang nasa panig pa kasi siya nito, e ang BOSS na nga niya ang walang paramdam sakin.

"Ah baka—"

"Baka ano!?"

"Uy relax baks!"


Umirap ako sa kawalan at dinampot ang cellphone ko. Kinuha ko ang bag ko at nagmartsa palabas sa journalism office. Narinig ko pa ang pagtawag ng babae pero hinayaan ko siya. Bahala siya diyan. Hinatayin niya ang girlfriend niyang ang sabi ala-una nandyan na, pero maga-alas tres na wala pa rin.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon