Chapter 13

2 0 0
                                    


Para akong tanga na sumusubo ng kanin habang may ka-call. Naga-almusal kasi ako ng tumawag si Cael, ayoko naman i-turn down, kaya sinagot ko. Ngiti ngiti tuloy akong kumain, tapos ang kapatid ko sa harap ko na we-weirduhan sa akin.

[Hindi talaga ako umiinom ] nagpapaliwanag ito kung bakit lasing siya kagabi.

"Okay lang, 18 kanaman na diba" ani ko. At sa pagkaka-alam ko mag 1-19 na siya this year.

[I don't remember anything last night. Nakita ko lang na dinistorbo pa pala kita kagabi]

Tumango-tango ako at sumubo ng hotdog na ulam namin ngayon.

[Sorry, napuyat ka ata dahil sakin. You also waited for me]

Kung masarap sa tenga si Cael mag direktang mag tagalog, masarap din kapag may halong ingles. Basta masarap sa tenga ang boses niya. Mapa-english man o tagalog.

[May gagawin ka ba for today?]

"Wala"

Mabilis na sagot ko kahit may labahin pa ako ngayong araw. Wala naman si mama ngayon sa bahay, pumunta siya sa bayan. Okay lang na gumala siguro ako. Lalabhan ko naman pagdating ko. Atsaka konti lang naman, mga pambahay lang namin.

[Really? Should we-]

"Oo naman. G ako!" may excitement sa boses ko kaya tumawa ang nasa kabilang linya.

[How about pumunta tayo sa coffee shop near Cabatangan?]

Ngumiwi ako sa suggestion niya. Gusto niya pa talaga umakyat kami sa mataas na lugar, ah. Gets ko na agad ang suggestion niyang lugar. Iyong bagong bukas na may 50 pesos na entrance at may mala gold na menu. Makaka-gastos ata ako ng 300 pesos o up, dagdag pa ang pamasahe kasi malayo at pasukin ang lugar. Pero ang sabi worth it naman daw ang place.

"Iyong may entrance? pass" may lungkot sa boses ko.

[Libre ko-]

"Sa ano nalang kaya" hindi ko siya pinatapos. Nahihiya na ako mag pa libre. Noong sa rambutan siya kaya bumayad ng lahat na inorder ni Jeya, tapos avocado shake lang ang kanya.

[Where?]

"Sa malapit sa hope jk, iyong maning ata"

Kinwento kasi ni Jeya sa akin one time na maganda rin daw doon. Atsaka worth it din ang view. Pero sa totoo, gusto ko puntahan ang tinutukoy niya.

[Never heard of it. Sige, what time we're going?]

Shet. Bakit ganyan, ang sarap pakinggan. Para akong may boyfriend na taga private school, matalino, mabango at focus sa paga-aral.

[Trinity?]

"Ah, sunset?"

Out of nowhere pumasok sa isip ko na maganda siguro sa mga oras na palubog ang araw. Para breathtaking ba.

[Sure, 3pm? Sundiin kita]

"Huh? Wag na!"

"Ate, may pupuntahan ka?"

Hindi ko na pinansin ang kapatid ko dahil alam ko na magpapasama nanaman itong pumunta sa baryo at bibili ng laruan. Ang sabi ni mama, huwag itolerate ang kapatid na palaging ibigay ang luho. Lalo na kung gastos nang gastos. Ngayong linggo kasi naka-dalawa siya ni papa bilhan ng laruan na cars.

Natapos ang tawagin namin na iniisip ko na ang mga gawain ko. Alas-8 palang pero magla-laba na ako, magsa-saing para mamayang gabi at maglu-luto ng ulam.

Nagku-kuskos ako ng damit at tumabi sa aking tabi ang kapatid ko. Hawak niya ang cellphone ko habang naglalaro ng games na hindi ko alam na meron pala ako sa cellphone ko.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon