Napasandal ako sa sofa. Pinapakalma ang sarili at ang puso ko na kay lakas ng tibok. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Alam ko kung ano ibig sabihin nitong biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napasabunot ako sa aking buhok. Bakit ang tagal ng pagkain gutom na gutom na ako.
Humihikab na hinilot ko ang gilid ng aking ulo. Ano ba itong pinasok ko? Hindi ba ako mapapahamak dito? Sana masabi kaagad ni Razen sa kanyang ina ang totoo nang sa ganun walang gulo na mangyari.
Ilang minuto ang lumipas ng makarinig ako ng katok. Tumayo ako at tinungo ang pinto kung saan kami pumasok kanina. Ngunit nanlumo ako nang hindi ko alam paano ito buksan. Wala man lang dook knob. Tiningnan ko kung may button kagaya nang pinindot ni Razen sa labas pero wala. Naiiyak na napasandal ako sa pader. Gutom na gutom na ako. Paano ako makakain nito kung hindi ko naman alam paano buksan ang pinto na walang door knob.
Kinatok ko nalang iyon. Pero sumakit na ang kamay ko sa pagtoktok walang nagbukas ng pinto. Siguro umalis kaagad ang naghatid ng pagkain ko. Nanghihina na bumalik ako sa couch at humiga. Ang saklap naman ng unang araw ko. Parusa kaagad.
Dinaan ko nalang sa tulog ang gutom ko. Sanay naman ako na matulog na kumukulo ang sikmura. Mas mahalaga kasi sa akin ang anak ko. Hindi bale na wala akong makain basta siya hindi matutulog na kumukulo ang sikmura sa gutom. Nagtitipid kami noon dahil nasira ang mga pananim dahil sa isang linggo na pag ulan. Wala kaming naitabi ni Inay na pera dahil mas kailangan naming magbayad sa tubo ng inutang namin.
Nagdadahilan lang ako kay Inay na tapos na akong kumain. Minsan yung tira ng anak ko ang kinakain ko para may laman naman ang tiyan ko. Hindi kasi araw-araw swerte. Madalas lugi kami sa mga pananim namin lalo na kapag may bagyo. Sa paglalako ng kakanin at ulam doon ko kinukuha ang ibang gastosin namin. Minsan lugi pa. Pero ayos lang basta may makain ang anak ko at si Inay.
Hindi ko alam kung ilang oras akong naka idlip. Naalimpungatan ako nang nakarinig ng kaluskos. Mabilis na inayos ko ang sarili upang tingnan sana kung sino iyon. Ngunit hindi pa ako nakatayo nabungaran ko na kaagad ang nakakunot na noo ni Razen. May bitbit ito na tray na naglalaman ng pagkain.
Saglit akong natulala. Pakiramdam ko nanaginip ako. Doon lang ako natinag nang ilapag niya ang tray sa ibabaw ng cabinet. Sinundan ko siya ng tingin ng umalis din ito kaagad. Pagbalik niya bitbit na nito ang di-tiklop na lamesa. Inilapag niya iyon sa harapan ko. Nilipat niya rin ang tray ng pagkain.
"Bakit hindi mo kinuha ang pagkain doon sa labas? Hindi ka ba sinabihan ng maid? " kaswal nitong tanong.
"Hindi ko kasi alam paano buksan yung pinto, " nahihiya na pag amin ko dito hindi maka tingin sa kanya.
"Ituro ko nalang sayo bukas. Kumain ka na. Alas diyes na ng gabi. "
"Salamat... "
Gusto ko ng lantakan ang pagkain na nasa harap ko pero umiiral ang hiya sa isip ko dahil nakatingin siya sa akin. Hindi ko magawang damputin ang kutsara. Napansin niya yata na naiilang ako sa presensiya niya.
Tumikhim siya. "Bukas nalang tayo mag usap... "
Doon lang ako nag angat ng tingin at maliit na ngumiti. "Sige.. Salamat sa pagkain. "
Tumango lang siya at naglakad palabas. Mabilis pa sa alas kuwatro na nilantakan ko ang pagkain. Muntik pa akong mabilaukan. Sa kalagitnaan ng pagkain ko biglang lumandas ang mga luha sa mata ko. Hanggang sa ang mga luha na iyon may kasama ng hikbi.
Ngayong gabi masarap ang pagkain ko. Iba't ibang klase ng pagkain na ngayon ko lang natikman. Busog na busog ako. Ang anak ko kaya at si Inay, ano kaya ang ulam nila ngayon? Natulog ba sila na busog?
Hindi ko na kayang lunukin ang pagkain na nasa harapan ko. Kahit anong pahid ko sa mga luha ko ayaw parin tumigil. Hanggang sa pagtulog ko iniisip ko parin ang kalagayan ni Inay at ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...