Chapter 29

865 9 1
                                    

I thank god nang marinig ang paparating na sasakyan. Kay Razen iyon.

"Umalis ka dito, " dinuro niya ako. "Ayosin mo 'yang sarili mo bago humarap sa anak ko. "

Mariin niyang usal saka ako tinalikuran. I managed to walk away kahit nanghihina ang mga tuhod ko. Tinakasan ako ng lakas sa biglaang pagtagpo namin. Napakapit ako sa pader pilit pinapakalma ang sarili dahil nahihirapan akong huminga sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Ma, bakit ka nandito? "

Dinig kong tanong ni Razen. Hindi niya rin inaasahan ang pagbisita ng nanay niya.

"Para dalawin ka. Ako na ang nagpunta dito dahil parang wala ka ng balak na magpakita pa sa akin. Nag asawa ka lang, kinalimutan mo na ako. "

Hindi ko na narinig ang kanilang usapan. Bigla akong nahilo. Umiikot ang paningin ko. Sinikap kong makalabas ng bahay. Dito sa likod ako dumaan nang hindi nila ako mapansin. Sa nanlalabo kong paningin hindi ko na alam kung saan ako papunta.

Sumandal ako sa puno ng pine tree. Hinintay kong maging maayos ang pakiramdam ko bago maglakad ulit. Kay Manang Lisa ako pupunta.

Ngunit sa aking muling paghakbang, nabuwal ako at natumba. Hindi ko akalain na nasa gilid pala ng bangin itong puno kung saan ako nakasandal. Napagulong-gulong ako hanggang sa naramdaman ko nalang na tumama ang katawan ko sa matigas na bagay.

"Agh... Aray... "

Hindi ko na magawang bumangon pa o gumalaw man lang sa subrang sakit na tinamo ko at nawalan ako ng ulirat.

Nagising ako ng makaramdam ng ginaw. Napa igik ako ng sumilay ang sakit sa likod ko at balikat ng gumalaw ako. Ang lakas ng ulan. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaratay dito at kung kailan pa umulan. Madilim na ang paligid. Basang-basa ako. Sa dinanas ko, hindi ko alam kung alin ang una kung maramdaman. Ang ginaw ba, ang sakit na natamo ko sa  aking katawan, sa pagsampal ni Ma'am Elizabeth, sa gutom o kung paano ako makatayo rito at maka uwi sa bahay.

Hinanap ba ako ni Razen? Nag alala ba siya ngayon sa akin? Tanging pag iyak lang ang nagawa ko. Kahit ang sumigaw ng tulong hindi ko magawa.

'Panginoon, tulungan niyo po ako. Bigyan niyo po ako ng lakas upang malagpasan ko 'to. Ayoko pang mamatay. '

"Ahhhh! " umiiyak na sigaw ko nang ipilit ko ang aking katawan na bumangon para makasandal sa puno.

"Tay, may multo yata dito."

Naulinigan ko ang natatakot ng boses ng bata. Nabuhayan ako ng loob. May mahingan na ako ng tulong.

"Sarili mo lang ang tinatakot mo. Bilisan mo na ang paglakad baka bigla na naman bumuhos ang ulan. "

Nataranta ako baka makalayo sila. Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago sumigaw.

"Tulongggg! Tulungan niyo ako! " sigaw ko. Sinamantala ko iyon habang mahina ang ulan at malapit lang sila sa akin. "Pakiusap, tulungan niyo po ako! "

"Tay. Ano po yun? "

"Sandali, tumayo ka lang d'yan at igala mo sa paligid ang ilaw ng flashlight."

"Tulongg! Nandito ho ako!" Muling sigaw ko nang makita sa ibabang bahagi ang sinag ng ilaw nila.

"Mukhang nasa itaas banda nanggaling ang boses, Tay. "

Gumala sa paligid ang ilaw. Patungo sila rito sa itaas ngunit nasa ibang direksyon. Nanghihina na ako sa ginaw at pagod dahil sa sakit nararamdaman sa aking buong katawan.

"Nandito ho ako sa kanan! Nakasandal ako sa isang puno! " sinikap kong isigaw iyon.

Sa gitna ng panghihina, nagawa kong ngumiti nang tumapat sa akin ang ilaw mula sa flashlight na kanilang dala.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon