Gueene pov:
Alas-sais palang bumangon na ako. Kanina pa ng madaling araw ako ginigising ng bata sa sinapupunan ko. Hindi naman ako gutom. Nakapagtataka lang kasi hindi naman ganito ang oras ng gising ko. Wala akong choice kundi ang bumangon na dahil ayaw mawala ang paninigas niya.
Tulog pa si Azane kaya nilagyan ko ng unan ang bawat gilid niya at inayos ang kumot bago lumabas. Sabado ngayon kaya hinayaan ko siyang matulog hanggat gusto niya.
Kapag ganitong sabado sana palengke si Inay. Naghahatid siya ng paninda niyang gulay doon sa suki niya nasa amin kumukuha.
Paglabas ko, ang mabango na ulam kaagad ang nasinghot ko. Bigla akong natakam at nagutom. Nangunot ang noo ko nang makitang bukas ang kalan at may niluluto doon. Nakabalik na ba si Inay? Ang bilis naman yata. Kadalasan kasi ang balik niyon ay alas-syete.
Nagkagulatan kami ni Razen nang pumasok siya mula doon sa pinto papuntang likod bahay na nakakonekta dito sa kusina. Saglit siyang natigilan ngunit kaagad ring nahimasmasan at tinungo ang niluluto. Sa amoy niyon, nasisiguro ko na ginataang gulay ang niluto niya. Pinahinaan nito ang apoy at muli akong nilingon.
"Hi... G-Good morning, " nauutal na wika niya. "Ano... Umalis si Inay... mo. Matagal raw ang balik niya kaya nagpresinta nalang ako na ako magluto. "
Naglulumikot ang mata niya hindi makatingin ng diritso sa akin. Kahit ako natigilan rin nang makita siya. Ito siguro ang dahilan kung bakit naglulumikot ang bata sa sinapupunan ko.
Bigla ay nakalimutan ko kung ano ang gagawin ko. Napako ako sa aking kinatayuan, nakatitig lang ako sa kanyang mukha. Kagabi ko lang siya huling nakita pero ganito ako kasabik ngayon na titigan ang perpekto niyang mukha.
Kaagad na sinuway ko ang sarili at umakto na wala siya. Anak ko ang may gusto nito. Kahit gusto kong tumalikod at iwan siya nagkusa ang mga paa ko na humakbang palapit sa kinaroroonan niya.
"Kakain ka na ba?" Nagpapanic na usal niya at pinaghila ako ng upuan.
Gusto kong magdabog pero naalala ko may anak pala akong dapat ingatan.
"Malapit na ito maluto. Saglit lang, " aniya at muling hinarap ang niluluto.
Oo gutom n ako at gusto ko ng matikman ang luto niya. Este, yung anak pala namin ang may gusto na tikman ang luto ng tatay niya.
Ramdam ko ang pagkataranta nito sa bawat mga galaw niya. Nakalimutan niya pa kung ano ang susunod na gawin. Nakamasid lang ako sa bawat galaw niya. Naaliw ako.
"Iyong prito baka masunog, " saad ko dahil parang nakalimutan niya yata.
"Oh shit! " pagmura niya at nagmadali na hanguin iyon. "Muntik na. "
Naluto na rin ang ginataang gulay. Naghahanda nalang siya ngayon ng sawsawan para sa pritong tilapia. Napakurap ako nang lingunin niya ako. "Gusto mo ba nang may kamatis? " tumango ako. "Maanghang? " tumango ulit ako bilang sagot.
Nang matapos, hinanda na niya ang pagkain sa lamesa. Sakto at nagising na si Azane. Pumupungas ito at humihikab pa. Nang makita ang ama ay bigla itong sumigla. Nanakbo siya palapit at niyakap ang ama. Saglit pa silang naglambingan sa harap ko bago humiwalay at kusang umupo si Azane sa kanyang pwesto.
Nagulat si Razen sa sariling galaw nang pagsandukan niya ng pagkain ang plato ko. Tumikhim siya at nagpatay-malisya nang kunutan ko siya ng noo. Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa na pagsandukan ako ng pagkain.
Dahil wala si Inay, kaming tatlo lang magkasabay na kumain. Tahimik lang ako habang ninanamnam ang niluto niya. Na miss ko ang mga luto niya. Hanggang sa matapos kumain ay tahimik ako. Silang dalawa lang ang nagdadaldalan tungkol sa bagay na sila lang nakakaintindi. Nasa pagkain kasi ang fucos ko.
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...