"Inay! Itay! Halina po kayo at kakain na! " malakas na sigaw ko upang masiguro na marinig nila ako dahil nasa dulo na sila ng maisan nagbubunot ng damo. "Tanghali na po. Tama na muna iyan! "
Pero mukhang ayaw pa nila tumigil sa ginagawa kaya inutusan ko na lang ang bunso namin na sunduin sila inay at itay doon sa dulo.
"Ate, naman e! Ang layo kaya nila. Ang init pa, " pagdadabog niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata. " Bilisan mo na. Daanan mo na rin si Maureen doon sa sapa tapos na siguro iyon sa paglalaba. "
Lalo siyang nagdabog. Mangiyak-ngiyak itong nagpapadyak na umalis upang sundin ang utos ko. Natawa nalang ako.
Ako nga pala si Gueene Ysabelle Ignacio-Aloquin. Panganay sa tatlong anak. At proud ako na isang magsasaka ang mga magulang ko. Dito nila kami binubuhay na magkapatid. Maliit lang itong sakahan namin na minana pa ni Itay sa kanyang namayapang ama.
Ang pagtatanim ng mais ang pangunahing pangkabuhayan namin. Sa kabila ng hirap at kapos sa pera nagawa parin nila kaming pag-aralin. Nakatapos ako ng dalawang taon na pag-aaral sa kolehiyo. Ang pangalawa namin na si Maureen ay kasalukuyan nang nasa second year college, teacher ang kurso na kinuha niya. Ang bunso naman namin na si Beatriz ay nasa second year high school palang.
Nang makatapos ako ng pag-aaral, naghanap kaagad ako ng trabaho. Ngunit sa kasamaang palad, bilang isang kahera sa isang mamahaling bar ako napunta sa dami ng pinag-aapply-an. Dahil magandang mukha lang daw meron ako ngunit walang laman ang utak. Masakit. Pero wala akong pagpipilian kundi tanggapin nalang ang katotohanan.
Hindi kasi ako biniyayaan ng talino katulad ng dalawa kong kapatid. Ganda at diskarte lang mayroon ako pero mahina ang utak ko. Pinilit ko lang na makatapos ng kolehiyo upang hindi mabigo ang mga magulang ko sa akin na ang taas ng expectation na malayo ang mararating ko.
Hinain ko na ang mga pagkain na dala ko sa maliit na mesa na gawa sa kawayan nang makita silang apat na paparating. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko nang makita ang mga magulang ko ang laki ng ngiti sa mga labi. Na para bang may isang bagay silang narinig na ikinatuwa ng mga puso nila.
"Hindi lang matalino itong si Maureen ang ganda pa, " sabi ni Itay saka pinatong ang sumbrero na gawa sa buri sa gilid ng kahoy na upuan. "Akalain mo bang isang anak ng Mayor ang magkagusto sa kanya. "
Nangunot ang noo ko nang makita ang pamumula ng pisngi ng kapatid ko. Sa natural na ganda, makinis at maputing balat ni Maureen, hindi maikaila na maraming magkagusto sa kanya. At isa pa, matalino siya. Kaya hindi na ako magtataka kung pati anak ng Mayor dito sa bayan namin ang pagka interesan siya.
Ngunit nababahala ako sa kapatid ko. Kung totoo mang nagustuhan siya ni Juancho, masasaktan lang siya.
"Sabi niya, pupunta daw siya rito kapag may bakanteng oras siya upang pormal na magpaalam sa inyo na liligawan ako, " aniya at lalong namula ang pisngi.
Nangislap ang mga mata ng mga magulang namin ng marinig iyon. "Aba'y dapat nating paghandaan ang pagpunta niya rito. Nakakahiya naman kung pupunta siya rito na marumi at amoy pawis kami, " saad ni Inay.
"Tama ang inay mo, anak. At saka para maka handa narin tayo ng kaunting salo-salo," sabi ni Itay.
Napabuntonghininga nalang ako. Hindi na ako sumabat dahil alam ko kokontrahin lang nila ang sasabihin ko. Ate lang naman ako at sila ang mga magulang.
"Ikaw Gueene, na promote ka na ba sa trabaho mo? " tanong ni Itay sa akin nasa plato niya ang tingin. "Mag isang taon ka na riyan sa trabaho mo. Kahit papano nakapag-aral ka naman sa kolehiyo pero bakit hanggang ngayon tagalinis at tagakuskos ka parin ng kobeta diyan tinatrabahuan mo. "
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...