Chloe pov:
Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng marinig ko muli ang boses ni Tita. Nang silipin ko, umawang ang aking labi nang makita kung paano niya marahas na hawakan ang buhok ni Gueene. Natapon pa ang tubig sa baso na hawak nito. Ngunit wala man lang siyang reaksyon sa ginawa ni Tita. Para malaman kung ano ahg dahilan kung bakit ganito ang trato niya kay Gueene, pumasok na ako ng tuluyan.
"Tita?!" You're here, " doon lang siya bumitaw sa buhok ni Gueene at hinarap ako. "Oh, my god. I missed you", niyakap ko siya. " It's been long time since we see each other. "
"Chloe? Oh god, dear. I didn't recognize you. You've changed a lot. Your so beautiful. "
Nangingislap ang mga mata nito sa paghanga habang sinusuyod ng tingin ang kabuoan ko. Ang kanyang matamis na ngiti ay agad na nabura ng balingan niya ng tingin si Gueene na nakatayo parin sa kanyang kinatayuan bitbit ang baso.
"Go! Prepare us a snack. Nang magkasilbi ka. Hindi iyong tumunganga ka na lang riyan! "
Parang aso na sumunod si Gueene sa utos ng amo. I got curious. Why Tita Elizabeth treat her like that? Napahawak sa noo si Tita at umupo sa sofa.
"Agh! Kapag nakikita ko yang babae na yan sumasakit ang ulo ko. Tumataas ang presyon ng dugo ko, " aniya.
Umupo ako sa tapat niya. "Why, Tita? May problema ho ba?" Curious na tanong ko.
"I hate her. Mula sa panloob at mas lalong sa panlabas nitong anyo, " matigas niyang sabi. "Akala mo sinong santa pero may tinatagong kasamaan. Hindi ko nga alam kung bakit yan nagustuhan ni Razen, " bahagyang nangunot ang kanyang noo. "I thought you were in relationship back then. "
Kung hindi ako umalis ng araw na iyon. Kung tinanggap ko lang ang pagtapat ni Razen noon, sana kami ang mag-asawa ngayon. Sana ako yung pinakasalan niya. Sana kaming dalawa ang naninirahan dito sa dream house ko.
"Were friends, Tita. Alam niyo naman na hindi mapaghiwalay ang bituka naming dalawa noon. Nagkataon lang na magkaiba ang landas na tatahakin namin," malungkot na sagot ko dito.
"May magandang naidulot naman ang paglayo niyong dalawa sa isa't isa. Natupad mo ang pangarap mo na maging isang sikat at successful model. Razen is successful too. Maliban lang sa pagpili ng babaeng makasama sa hirap at ginhawa, " saktong paparating si Gueene. "Kasi ginhawa lang ang natatamasa ng asawa niya, samantalang yung anak ko walang pahinga sa pagtatrabaho. "
"Don't worry, Tita. I can help Razen naman. Were in the same field, anyway. "
Nang tingnan ko si Gueene, walang reaksyon ang kanyang mukha. Para bang isa siyang bingi. O baka nagbingi-bingihan but deep inside nasasaktan na siya. Well, kung ganon nga, ang galing niya sa bagay na iyon, ang magtago ng totoo niyang saloobin.
"Ma?! " dumating si Razen at tila nabigla siya ng madatnan niya ang kanyang ina. My chest tightened when he went straight to his wife and kissed her on the forehead in front of us...in front of me. Hindi ba niya inalala na masaktan ako sa ginawa niya? Oo asawa niya yun, gagawin niya ang bagay na iyon. Pero galing pa kami ng confession stage. Parang hindi kami ng I love you-han at naghalikan tapos gaganito siya sa harap ko?
Kahit nasaktan, umakto parin ako na walang pakialam. I smiled at him nang magtagpo ang tingin namin. Nginitian niya ako pabalik ngunit nanatili siyang nakatayo sa tabi ng asawa.
Malakas na napabuntonghininga si Tita. "I keep calling you. Pero hindi ka sumasagot kaya sinadya na kita rito." Tumayo si Tita at hinarap siya. "Since, ayaw mo naman tanggapin ang tulong ko, much better kung si Chloe nalang ang tutulong sayo--"
"Maliit na problema lang iyon, Ma." Kalmadong sagot niya.
"Kesyo malaki o maliit you need a help! Hindi ka isang Foundation na ikaw na nga itong na agrabyado ikaw pa ang tutulong. Well, mukhang iyon nga ang pinapalabas mo simula nang dalhin mo sa bahay iyang hampaslupa mong asawa--"
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...