Chapter 32

0 0 0
                                    


Ang sabi nila, pamilya raw ang iyong masasandalan sa lahat ng problema na ibibigay sayo ng mundo. Sila rin ang huhubog sa iyong pagkatao. Tatanggapin ka nila, mamahalin, aalagaan, kakampi mo sila sa lahat. Sila ang unang mga taong maniniwala sayo kung talikuran ka ng mundo. Dahil kadugo mo sila. Pareho kayo ng   dugo na nalalantay sa ugat niyo.

Pero, sabi lang nila iyon. Dahil para sakin, sakit lang sila sa ulo. Oo, umaasa ako na balang araw sana ay iba na ang pananaw nila sa Trinity na ako. At ang araw na iyon ay sana ngayon.

Wearing a red up shoulder long sleeves paired with white flared pants. And a red stiletto to make an pattern to my up shoulder. I slowly get out of my car. Binuksan ko ang likod ng sasakyan at kinuha ang dala kong pagkain. Kinuha ko rin ang black leather bag ko. Totally, this isn't my style. But, I want them to look at me with satisfactory eyes. Na mukha talaga akong professional.

Hindi sa pagmamayabang.. pero alam ko naman na sa mga ka-edad ko na sa mother side. Ako lang ang nakapagtapos sa kolehiyo at nakapagtrabaho ng malaki ang kita. Sunod ang kapatid ko. Pero hindi sa pagmamayabang yon ah.

Alam ko naman kasing hindi sila nakapagtapos katulad ko dahil sa kapos din sila. Kaya naiintindihan ko sila.

"Ate," tawag sa akin ng kapatid ko. Lumapit ito sakin habang naka-akbay kay Angeline, ang fiancee niya. Ikakasal na sila next week. I'm happy for them.

Ngumiti ako at magaan na niyakap ang babaeng kasama niya. Humalik ito sa aking pisnge at nagkamustahan bago kami inayaya na ng kapatid ko na pumasok sa reception.

Kinakabahan pa ako dahil ngayon ko na lang ulit makikita ang mga pagmumukha nila. Last time na nakita ko sila ay pinalayas pa ako ni mama. Ngayon welcome na sila sakin. Nag-iba ang ihip ng hangin.

Relax, Trinity. Wala ka namang ginawang masama sakanila. Sila itong may ginawang masama sayo. Huwag ka matakot.

Inalo ko na lang ang aking sarili. Rinig na rinig namin ang ingay kahit malayo pa kami. May nagvi-videoke at meron ding mga nagtatawanan at mga batang naglalaro. Kinapa pa ako ng kapatid ko. Tumango lang ako sakanya bago silang dalawa na unang maglakad. Late na kasi kami. Ang sabi niya sakin sa text ay nag-usap pa raw sila ng masinsinan ng fiancee niya. Hindi ko na tinanong kung anong pinag-usapan nila. Wala naman akong pake.

"ANG PABORITO KONG PAMANGKIN!"

Umalingaw-ngaw ang sigaw ng isa sa mga tiyo namin. Sumigaw pa talaga siya, eh naka microphone naman ito. Pinabayaan ko na lang at nakatingin ng diretso sa likod ng kapatid ko. Paborito niya ang kapatid ko, syempre, sila ba naman ang nagturo dito kung paano mag yosi at mag-inom. Noong naka graduate lang siya sa college na kwento sa akin, na sa mga tiyuhin din pala siya namin natuto sa mga ganon at hindi sa mga kaibigan.

"Aba'y kasama rin ang napakagandang asawa!"

Wala silang sinabi na masama kay Angeline noong nalaman nila kung sino ito sa buhay ng pamangkin nila. Sabagay, ano namam ang masasabi nilang masama rito. Mahitsura na, mabait pa, nakapagtapos pa ng paga-aral at higit sa lahat ay may kaya ang pamilya. Pamangkin ba naman pala ng kapitan rito samin.

"Magandang tanghali, po," bumati si Angeline at yumuko. Hindi pa rin ako nakatingin sakanila.

May umakbay sa akin at doon lang ako natauhan. Tumingin ako rito at ang pinsan ko pa lang ito na nag-invite sa akin. Nakangiti siya at niyakap ako. Hinigpitan pa talaga niya, naramdaman ko tuloy ang bukol sa kanyang tiyan. Mukhang ilang buwan na lang manganganak na ito.

"My lovely cousin!"

Kumalas ako sakanya at ngumiti. Ang puti puti niya pero sobrang namumula ang pisnge. Siguro dahil sa rejuv. May braces din itong kulay pink. Habang ang hikaw nito ay napakalaki. Sabay pa sa namumulang pisnge niya ang kanyang labi.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon