Chapter 39

930 14 0
                                    

Gueene pov:

Totoo nga ang narinig ko. Na hindi peke ang kasal namin. Hindi ko na kailangan ng pruweba dahil si attorney na mismo ang nagsabi. Ngunit kailangan ko parin malaman kung bakit at ano ang dahilan. Paano ko nalang ito matatakasan balang araw?

"Hindi ko alam itong sinasabi mo, Gueene, " aniya. May kinuha siya sa kanyang bag at inabot iyon sa akin. "Narito ang address ng law firm ko at ng numero ko. Puntahan mo ako o kaya tawagan kapag may oras ka. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin iyan. Mukhang may pupuntahan ka pa. "

"S-Salamat, attorney."

Mahina niya akong tinapik sa balikat saka umalis. Nanghihina na umupo ako sa gilid pinapakalma ang sarili ko. Hindi muna ito ang iisip ko. Ang anak ko na nandoon sa loob  muna ang alalahanin ko. Siya muna. Siya ang mahalaga dito ngayon.

May natanaw akong bakery sa kabilang kalsada. Bibili muna ako ng chiffon cake para sa anak ko. Panigurado matutuwa  iyon lalo na kapag nalaman niyang kay Razen ito galing.

"Mama... "

Mahigpit na niyakap ko siya.

"Mama ko..." Humihikbi na niyakap niya ako pabalik. "Sorry, mama. Sorry po..."

Kumalas ako ng yakap at pinugpog ng halik ang kanyang mukha. "Wag kang umiyak. Wag kang mag sorry, wala kang kasalanan, hmm. " pag aalo ko at pinahid ang kanyang mga luha. "Tahan na... Tahan ka na.. "

"Paano po ang work mo? " humihikbi na saad niya.

"Mas mahalaga ka sa akin. Tama na ang iyak. Hindi tayo makakalabas kaagad dito. Paano na tayo mamamasyal niyan? "

Pinilit niyang tumigil sa pag iyak ngunit ayaw matigil ang pag agos ng luha niya.

"May dala pala ako, " sabi ko. Kinuha ko iyon at pinakita sa kanya. "Chiffon cake galing kay Sir Razen, " lumiwanag ang kanyang mukha ng makita ang laman niyon. "Ang sabi niya, gusto niya rin matikman mo ang favorite niya. "

"Wow! Pareho pala kami ng favorite ni Sir Razen. Nakakatuwa mama. Kasi pareho kami ng favorite tapos magkatunog pa ang pangalan namin. "

And it's give me a hint na baka siya nga si Zen. Bigla akong pinanlamigan ng kamay ng maalala ang bagay na iyon. Pareho sila na paborito ng chiffon cake. Nabanggit rin ni Razen sa akin noon sa mansyon nila na paborito rin niya ang kangkong with bagoong. Ganoon rin si Azane, iyon din ang paborito niya. Pareho din sila mahilig sa chess at sa pagdrawing. Pwera lang sa pagiging engineer ng anak ko paglaki niya dahil hindi naman engineer si Razen.

Tanging ngiti lang ang sagot ko sa anak ko. "Gusto mo ba kumain nito? Nasaan pala si Lola Nanay? "

Pagdating ko kasi wala si Inay. Mag-isa lang siya sa bed niya. Pero may mga kasama naman siya dito sa ward kaya ayos lang na iwanan siya.

"Sabi niya bibili lang daw siya ng tubig sa labas. Naubos na kasi ang tubig. "

Pinaghiwa ko siya ng cake. Ako na rin nagsubo sa kanya at tuwang-tuwa siya. Sarap na sarap at panay sabing tatawagan namin si Razen dahil gusto niyang magpasalamat.

"Baka nasa work iyon, anak. Bukas nalang o kaya kapag nakalabas kana. "

Hindi naman siya nagpumilit. Nang magsawa sa kinakain kusa rin siyang tumigil. At maya-maya lang nagpaalam na itong matulog.

Nang makabalik si Inay, lumabas ako para bumili ng hapunan namin. Pina uwi ko rin siya sa bahay para makapagpahinga siya nang matapos kaming maghapunan. Nandito  naman ako. Ako na ang bahala sa anak ko.

Pa idlip-idlip lang ako ng tulog. Binabantayan ko ang bawat paghinga niya. Kapag ganito ang nangyayari sa kanya hindi talaga ako nakakatulog ng maayos sa pagbabantay.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon