Gueene pov:
"Everyday, he watching you and your son from afar. "
Doon ko muling hinarap ang ginang. Nakatanaw ito sa mag ama na parehong nag-iiyakan. Sumisinghot si Razen. Si Azane naman humihikbi panay pahid sa kanyang pisngi na walang tigil ang pag agos ng luha doon.
"Ikaw ang papa ko diba? Kamukha kita, " humihikbi na wika ng bata sa kanya.
Pumalahaw na naman ito nang haplusin si Razen ang kanyang pisngi. Nabahala ako dahil baka nahihirapan na siyang huminga dahil sa pag iyak.
"I'm sorry..." pumiyok ang kanyang boses dahil sa pag iyak. "I'm sorry, son. I understand kung magagalit ka kay papa--"
Sunod-sunod na umiling si Azane. "Hin-hindi po ako galit. Mama explained to me everything. Subrang happy ko po kasi may papa pa pala ako."
Umiwas ako ng tingin sabay pahid ng aking luha. Ang sakit sa dibdib ng tagpong ito. Gusto kong hilain ang anak ko doon palayo sa ama. Gusto kong tumakbo palayo bitbit ang anak ko palayo sa kanila. Pero tutol ang puso ko. Ang hirap ipagkait ang tagpong ito sa anak ko na matagal ng nangungulila sa kanyang ama.
"Mama, " nilingon ko si Azane. Tumigil na ito sa pag-iyak. Nakatayo na rin si Razen sa kanyang tabi hawak ang kamay ng bata. "Maari ko po bang makasama si, " tiningala niya si Razen, gets ko na kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit naguguluhan kung ano ang itawag sa tatay niyang ngayon lang niya nakita at nakilala. "Kahit saglit lang po. "
Tumango ako bilang pagsang-ayon dahil wala akong masagap na salita para sa anak ko. Razen gave me a small smile and nodded. Hinatid ko sila ng tingin hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay.
"Pwede rin ba kitang makausap, Gueene? "
Walang bakas ng pagiging mataray at pagkasindak sa mukha ng ginang. Ang nakikita ko ngayon ay lungkot, pagsisisi at pagpakumbaba. Ibang-iba siya ngayon kumpara noong may galit at hinanakit pa siya sa akin.
Umupo ako doon sa lantay sa lilim ng punong manga. Umupo rin doon si Ma'am Elizabeth, pareho kaming nakatanaw sa loob ng bahay kung saan naroon ang mag-ama. Naka kandong ang bata sa hita ni Razen at nag-uusap sila.
"Alam ko, marami akong ginawa na hindi maganda sayo. At hindi iyon mababayaran ng sorry lang, " malumanay na wika niya. "Ngunit gusto ko parin humingi ng tawad sayo, Gueene. "
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Para saan pa ang paghingi niyo ng tawad?" blangko ang tingin na nilingon ko siya. "Hindi ba kayo pinapatulog ng konsensya niyo kaya kayo narito ngayon para humingi ng kapatawaran? Kinakarma ka na ba kaya bigla kang nagbago dahil sinisingil ka na? " napalunok na napayuko siya ng ulo. "Iniligtas mo ang anak ko pero hindi mo parin maikaila na kasabwat ka sa pagkidnap sa kanya. "
Iyon ang hindi ko na maintindihan sa kanya. Na kaya niyang gawin ang bagay na iyon para lang mapalayo ako sa anak niya. Iyong bata na walang kasalanan idinamay pa sa kabaliwan nila.
"And I regret it."
Matunog akong napangisi.
"Nang makita ko ang anak mo, he's look like my Razen when he was a kid-"
"Kung nagkataon na hindi siya kamukha ni Razen, papatayin mo ba siya sa mismong harapan ko? " mariing usal ko. Hindi ko na kayang magtimpi pa na pigilan ang nararamdaman ko ngayon.
"I'm not like that, Gueene... Oo, masama akong tao pero hindi ko kayang pumatay--"
"Hindi nga ba?" balik tanong ko sa kanya. "Sa ginagawa niyo sa akin noon muntik na akong mamatay! Palaging nalalagay sa peligro ang buhay ko kapag nandiyan ka! At naging malala nang pagtulungan niyo ako ni Chloe! "
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...