Everything was changed.
Iyon ang napansin ko mula nang dumating si Chloe sa buhay namin. O, nag assume lang ako na may nagbago ngunit wala naman pala. Subrang busy ni Razen. Madalas hindi ko na siya naaabutan sa pag uwi niya sa gabi at nakatulog na ako sa antok sa paghihintay sa kanya.
Alam ko may problema siyang kinakaharap sa negosyo niya at wala akong maitulong doon. Sa ilang linggo na nagdaan si Chloe palagi ang kasama niya. I know wala akong karapatan pero ang hirap itago na minsan nagseselos ako, nasasaktan dahil naaalala niya lang ako kapag may nangyari sa akin.
Katulad ngayon, naalala niya lang na nag eexist ako dahil nagkalagnat ako. Na ulanan ako kahapon nang ihatid ko sa Aquafarm ang baon niyang hinanda ko na nakalimutan niya. Tapos pagkarating ko doon masaya siyang kumakain kasama si Chloe. Masama ang loob ko sa kanya at ayaw ko siyang maka usap o kahit makita.
"Wala nga akong gana kumain, " pagalit na sambit ko. "Please lang h'wag mo'ko pilitin. Lalo lang sumasakit ang ulo ko. "
I heard him sighed. Nakatalukbong kasi ako ng kumot. Kanina niya pa ako pinipilit na bumangon at kumain nang maka inom ako ng gamot.
"Paano ka gagaling kung ayaw mong kumain at iinom ng gamot?" malumanay parin sa saad niya at naiirita akong pakinggan iyon.
"Kakain ako at iinom ng gamot mamaya. Kaya ko ang sarili ko, " yamot na sagot ko. "Wahh! Ano ba, ibaba mo'ko! " hiyaw ko nang hablutin niya ang kumot at kargahin ako palabas ng silid. "Gago! Ibaba mo'ko lalong sumakit ang ulo ko! " pagpupumiglas ko.
"Sasakit talaga ang ulo mo kung ayaw mong makinig sa akin at sundin ang sinasabi ko. "
Kahit anong pagpupumiglas ko parang wala lang sa kanya ang bigat ko. Kusa rin akong tumigil nang makaramdam ng hilo. Wala si Chloe, ewan kung saan ang babae na yun. Pasulpot-sulpot lang iyon dito kung gusto niya. Maingat na ibinaba niya ako sa upuan nang makarating kami dito sa kusina.
"Ayoko nga kumain, Razen. Wala akong gana. "
"Pilitin mo kahit kaunti lang. "
"Nakakainis ka! " nagpapadyak sa inis na usal ko.
Nagkibit-balikat lang siya at sinubuan ako. Tinaliman ko siya ng tingin at inagaw sa kanya ang kutsara upang subuan ang sarili ko. Kahit nasusuka pinilit kong lunukin ang kanin at humigop ng sabaw. Limang subo lang umayaw na ako. Hindi naman niya ako pinilit. Pinainom niya ako ng gamot at hinatid ulit sa kwarto. Hinayaan niya akong humilata doon.
Subrang bigat ng katawan ko. Ramdam ko ang init na sumisingaw sa mata at ilong ko na kahit malamig ang loob ng kwarto nangingibabaw parin ang init ng katawan ko.
"Hey, saan ka pupunta? "
Hindi ko siya pinansin. Sumunod siya sa'kin ng pumasok ako sa loob ng banyo. Nang makita na kumuha ako ng pamunas, kinuha niya iyon sa kamay. Sa inis ko tinalikuran ko siya at lumabas lanang.
"Gueene, ito na ang pamunas. Binasa ko na. "
I ignore him. Bumalik ako sa kama at tumalukbong ng kumot. Hindi naman niya ako kinulit. Akala ko aalis na siya, kaya ganun nalang ang pagtataka ko ng marinig na may kausap siya sa telepono na dalhin rito sa bahay ang mga papeles na kailangan niya.
"May sakit ang asawa ko. Yeah, paki-cancelled nalang ang mga meeting ko. Yes, and please tell Chloe not to come here."
Awtomatikong nagsalubong ng mga kilay ko. Himala at ayaw niyang papuntahin ang kababata niya rito.
Hindi ko na narinig ang boses niya. Nagulat nalang ako ng marahan niyang hilahin ang kumot ko hanggang sa aking dibdib. Natulala na sinalubong ko ang kanyang tingin.
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...