Nasa loob na kami ng sasakyan ngunit pakiramdam ko naiwan sa loob ng city hall ang diwa ko. Hindi parin ako maka get over sa kissing scene na naganap. Mga sampong segundo lang naglapat ang labi namin pero hanggang ngayon ramdam ko parin ang malambot niyang labi.
Narinig ko ang mahiyang pagtikim niya. Hindi ako umimik. Kahit ang lingunin siya hindi ko ginawa. Nakahalukipkip ako at sa labas ng sasakyan ang tingin. Bigla akong nakaramdam ng pagka ilang. Sa samo't saring naramdaman ko dahil sa paghalik niya, saglit kong hindi naramdaman ang kanina ko pang kumikirot na balakang.
"Ihinto mo muna ang sasakyan, " mahinang usal ko nang makadaan kami ng drug store.
"Bakit?" tanong niya na nasa drug store ang tingin. "Marami pa naman stocks ng gamot sa bahay. "
Guilty na lumingon ako sa kanya. "Bibili ako ng pain killer, " mahinang usal ko hindi inalis ang tingin sa kanya.
Nangunot ang kanyang noo. "Aanhin mo? Sabi mo sa akin magaling na ang balakang mo. Kaya nga hindi tayo nag follow up check up diba? " aniya.
Dahan-dahan akong tumango. Biglang lumamlam ang kanyang mga mata nang may mapagtanto ito. Nahalata niya siguro sa hitsura ko na may iba akong karamdaman maliban sa lagnat ko.
"Sorry, " naiiyak na sambit ko. "Hindi ako nagsabi na nadulas ako noong nakaraang gabi nang isara ko yung sliding door, " pagsinungaling ko. "Akala ko kasi mawala rin kaagad ang sakit--"
Natigil ako sa pagsalita ng kabigin niya ako at yakapin. Pumatak ang mga luha ko. Akala ko pagalitan niga ako, sisigawan dahil hindi na naman ako nagsabi sa kanya kung ano ang nangyari sa akin.
"I'll take care of you," kumalas siya ng yakap at marahang pinahid ang luha sa aking pisngi. "H'wag ka ng umiyak. Saglit lang at bibili ako ng gamot mo. "
Patakbo siyang pumasok sa loob ng drug store. Nag aagaw ang liwanag at dilim sa kalangitan senyales na uulan na naman. Kaunti lang ang tao sa loob ng drug store kaya nakabalik siya kaagad. Bumili rin siya ng bottled water. Nang makapasok, siya na ang kumuha ng gamot at inabot iyon sa akin. Binuksan niya rin ang bottled water bago iyon iabot sa akin.
Nang mainom ko na ang gamot, doon lang niya pinausad ulit ang sasakyan. Malapit na rin kami sa kanilang mansyon kaya binilisan niya ang pagmamaneho nang makarating kami kaagad.
Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan. Ingat na ingat siya dahil hindi na maipinta ang aking mukha. Nangangalay ang mga binti ko, masakit ang balakang at ulo ko, plus nahihilo pa ako. Pakiramdam ko nga namumutla na ako ngayon.
"Oh, akala ko sa Dahilayan na kayo didiretso? " wika ni Ma'am Elizabeth, mukhang kakarating niya lang rin.
"Iyon nga ang plano namin, ma." sagot ni Razen. "Pero may sakit si Gueene kaya ipagpaliban muna namin ang pagpunta ng Dahilayan."
Taas-kilay na tumango ang ginang at tinalikuran kami.
"Buhatin na kita paakyat sa taas, ha, " wika ni Razen.
Tumango ako bilang tugon. Yumapos ang braso ko sa leeg niya nang kargahin niya ako ng pang bridal style. Payat naman ako kaya kaya niya lang ako kargahin.
Sa kanyang kama niya ako inilapag. Hindi na ako naka angal nang tanggalin niya ang sandal na suot ko.
"Ikuha kita ng damit na pamalit mo. Dito ka na matulog nang ma bantayan kita, " wika niya matapos ako kumutan.
Maliit akong ngumiti. "Salamat, Razen. "
Pumikit ako nang makapasok siya sa silid na tinutulogan ko. Hindi naman mahirap hanapin iyong mga damit ko kasi nasa loob lahat iyon ng banyo.
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...