Chapter 32

850 13 0
                                    

Chloe point of view:

I heard Razen got married last month. Kaya umuwi ako ng Pilipinas na hindi alam ng mga parents ko. It hurts, knowing that my love is married to someone else.

Buong biyahe dilat ako. Hindi ako mapakali gusto ko ng makarating kaagad at makita siya. Sampung taon mahigit na noong huli ko siyang nakita at nakasama para i-pursue ang modeling career ko sa US. At ito ang muling pagkikita naming dalawa.

Kahit pagod at puyat sa biyahe, nagawa kong magmaneho papunta sa Isla kung saan sila naninirahan ngayon ng asawa niya.

As usual, hindi naka lock ang kanyang bahay. Hindi parin siya nagbabago. Noon kasi bigla nalang ako susulpot sa mansyon nila tapos natataon na wala siya, ang nangyari madalas niya akong naaabutan na tulog sa kanilang sala o di kaya sa gasebo habang hinihintay siya. So he decided na hindi nalang i-lock ang kanyang kwarto para kapag napadalaw ako at wala siya, doon ako sa kwarto niya maghihintay.

Napangiti na nilibot ko ng tingin ang buong bahay. This house, the design, the every detail, ito ang gusto kong bahay balang araw kapag may asawa na ako. Sinabi ko iyon sa kanya noon at may kopya pa ako ng design nito. Regalo niya sa akin noong debut ko.

My heart pounding loudly for happiness. Finally, after a long time nakita at nayakap ko rin siya. Nang magtagpo ang mga mata namin, hindi parin nagbabago ang mga tingin niya kung paano niya ako tingnan dati.

"I missed you... so much. "

But instead of answering, niyakap niya ako ng mahigpit. Ni hindi na niya naalala na kasama niya ang asawa niya. Kumalas siya ng yakap at pinagsiklop ang kamay namin. Dinala niya ako sa kusina at pinagtimpla ng hot choco, my favorite.

"Kailan ka pa dumating? Hindi ka man lang nagpasabi, " inilapag niya ang mug at umupo sa tapat ko. "I really missed you, Chloe. Akala ko, hindi ka na babalik dito. "

Hindi ko pinahalata sa kanya na malungkot ako, na nasasaktan ako because I am not his wife. "Akala ko nga rin e, "I chuckle. " Hindi alam ng parents ko na umuwi ako ngayon at dito kaagad ako dumiretso."

"Why?" He uttered.

Maliit akong ngumiti. "Ngayon ko lang kasi nabalitaan na kasal ka na pala," malat ang boses na wika ko.

Umawang ang kanyang labi. Ang kanyang mga mata ay biglang lumungkot at hindi makapagsalita.

"Were friend... Alam ko, may kasalanan ako sayo. Na nasaktan ka sa pag alis ko noon but.... bakit ang bagay na ito hindi mo pinaalam sa akin? "

Yumuko ako para punasan ang luha na kumawala sa mata ko. I know it was all my fault. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit hindi niya ako sinundan sa US. Kung hindi siya nagparamdam sa akin pagkatapos ng araw na iyon. Tanggap ko naman na iyon, pero ang sakit lang isipin na sa pagbalik ko iba na ang babaeng kasama niya... hindi na ako.

"Wag na nga natin pag-usapan 'yan, " pinasigla ko sa boses ko. "For good na ang pag-uwi ko dito. At syempre may isa pa akong pakay kung bakit nandito ako, "natawa ako ng magsalubong ang kilay niya. " I heard na may problema sa Farm mo. Dahil ayaw mo naman na tulungan ka ng parents mo... Ako nalang ang tutulong sayo. Para gumaan naman iyang trabaho mo. "

Iniiwasan ko na ma ungkat ang nakaraan sa aming pag-uusap. Hindi pa ako handa na sabihin iyon sa kanya at baka hindi na rin siya interesado pa. Well, he's now married. Ngunit hindi ako makakapayag na maging masaya ang babae na yun.

I don't like her at all. Unang kita ko palang sa kanya napatanong kaagad ako sa sarili ko. Bakit sa dami ng babae siya pa ang napili ni Razen. I admit she is simple and pretty. She has a nice body, but hell! Bakit hindi nalang ako? Mas lamang naman ako sa babae na iyon at mas bagay kami ni Razen.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon