Chapter 35

922 11 2
                                    

Akala ko tulad ng iba huhusgahan niya rin ako sa pagiging disgrasyada ko, sa mga pagkamali ko, pero hindi iyon ang narinig ko mula sa kanya. Malaki ang epekto sa akin ang sinabi niya dahil isa siya sa mga taong nagsabi na proud siya sa kabila ng mga maling ginawa ko noon.

"And also, thank you for saving my business earlier. Naikwento sa akin ng mga tauhan doon ang ginawa mo kanina," napanguso ako ng guluhin niya ang buhok ko "kung nagkataon na wala ka doon, kawawa ang mga small businesses na umaasa at nagtitiwala sa akin. "

Ako na naman ang nakikinig ngayon sa kanya. Mukhang nawalan siya ng gana kumain nang maalala ang mga problema niya. Panay ang pagbuntonghininga niya at malalim ang iniisip.

"Ayaw ni dad magpa heart surgery, " he took a deep sigh. " And about our wedding... May nakaalam. At gusto nilang malaman kung totoo ba iyon. Kaya hindi ako tumuloy sa Spain kahapon. "

"P-Paanong may naka alam? " tigagal na usal ko.

"Hindi ko pa nalaman kung sino ang nagbigay ng impormasyon na iyon, " napayuko siya at muling napabuntonghininga. "May mga photos and videos rin na magkasama tayo. At hindi ko akalain na pati dito mismo sa bahay ko nakuhanan niya tayo ng litrato. Noong time na nasa terrace tayo. "

"A-Ano na ngayon ang gagawin mo?"

Kinakabahan ako kasi baka may nag aabang pala sa akin na media sa paglabas ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung mangyari man iyon.

"Wala akong ibang gagawin kundi ang manatili sa posisyon ko sa kompanya. They need me. They need my money. At hindi ang kasal nating dalawa ang magpapabagsak sa akin. "

"Pero paano kung malaman nila ang totoo kong pagkatao? "

Nagsalubong ang kilay niya. "Does it matter? Wala namang mali sa pagkatao mo. "

"I mean, may anak ako. Isang mahirap. Hindi kita ka level, Razen. Paano kung gawin nilang isyu iyon?"

"Hindi naman ako matitibag dahil lang doon. Gusto lang nila ng kompirmasyon kung totoo na kasal ako. Ang iniisip ko ngayon, ikaw. Baka hindi mo kayanin kapag inilabas kita sa publiko. At saka, yung anak at nanay mo. Baka pati sila madamay. Don't worry hindi naman mahalaga ang isyu na'to. Humahanap lang sila ng butas para mapaalis ako sa posisyon ko. Kung tutuusin, halos pagmamay-ari ko na ang buong kompanya na iyon. "

"Sigurado ka ba talaga? " naninimbang na tanong ko.

He gave me a warm smile and nodded. "Yeah. I can handle this. Don't worry. "

Hindi parin ako mapanatag. Kapag ganitong mga sitwasyon na pati buong pagkatao ko mauungkat kinakabahan ako. Kasi baka madamay ang anak ko lalo na si Inay. Wala siyang alam sa pinasok kong sitwasyon. Baka mahimatay yun kapag nabalitaan niyang asawa ako ng isang bilyonaryo. Nabaling ang atensyon ko ng tumunog ang cellphone ko. Si nanay tumatawag. Napatingin ako kay Razen, kinakabahan. Sa bilis ng balita baka nakarating na iyon sa kanya. Nanginginig ang kamay na sinagot ko iyon at ni loudspeak.

"Mama... "

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang inaantok na boses ng anak ko.

"Bakit hindi ka pa natulog? Gabi na. May nakalimutan ka bang sabihin? "

"Hindi kasi ako makatulog, mama. "

"Bakit? Nasaan ba si lola nanay? Hindi mo ba katabi? "

"Nakatulog na po siya. Mama, pwede po makausap iyong lalaki kanina? "

Napalunok na tumingin ako kay Razen. Napaubo ito sa narinig. Inilapit niya ang mukha sa cellphone at nagsalita. "Hey kid. Gusto mo raw ako makausap? " wika nito sa malambing na tono.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon