Chapter 28

1 0 0
                                    

Bukas na ng umaga ang flight namin ni tiya. Excited na excited siya dahil kasama niya raw ako. Matagal din daw kasing nagi-isa lang siya. Noong tinanong ko kung bakit hindi siya nag-asawa. Ang sabi niya, ang first love na greatest love raw kasi ay ikinasal sa iba. Ayaw na niyang sundan pa. Masaya naman daw ang buhay single. May saying pa nga siya.

"Magandang Single, No hassle!"

Napailing nalang ako habang nagtu-tupi ng damit. Siya itong nakatayo sa harapan at may hawak na beer in can. Maganda si tiya, naka bob cut na maliit ang mukha. Maganda rin mamorma at mabango. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang back story ng lalaking minahal niya noon, pero baka magalit siya.

ALA una ng umaga ay nagising ako. Hindi dahil sa hindi ako makatulog kundi sa tawag mula sa aking cellphone. Ring ito nang ring pero unknown number naman. Ayoko sana sagutin iyon dahil baka si Cael. Hindi pa rin kasi ako nagpapalit ng number. Dahil maingay sinagot ko na lang. Magising pa si tiya, nalasing pa naman to kanina.

[Ate.]

Ang inis na aking naramdaman sa tumawag ay naglaho. Lumambot ang aking puso, tinakpan ko pa ang aking bibig sa biglang paghikbi. Tumayo ako sa kama at lumabas sa kwarto. Nagtungo ako sa sala malapit sa malaking binatana na kita ang kumikinang na ilaw sa mga katabing establisyemento.

"Okay ka lang ba?"

Iyon ang unang lumabas na tanong sa aking labi. Imbes na tanungin siya kung bakit napatawag ito. Mas tumimbang ang pagalala ko bilang nakakatandang kapatid. Taas baba pa ang dibdib ko sa pagpigil umiyak.

[Sorry, ate. Ngayon lang ako tumawag. Nagkagulo kasi dito sa bahay,] pabulong siya magsalita at mukhang nagmamadali.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

[Ate, hindi ako galit sayo kahit umalis ka.]

Nanlambot ang tuhod ko sa kanyang sinabi. Dahan dahan akong napaupo sa sahig habang tumutulo ang luha. Mabuti naman.. at may nakakaintindi sa ginawa ko. Kahit isang tao lang. Ang kapatid ko pa. Sobrang nagpapasalamat na ako. Nabuhay ang lahat ng pangarap ko at napawi ang kalungkutan sa akin.

[Galit lang talaga si mama dahil ginagatungan siya ng mga kapatid niya,] dagdag nito. [At... may nagpakitang babae dito ang sabi.. ano,] naga-alinlangan ito. Kinabahan ako bigla sa kanyang hindi matapos na salita.

"Ano?"

[Nanay daw siya ng lalaking ginagamit mo.]

Nabuka ko ang bibig. Sumikip ang aking dibdib at ang kaninang napawing kalungkutan ay nasapawan naman ng galit at inis.

Nilayuan ko na nga ang anak niya!? Ano pa ba ang kanyang kailangan!? Ganon naba kasama ang kanyang ugali!? Anak na nga niya ang sunod nang sunod sa akin. Nagmamakaawa na huwag ko iwan. Tapos ako pa itong masama!? Hind man lang ba sinabi ni Cael sa mama niya! Ganon naba siya ka Mama's boy!?

[Eh.. ininsulto si mama. Nagkagulo dahil ayaw nitong umalis at hinahanap ka. Pera lang daw ang habol mo at ng pamilya. Kung ano ano—]

"Kamusta si mama?"

Sapat na ang mga sinabi nito para maga-alala ako sa ina namin. Alam kong nasaktan din si mama dahil pagkawala ni papa, dagdag pa na umalis ako at ayan pa. Ang ina ng lalaking gusto ko ay pinahiya pa siya.

[Okay naman... kaso ano—]

"Ano nga?"

Bakit ba nagda-dalawang isip siya nasabihin ang mga bagay bagay na nangyare pagkatapos ko umalis. Iniisip niya bang masasaktan ako? Okay lang naman sakin masaktan. Basta ba ay alam ko kung ano ang kondisyon nila at kung okay sila.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon