Chapter 42

963 13 0
                                    

Gueene pov:

May mga tao parin na mabuti ang kalooban. Na handang tumulong kahit hindi nila kilala basta ang mahalaga ay makatulong sila at walang hinihingi na kapalit. Palaisipan sa akin kung sino ang tumulong sa anak ko ngunit hindi na muna iyon mahalaga sa ngayon. Ang gusto kong malaman ay kung bakit na kidnap siya.

"Mama, tatapusin ko lang iyong ginagawa ko. Kailangan na kasi iyon ipasa kay teacher bukas. "

Tumango ako at ginulo ang kanyang buhok. "Sige anak. "

Nanakbo siya papasok sa kwarto ko at patalon na sumampa sa kama. Napangiti ako dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari sa kanya nitong nakaraang araw. Parang hindi man lang siya natakot.

Inabot ko ang kamay ni Inay at masuyo siyang nginitian. "Nay, wag niyo na sisihin ang sarili niyo. Hindi mo kasalan kung bakit si Azane ang pinuntirya ng mga kidnapper. "

Dismayado siyang umiling. "Ilang linggo ko ng napansin na parang may nagmamasid sa amin araw-araw. May sumusunod rin kahit saan ako magpunta basta kasama ko si Azane. Hanggang sa may isang lalaki na lumapit sa akin. Sabi niya, isa raw siyang taga interview para sa mga kapus-palad. Hindi ko inakala na kami pala ang puntirya nila, " pagkwento nito pinipigilan ang maiyak. "Hanggang sa uwian na ni Azane. Sa labas ng gate ako naghintay kasi doon ko naman siya palaging inaabangan. Takot na takot ako nang bigla nalang siyang hablutin ng isang lalaki at isilid sa van. "

Hinaplos ko ang kanyang likod nang umiyak siya. Nanginginig pa ang kanyang kamay habang inaalala ang nangyari bago nakuha ang anak ko.

"Sigaw ako ng sigaw ng saklolo pero hindi namin naabutan ang sasakyan na tumangay sa kanya. Nag report ako sa mga pulis tungkol sa nangyari pero sinabihan ako na hindi sila maka aksiyon kaagad hanggat hindi pa dumadaan ang bente-kwatro oras. Hindi ko alam ang gagawin ko nang araw na iyon. Walang may tutulong sa akin. Kaya sinabi ko kaagad sayo. "

"Sorry, Nay. Hindi ako nakatawag kaagad. Bigla kasing nagkaproblema doon. Hindi ako makalabas para magpaload. Nagkataon din na umulan kinabukasan, " humihikbi na usal ko.

"Akala ko nga hindi na babalik sa akin ang apo ko. Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Kinabukasan may tumawag sa akin, isang lalaki. Hawak niya raw si Azane. Pero ang sabi niya wag raw ako mag-alala dahil nasa ligtas ang bata. Ibabalik rin nila sa akin patilahin lang raw muna nila ang malakas na ulan. Nang hapon na iyon naka uwi si Azane. Hinatid siya ng isang lalaki na nakatabon ang buong mukha sakay sa mamahaling sasakyan. Hindi ako nakatawag sayo kasi lowbat ang cellphone ko at wala pang kuryente. "

Niyakap ko siya at marahang hinagod ang likod niya dahil hindi siya matigil sa pag-iyak. "Wag niyo na po sisihin ang sarili niyo, Nay. Ipagpasalamat nalang natin na walang nangyari kay Azane at ligtas siyang ibinalik sa atin. "

Iyon ang mahalaga. Kaysa ang magsisihan kaming dalawa at magtulakan kung sino ang may kasalanan. Kumalas ako ng yakap nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bag at tiningnan kung sino ang tumawag. Umigting ang panga ko nang makita na si Razen iyon. Hindi ko siya sinagot at pinatay ang phone ko. Manigas ka sa paghintay at pag isip kung saan ako ngayon.

Doon lang naman ako nagkaroon ng halaga kapag may nangyari na hindi maganda sa akin. Doon lang siya may pakialam kapag hindi ako nakikita ng dalawa niyang mga mata. Pero kapag naroon ang kabit niya, kahit saktan ako wala siyang pakialam.

Akala ko ba poprotektahan niya ako? Pero bakit siya mismo ang nanakit sa akin?

Kahit sabihin niyang nabigla lang siya still, sinaktan niya parin ako. Hindi lang emotional pati narin physical.

"Dito muna ako hanggang sa masiguro ko na ayos lang talaga si Azane, Nay. Hindi kasi ako mapakali doon. "

"Mabuti nga iyon, Nak. Para makapagpahinga ka rin. Pumayat ka doon, " aniya at sinipat ang kabuuan ko.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon