"What are you saying?! " pa singhap na wika ni Ma'am Elizabeth. "Iiwan mo ako na mag-isa rito sa malaking bahay na'to? "
"My business needs me, Ma--"
"And I need you too," she said desperately. "You know that, son. Nagawa mo noon na asikasuhin ang mga negosyo mo na hindi ka lumayo sa akin, magagawa mo rin yan ngayon. Matulungan pa kita. "
"Hindi na kasi ganoon ang sitwasyon, Ma. " malumanay siyang sabi ngunit mariing nakakuyom ang kanyang mga kamao. "My business needs me. Gueene needs me--"
"So, it's all about her, " mapakla niyang usal. "Siya pala ang dahilan kung bakit aalis ka sa bahay na'to. Ang dahilan kung bakit iiwan mo ako rito! "
"It's not like that, Ma, " bahagya nang tumaas ang boses niya. Ramdam ko na ang tensiyon sa kanilang dalawa. "Kung doon ako sa Isla matutukan ko ang negosyo ko. May bahay ako doon, Ma. Ang hassle at malayo ang Isla dito sa mansyon, paano naman ang asawa ko? Wala na kaming oras sa isa't isa, " he sigh. "I'm sorry, Ma. But my decision if final. Uuwi kami sa Isla at doon manirahan. "
Hinila niya ako patayo, palayo sa mama niya na ngayon nag aapoy ang mga mata sa galit. Dumiretso si Razen sa veranda nang makapasok kami sa kwarto. Nagdadalawang isip ako kung lapitan ko ba siya, kung kausapin ko ba kasi sa nakikita ko ang laki ng problemang iniisip niya.
"Razen... "
"Hmm? " aniya nakatingala parin sa kalangitan.
Lumapit ako sa kanya at tumabi. "Buo na ba ang desisyon mo na umalis dito sa bahay niyo? "
Dinig ko ang kanyang mahinang pagbuntonghininga. "Noon ko pa sana ito ginawa... Ang umalis at lumayo dito."
Gusto ko sana itanong kung bakit pero personal niyang buhay yon.
"Naroon ang negosyo ko. Ang buhay ko sa Isla. Kaya lang hindi ko maiwan si mama, na kahit malayo ang Isla, kahit pagod ako kailangan kong umuwi para sa kanya. "
"Kung ganon, sa Isla ka lagi pumupunta? "
Tumango siya at hinarap ako. "Ayos lang ba sayo na doon tayo titira? "
"Kahit saan, ayos lang sa akin. "
'Basta malayo sa mama mo. Iyon lang ang gusto mo.' Dugtong ko sa aking isipan.
Natatakot na ako para sa buhay ko sa bahay na'to. Ligtas lang ako kapag narito si Razen.
"Bukas ng umaga tayo aalis. Ihanda mo na ang mga gamit na dadalhin mo. "
Bukas na agad? Pero hindi pa ako naka uwi sa amin. Miss na miss ko na ang anak ko.
Nagpaalam ako sa kanya na aayosin ko muna ang mga gamit ko. Nagpa-iwan siya sa veranda dahil hindi pa raw siya inaantok.
Tinawagan ko kaagad si Inay. Gabi na kaya panigurado tulog na ang anak ko. Ngunit ganoon nalang ang saya na naramdaman ko nang boses kaagad ng anak ko ang narinig ko.
"Mama! "
"Inaabangan mo ba tawag ko? "
"Opo. I miss you po. "
"Miss na miss rin kita, " hinayaan kong pumatak ang luha ko. "Kamusta ang pag-aaral mo? Hindi ka ba nahirapan? Wala na bang umaaway sayo? Hindi ka na ba nila tinutukso? "
"Ang dami ng tanong mo, mama. "
Napahagikhik ako. Panigurado naka nguso ito ngayon. "Kaya siguro ayaw mo mag kwento kay mama kasi may crush ka na sa school. "
"Sinabayan nga yan ng limang babae kanina. Yung isa naka akbay pa sa kanya, " singit ni Inay sa usapan namin.
"Lola Nanay! "
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...