Chapter 27

853 11 0
                                    

Anong oras na pero wala parin si Razen.

Naka upo ako sa gilid ng hagdan dito sa labas ng bahay. Kanina pa ako naka uwi. Nakaluto na ako ng hapunan, nakakain na ako pero si Razen hindi parin dumadating.

Akala ko ba uuwi siya? Pero mag alas-nuwebe na ng gabi wala parin kahit anino niya. At naalala ko, kasama niya pala ang kababata niya na kung makalingkis sa kanya daig pa ang linta.

Nilalamok na ako sa kakahintay. Aasa pa ba ako na uuwi siya? Parang nakalimutan na niya kasi na may asawa siyang naghihintay sa kanya sa bahay.

Baka hindi na iyon uuwi. Pinapagod ko lang ang sarili ko sa paghihintay  kung pwede namang matulog. Makabalik na nga lang sa kwarto.

Sinigurado kong naka lock lahat ng mga pinto at bintana. Pinatay ko rin ang mga ilaw mula sa ibaba hanggang dito sa itaas. Bahala na si Razen kung paano siya makapasok kung uuwi man siya ngayon. Tanging ilaw lang na nakapalibot sa labas ng bahay ang nakabukas.

Hindi naman ako takot na mag isa dito. Ayoko lang na walang kasama kasi naalala ko ang mga ginagawang pagmaltrato sa akin ni Ma'am Elizabeth. Natatakot ako na wala si Razen, na hindi ko siya kasama, na hindi ko alam kung saan siya kasi hindi ako makahingi ng saklolo sa kanya kapag nagpapanic attacked ako.

Dinampot ko ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng table, ngunit lowbat iyon. Hinalungkat ko ang mga gamit ko sa drawer para hanapin ang lumang cellphone ko. Kailangan may marinig akong ingay. Ayoko sa tahimik. Mababaliw ako.

Nagkalat ang mga damit ko sa sahig. Pero hindi ko mahanap ang cellphone ko. Pinagpawisan na ako. Nanginginig na ang mga kamay ko at nag umpisa na akong kabahan. Kahit anong paghinga ko ng malalim ayaw parin mawala ang kaba ko.

Sa drawer ng vanity table ko natagpuan ang lumang cellphone ko. Kinuha ko iyon at kinulikot. Nang mahanap ang pakay, humiga ako sa kama yakap ang cellphone ko habang nakikinig sa tawa ng anak ko.

Ito lang ang nagpapakalma sa akin kapag wala akong kasama. Ito ang gamot ko. Ito ang karamay ko. Mabuti nalang at mahilig ako mag record ng boses ng anak ko noon. Malaki pala ang tulong nito sa akin ngayon.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang dumaan bago bumalik sa normal ang pakiramdam ko. Nanatili parin akong nakahiga. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Dinampot ko ang remote upang patayin ang ilaw.

Kadiliman. Iyon ang bumalot sa kabuoan ng silid. Nakasarado ang lahat ng bintana pati narin ang mga kurtina. Dilat ang mga mata ko at nakikinig parin sa boses ng anak ko.

"Ma-Mama. Mm-ma...ma."

Napangiti ako ng marinig iyon. Ito ang unang beses na binigkas niya ang salitang 'mama'. Umiyak pa ako noon sa subrang tuwa.

"Mama, I love you. "

Bumangon ako at umupo sa dulo ng kama nang marinig ang boses ng anak ko.

"Mama, I missed you."

Lumilinga ako kung saan banda nanggagaling ang boses na iyon. Parang ang lapit lang niya, pero bakit hindi ko makita ang anak ko? Nag umpisa nang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Tumayo ako. Kailangan kong makita ang anak ko. Baka kailangan niya ng tulong. Baka kailangan niya ako.

"Mama, nandito po ako. "

Natuon ang paningin ko sa naka bukas na sliding door. Naroon ang anak ko nakatayo. Naka suot ng puting damit at pajama, malungkot ang kanyang mga mata.

Humakbang ako palapit sa kanya ngunit nawala siya sa paningin ko. Hinanap ko siya. Sa kanan, sa kaliwa, sa aking likuran ngunit wala.

"Mama, nandito ako. "

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon