Chapter 6

1.2K 18 0
                                    

Kumapit si Inay sa braso ni Itay nang makita nito ang nag aapoy sa galit na mata ni Itay. Na anumang oras susugurin niya si Juancho. May ibinulong si Inay sa kanya dahilan para unti-unti itong kumalma.

"Nandito na pala ang anak ko," wika ni mayor.

Nang tingnan ko si Juancho, mukha itong sabog. Magulo ang buhok, gusot ang damit at pula ang mga mata. Amoy alak at sigarilyo pa. Mukhang inumaga sa inuman o kung saan man siya galing.

"Pumasok muna kayo sa loob at doon nalang natin ipagpatuloy ang pag-uusap, " saad pa ni mayor at inakay ang anak papasok sa kanilang tahanan.

May pabilog na mesa na gawa sa semento dito sa kanilang bakuran. Doon kami dinala ni mayor. Nagpahanda rin siya ng meryenda para sa amin ngunit wala doon ang atensyon namin. Mukhang hindi na makapagpigil si Itay kaya diritsahan niyang itinanong si Juancho.

"May kinalaman ka ba sa pagkamatay ng mga anak ko?"

Mahinang tanong ni Itay ngunit ramdam ko ang pagpigil nito sa galit niya dahil nasa teretoryo nila kami.

Nanlaki ang mata ni Juancho at malakas na napasinghap. "Pinagbibintangan mo ba ako na ako ang pumatay sa anak mo?"

"Hindi. Tinanong ko lang kung may kinalaman ka ba dahil nakita ko ang pitaka mo doon sa maisan namin. Tatlong dipa mula kung saan nakahandusay ang katawan ng mga anak ko. "

Nagtangis ang kanyang mga ngipin ngunit kalaunan sumilay ang pagngisi nito na nakaloloko. Kumuyom ang mga palad ko sa galit na naramdaman. Hindi nga nagkamali si Itay. Mukhang may kinalaman nga siya sa pagkamatay ng mga kapatid ko.

Sumandal siya sa upuan at dumikwatro pa. Humalukipkip ito at pinapakita sa amin na walang kabuluhan ang mga sinasabi namin laban sa kanya.

Bumuntonghininga siya. "Ninakaw ang walet ko. Malamang yung nangnakaw na iyon ang may gawa sa mga anak niyo, " tumayo siya. "Sa susunod na babalik kayo dito at akusahan ulit ako... Makikita niyo ang hinahanap niyo, " pagbabanta niya.

Nagpupuyos sa galit ang puso ko na lumabas sa kanilang tahanan. Si Inay hindi magkandauga sa pagpigil kay Itay na huwag mag eskandalo. Nang maka uwi kami doon nagsusumigaw si Itay. Nanatili lang ako sa aking silid at tinakpan ng unan ang magkabilang tainga ng hindi ko marinig ang mga sigaw niya.

Akala siguro ni Juancho hindi namin alam na nagka interes  siya kay Maureen kaya ganoon nalang ang pagbabanta niya kanina. O, 'di kaya ay alam niya kaya niya kami binantaan dahil natatakot siya na mabulgar ang kawalanghiyaan na ginawa niya.

Hindi ko alam kung paano o ano ang gagawin ko para sa hustisya na hinahangad namin. Natatakot ako lumapit sa mga pulis at isuko ang isang ebidensya na hawak namin. Paano kung bayaran nila ang mga pulis na iyon. Ang mga jugde na hahawak sa kaso dahil anak siya ni mayor? Mabaliwala lahat ng ipinaglalaban namin.

Walang bahid ng kasamaan ang pangalan ng mayor at ang pamilya niya. Kaya malabo na paniwalaan kami kung mag akyat kami ng kaso laban kay Juancho. At isa pa, hindi sapat ang ebidensya na hawak namin.

Akala ko tatahimik na si Itay at tanggapin ang katotohanan na wala kaming laban kay Juancho. Ngunit nagkamali ako. Nang mabenta ang mga mais, ginamit niya ang pera  na iyon para kumuha ng judge para sa kaso ng mga kapatid ko. Wala na akong nagawa kundi suportahan nalang siya sa gagawin niya.

"Sinabi ko naman sayo, Warlito. Na wag kang padalos-dalos sa desisyon mo. "

Dinig kong sabi ni Inay sa dismayado na tono. Sinilip ko sila sa bintana. Nakayuko si Itay nakasabunot sa kanyang buhok. Si Inay pabalik-balik sa paglalakad. Aligaga, at mukhang malaking problema ang hinaharap.

"Paano na ngayon iyan? Nasayang lang iyong pera natin na ibinayad sa judge. "

Ngayon naintindihan ko na kung bakit ganyan sila.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon