Chapter 25

970 14 0
                                    

Habang kumakain, naglumikot ang mata ko sa paligid. Kating-kati ang mga paa ko  na ikutin ang buong lugar pero  ayaw naman magpa-awat ang bibig ko sa paglamon. Masarap talaga kapag presko ang ihain sa hapag.

"Lipat ka dito sa tabi ko, " wika ni Razen. Nagtataka naman na tiningnan ko siya. "Lipat ka dali. "

Nawewerduhan man, sinunod ko ang sinabi niya. Lumipat ako sa kanyang tabi. At heto na naman ang puso ko, kumakabog nalang basta.

"Tingin ka sa harap."

Pag angat ko ng tingin, umawang ang labi ko. Tumambad sa akin ang humahalik ang araw sa dulo ng karagatan. Nag aagaw ang kulay dilaw at pula ng araw sa kalangitan at sa repleksiyon nito sa dagat na makapigil-hininga tignan. Ang ganda. Ngayon ko lang nasilayan ang paglubong ng araw na ganito ka lapit, ka ganda, at kamangha-mangha pagmasdan.

Hindi ako nakontento sa pag upo lang. Tumayo ako at naglakad papunta sa dulo ng cottage. Itinaas ko ang aking kanang kamay at itinapat sa araw na halos lamunin na ng karagatan.

"Ngayon ko lang nasilayan ang paglubog ng araw na ganito ka ganda," usal ko sa kawalan.

"Oo nga, ang ganda. "

Paglingon ko, nasa tabi ko na si Razen at sa akin ang kanyang tingin. Ramdam ko ang pag init ng buong mukha ko. Ang paglubog ng araw ba ang tinutukoy niya o ako? Sa akin kasi siya nakatingin. Hindi pa siya natinag kung hindi niya narinig ang boses ni Manang Lisa.

"Kamusta ka, Gueene? May gusto ka bang ipaluto na ulam? Baka mangati ka nitong mga hinanda ko, " wika ni Manang na puno ng pag-alala.

Bumalik kami ni Razen sa mesa. Sa puntong 'to magkatabi na kaming dalawa sa upuan.

"Medyo okay na ako, Manang. Naka inom na ako ng gamot. At saka okay na ho sa akin itong mga niluto niyo."

Nabuhayan siya ng loob. "Salamat naman kung ganun. Magsabi ka lang ha kung may kailangan ka pa. "

"Opo, manang. Salamat. "

Umalis rin siya kaagad. Naghihintay raw kasi ang asawa niya doon sa kanilang bahay. Nakakatuwa dahil naalala ko sa kanila sina Inay at Itay. Hindi sila kakain kapag hindi sila magkasabay.

Bago tuluyang lumubog ang araw tapos na kaming kumain ni Razen. May isang binatilyo na lumapit sa amin para kunin ang pinagkainan namin. Maya-maya bumalik siya at may dala siyang cookies na hulmang isda, star fish, crabs at shrimp.

"Ang cute, " gigil na usal ko na pinagmamasdan iyon. "Pwede ba 'to kainin? " tanong ko sa kanya.

"Opo, ma'am. Tikman niyo po. Gawa ko po iyan, " nahihiya na sambit niya.

"Si Ronald, " pakilala sakin ni Razen. "Iskolar siya dito at ang pagbebenta ng cookies sa mga pumapasyal dito ang sideline niya. "

Nginitian ko ang binata. "Wow! Nakakamangha ka naman. Galingan mo sa pag-aaral ha. I'm sure proud sayo ang pamilya mo. "

"Salamat ho, ma'am. "

Binili ni Razen ang cookies na bitbit niya. Ayaw niya pa sana tanggapin ang bayad dahil ibibigay niya lang iyon sa amin kaso hindi pumayag si Razen. Pinaghirapan niyang gawin iyon. Ginastusan rin. Paano siya makabawi kung libre lang niya iyon sa amin.

"Karamihan sa mga binatilyo rito ay iskolar," panimula ni Razen. Pareho kaming nakatanaw sa dagat. " Ayaw pa nilang pumayag no'ng una kasi sayang raw ang kikitain nila at mapunta lang sa eskwelahan. Paano naman ang mga pamilya nila.  Mabuti nalang at na kumbinsi ko sila at ang mga parents nila. "

"Kaya siguro mahal ka ng mga tao rito dahil ang bait mo, " wika ko.

Nang dumilim ang paligid inaya na niya akong umuwi. Tanging ilaw nalang sa buong Isla ang maliwanag. Ito iyong natatanaw ko sa mansyon nila.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon