Gueene pov.
Hindi biro ang pinagdaanan ko. Nawala nga ako sa buhay nila ngunit ang trauma na ginawa nila sa akin ay dala-dala ko.
Nang malaman kong buntis ako, hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa bahay ni Razen. Hindi ko siya kayang harapin kaya iniwan ko nalang ang annulment paper at singsing ko doon. Hindi naman siya bobo para hindi malaman kung para saan iyon.
Natulungan ko siya sa hiling niyang magpakasal kami ngunit sa kasamaang palad naging legal iyon. Hinanda ko ang sarili ko noon sa ganitong bagay, na kapag nakita na niya at handa na siya sa babaeng pakasalan niya doon kami gagawa ng issue na maghiwalay kaming dalawa.
Ngunit hindi pala ganoon kadali sa reyalidad. Ang hirap pala tanggapin lalo na kapag minahal mo na siya. Kapag naging malalim na ang relasyon na binuo ninyong dalawa. Yung pinagsamahan niyo lalo na iyong paano ka niya itrato kaya ka nahulog sa kanya.
Ngunit hindi ko mabago ang isang bagay. Ang pagmamahalan nilang dalawa ni Chloe. Maraming hadlang at isa na iyon ang pagiging kasal namin.
Kaya hinanda ko na ang annulment paper nang sa ganun wala na silang problemahin dalawa. Para matigil na ang ka praningan ni Chloe at ng nanay niya. At para na rin matahimik ang buhay ko.
Si Tim ang tumulong sa akin doon sa annulment paper. Siya rin ang naghatid sa akin pauwi ng bahay. Alam ko may alam na siya sa nangyayari sa amin ni Razen ngunit tikom ang bibig niya.
Nang makita ko si Inay, hindi ko napigilan ang pumalahaw sa bisig niya. Ang mainit niyang yakap na gabi-gabi kong dinarasal habang naroon ako sa Isla at masama ang naging sinapit ko.
Iyak lang ako ng iyak. Na para bang sa paraan ko na iyon sinasabi na hindi maganda ang sinapit ko sa loob ng halos isang taon na malayo sa kanila ng anak ko.
Sa subrang pag iyak ko hindi ko namalayan na dinala ako ni Inay sa aking kwarto. Nakatulog pala ako. Madilim na nang magising ako. Babangon na sana ako nang maulinigan ko ang boses na labas ng aking silid. Boses na pamilyar sa akin at hinding-hindi ko makalimutan. Sa tono ng kanyang pananalita, galit ito, nagbabanta ang boses at anumang oras ay susugurin ako.
Bumadha ang takot at kaba sa puso ko. Paanong hanggang dito hindi nila ako titigilan? Isisigaw ko na sana ang pangalan ni Razen nang ma dinig ko rin ang boses niya. Katulad ng kanyang kasama galit rin ito at gusto akong makita.
Isang malakas na lagabog sa pinto ang nagpabangon sa akin sa takot. Kasunod niyon ang boses ni Inay paulit ulit na tinatawag ang pangalan ko.
Panaginip. Masamang panaginip. Pati sa panaginip ko hindi nila ako tinantanan. Ano pa ba ang gusto nila?
"Anak, si Inay mo 'to. Ako 'to, Gueene. "
Dinig kong sabi ni Inay. Nakikita ko siya. Ang nag-alala niyang mukha na binahiran ng takot at pagtataka. Ngunit bakit hindi ko siya maabot? Bakit tila ba napakalayo niya?
"Mama.... "
Nabaling ang tingin ko sa naka bukas na pintuan. May batang nakatayo doon. Namumula ang mata mga mata at galit na galit ito sa akin. Sa kanyang kanang kamay may hawak itong kutsilyo na naka amba na saksakin ako.
Hindi ako makagalaw sa takot na naramdaman. Ang batang iyan.... Ang batang iyan ay kamukha ng asawa ko. Bakit... Bakit siya nandito? Bakit niya ako tinawag na mama? Wala akong anak na kamukha niya.
"Wag!"
Habol ko ang aking paghinga pagkamulat ko. Pawisan ang buo kong katawan. Nanginginig ang aking mga kamay at puno ng takot sa dibdib.
Napa atras ako sa dulo ng aking kama ng bumukas ang pinto. Si Inay. Humahangos ito. Sa kanyang likuran naroon ang bata na nasa panaginip ko. Ngunit walang bakas ng galit ang mga nito kundi awa, pag-alala, at pangungulila. Wala rin siyang hawak na kutsilyo. Ang hawak niya ay baso na may lamang tubig.
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...