Chapter 9

4 1 0
                                    

MOVING UP DAY!

Ang aga ko nagising at maaga akong naligo. Minake-upan ako ng tita ko ng light pagkatapos nag bihis ako ng uniform na susuotin ko. Pagkagising ko palang kaninang umaga ay tuwang tuwa na ang puso ko. Na e-excite ako kahit ko hindi pa naman graduation.

"Pak! Ang ganda" Lumabas ako sa gate namin at tiningnan ako ni papa mula ulo hanggang paa. Nakangiti siya pero nawala nang makita niya ang uniform ko. "Hinabol kaba nak nang plansya" itinuro nito ang uniform ko na hindi na plansya.

Gumising kasi ako noong isang araw na black out na sa amin. May pumutok sa poste kung nasaan ang kuryente namin at hanggang ngayon hindi pa na a-ayos. Kaya eto, hindi na plansya ang uniform ko. Wala naman akong pwedeng pag plansyhan. Ang kamag-anak lang namin dito ay si tita na kapatid ni mama. Tapos nasa kabilang bayan na mga kamag-anakan ni papa. Alangan naman sa kapitbahay ako namin makiplansya, eh wala rin silang kuryente.

"Hindi man lang ba inayos ni mama mo" lumapit si papa sa akin at inayos ang ribbon sa uniform ko. Ngumiti lang ako kay papa at inayos ang buhok nitong may gel. "Special day mo ito, nak"

"Moving up palang naman"

"Ay kahit na basta a-akyat ka sa stage"

Hindi na lang ako sumabat pa kay papa. Umalis na kami at sumakay sa dipasaheng motorsiklo, kasama ko si mama, papa, atsaka ang kapatid ko rin.

Pagkapunta sa school ay hindi mawala ang saya sa mukha ko. May ngumingiti pa sa akin na i-ilan na hindi ko naman kilala na nginitian ko nalang din. Happy person ako ngayon kaya lahat ng makakasalubong ko ay nginingitian ko.

Umupo na sila mama at papa sa mga upuan for parents habang ang kapatid ko ay pumunta na rin sa upuan niya. Ako naman ay pumunta pa sa room namin dahil gusto ko maki charge muna. Para magkatapos mamaya ng ceremony ay full battery na ako.

Pagkapasok ko sa pinto ay sinalubong agad ako ni Jeya. Oo nga pala, okay na kami. Nag sorry na siya sa akin, pinuntahan niya pa talaga si mama para sabihin na joke niya lang daw iyon na boyfriend ko si Cael. Pinatawad ko naman si Jeya dahil kung ang Diyos nga nagpapatawad, hindi naman ako Diyos, pero pinatawad ko pa rin siya.

"Ganda naman this girl!" pasigaw na sabi nito kaya tumingin ang ilang kaklase namin. Siniko ko lang siya at lumapit ako sa likod kung saan may saksakan at nag charge. "Wala pa rin kayong kuryente?" tanong nito. Tumango lang ako sakanya. "Halata naman, kita mo ang uniform mo nga oh" pano niya naman nalaman na wala kaming kuryente? Sabagay, dakilang chismosa rin itong si Jeya.

Hinarap ko si Jeya at nginitian. "Baka mamaya may kuryente na kami"

"By the way!" niyugyog niya ang balikat ko. "Nood tayo graduation mamaya!" kinuha ko ang kamay niya sa balikat ko. "Ay sorry" nag peace sign siya sa akin.

"Depende—"

"Di! Manonood talaga tayo!" nakangiti siya na malaki. Kita ko tuloy ang braces niya. "Tapos gala tayo pagkatapos graduation"

"Pass"

"Libre ko!"

"Sige"

"Nice" tumawa siya at niyaya na ako lumabas. Ang daming pinagsasabi ni Jeya na pupuntahan daw namin mamaya dahil masarap ang mga pagkain nila. Hindi naman daw kalayuan at malapit lang. Kailangan lang daw sumakay sa motorsiklo.

Nakarating na kami sa venue at umupo sa kinuupuan namin. Kahit na umupo na kami ay may kung ano pa siyang pinagsasabi hanggang sa umabot na ikwenento niya na ang lalaking ilang araw ko na rin iniisip.

"Mabait talaga yon.." nakatingin ang mga mata niya sa akin. "Tapos, masipag pa!" napapapalakpak pa siya. Para namang ini-endorse niya sa akin si Cael. "Kaya talaga... very good eleven out of ten si boss Cael!" nag thumbs up pa siya sa akin. Nilungo-lungo ko nalang aking ulo.

Text Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon