Chapter 44

1K 16 1
                                    

Hindi niya makuha si Razen sa pakiusap at pagbabanta na paraan laban sa akin kaya ang buhay ko ang una niyang pinuntirya. At ngayon, sa ikalawang pagkakataon dinamay na naman niya ang anak ko na walamg kasalanan.

"Naka dalawa ka na sa anak ko, Chloe. Iyong bata na walang kamuwang-muwang dinamay mo sa galit mo sa akin. Baliw ka yata, e! Wala naman akong ginagawa  sayo. Kung tutuusin ikaw nga itong may maraming atraso sa akin. Ako dapat ang may karapatan na magalit sayo! Pero binaliktad mo ako at magdadrama ka kay Razen!

Iyang mga galos at kalmot mo sa katawan ni isa wala akong bakas d'yan, at alam mo yan. Dahil hindi lang iyan ang aabotin mo kung sasaktan kita, " mariing wika ko galit ang mga mata na nakatingin sa kanya.

" Gueene, ano itong mga pinagsasabi mo?" Puno ng pagtataka na usal niya.

Hindi na ako nag-abala na balingan siya ng tingin dahil naiiyak ako.

"I'm scared of her, Zen. Ilayo mo ako sa kanya, " nanginginig na usal ni Chloe, nagtago sa likod ni Razen. Ngunit hindi man lang siya pinansin ng lakaki.

"Dapat ka talagang matakot sa akin, Chloe. Kung akala mo hindi ako lalaban, nagkakamali ka, "tumingin ako kay Razen na puno ng hinanakit ang mga mata. "Tanungin mo ang baliw mong kabit, Razen.

"Don't call me that, bitch! "

Hindi ko inaalis ang aking tingin kay Razen. I can't hold my emotions anymore. Subra na akong nasaktan sa mga nadiskubre ko at sa mga ipinaparamdam niya sa akin.

"Matagal mo ng alam na legal ang kasal natin pero hindi man lang sumagi sa isip mo na sabihin iyon sa akin. Kung ano ang plano mo, kung ano ang set up, kung ano gagawin ko. Hindi mo man lang inisip kung ano ang mararamdaman ko tungkol dito. "

His facial expression softened. Malamlam ang mga mata na nakatitig sa akin and I hate it. Kasi nakikita ko sa kanya ang anak ko kapag naggaganyan siya. Ngunit, mahalaga ba iyon sa ngayon? For once, gusto kong ilabas ang hinanakit ko sa kanya.

"Hindi na ako magtataka kung mas pinili mo ang magkaroon ng kabit kaysa ang hiwalayan ako. Kasi nananalaytay d'yan sa dugo mo ang dugo ng tatay mo na magkaroon ng kereda! Na mas piliin na saktan ang taong nagmamahal sa inyo d'yan sa kati ng bayag n'yo!"

Hindi napigilan na usal ko. Umawang ang kanyang labi. Akma niya akong lalapitan nang pigilan siya ni Chloe. My expression hardened, hinahamon sa pamamagitan ng tingin si Chloe na nanggagalaiti sa galit.

"Akala niyo hindi ko alam? Akala niyo hindi ko malalaman kasi ganoon naman talaga ang magkababata, sweet, caring, over protective... Wala naman akong pakialam doon... Wala akong pakialam not until that bitch threatened me!.. Until your mother is still hurting me and threatening my life  kung hindi kita hihiwalayan--"

"Tumigil ka sa kasinungalingan mo, Gueene--"

Matalim ang tingin na binalingan ko si Chloe. "Ako pa ngayon ang sinungaling? Ako pa talaga, Chloe? Bakit hindi mo sabihin kay Razen ang katotohanan? Hindi mo kaya kasi takot ka? " giit ko sa kanya.

"Don't listen to her, Zen. Don't believe her... "

"Wala akong sinabi na maniwala siya. Ang akin lang, gusto kong marinig niya ang lahat. At iyong tungkol dito sa farm, bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo, Chloe. Kung bakit maraming aberya at nagkagulo simula ng dumating ka dito! "

"Let's go, Zen. Nagsasayang lang tayo ng oras--"

"Binayaran mo si Manang Lisa at ang ibang tauhan dito diba?"

Salubong ang kilay na binalingan siya ni Razen. Biglang namutla si Chloe. Pinipilit niyang wag magpakita ng kahit anong emosyon kahit nagsusumigaw ang mga mata niya sa takot at kaba. Wala nang dahilan para hindi ko sabihin kay Razen ang buong katotohanan. Ito na ang tamang pagkakataon dahil sawa na ako na pagkimkim ng saloobin ko. Sawa na ako na puro siya nalang ang iniintindi ko. At pagod na ako na maging bulag at pepe sa isang tabi.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon