Chapter 8

1.2K 15 2
                                    

Daig ko pa ang nakakita ng multo sa gulat at pagkabigla sa sinabi ng lalaking nasa tabi ko. Nabitawan ko pa  ang bitbit kong bag sa gulat ng ipakilala  niya ako  sa magulang nito bilang fiance niya. Naguguluhan na tiningnan ko siya ngunit hindi man lang niya ako nilingon nito. Ngunit muntik na akong mabuwal sa aking kinatayuan nang biglang manlambot ang tuhod ko dahil.... Pamilyar sa akin ang kanyang mukha.

Pero teka, hindi iyon ang concern ko ngayon. Bakit niya ako pinakilala na fiance sa mama niya? Hindi naman kami magkakilala. At saka bilang kasambahay ang ipinunta ko dito. Hindi ang maging fake fiance niya.

Nanigas ang katawan ko ng ilapit niya ang mukha sa likod ng tainga ko. "Taga saan ka nga pala? "

"Poblacion Maraga, " wala sa sarili na sagot ko.

Ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso ko nang pati ang kanyang malalim na baritonong boses ay pamilyar sa pandinig ko. Na baling ang tingin ko sa aking harapan nang marinig ang pagtaas ng boses ng babae na tinawag niyang mama.

"Fiance?" hindi makapaniwala na wika nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Kailan ka pa pumatol sa isang babae na mukhang basahan?" Saad pa nito na naka taas ang kilay at mukhang nandidiri dahil sa postora ko.

Na insulto ako sa sinabi niya ngunit hindi ako nagsalita. Napahiya at nasaktan ako dahil totoo naman kaya napayuko ako ng ulo. Kupas ang damit at pantalon na suot ko. Maganda nga ang hubog ng katawan ko pero dugyot naman tignan ang hitsura ko. Mukha na akong matanda tingnan sa edad na dalawampu't anim dahil sa pagtatrabaho sa bukid. Pero ayos lang dahil trabaho naman ang ipinunta ko dito. Hindi ang maging asawa ng anak niya.

Nanigas ang  katawan ko at napa angat ng tingin sa lalaki ng hawakan niya ang  kamay ko. Para akong napaso. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. At sa paraan ng paghawak niya pakiramdam ko maging maayos ang lahat. Na para bang safe ako.

"Huwag mong pagsalitaan ng hindi maganda ang fiance ko, ma. Baka makalimutan ko na ina kita," wika nito at hinila ako palayo sa kanyang ina.

Tigagal na nagpatianod ako sa kanya. Ang kanyang ina muntik pang mabuwal sa kinatayuan sa sinagot ng anak. Nanlaki ang mata ito, nakahawak ang kamay sa dibdib at naka awang ang kanyang labi na sinundan kami ng tingin.

"Pera lang ang habol sayo ng babaeng iyan! Anong pinakain sayo ng isang mahirap na iyan at nagkagusto ka sa kanya!? Tandaan mo! Kapag nakuha na niya ang gusto niya, iiwan ka rin niyan!" sigaw ng kanyang ina nang pa akyat na kami sa ikalawang palapag ng hagdan ng kanilang bahay.

Muntik pa akong madapa nang bumilis ang paghakbang ng lalaki. Ramdam ko din ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko. Ang kanyang mabigat na paghinga sa pagtitimpi na huwag nang sagutin ang kanyang ina.

Hindi ko man lang na enjoy na tingnan ang loob ng bahay. Pumasok kami sa dulong bahagi ng kwarto dito sa ikalawang palapag. Nagtataka na sinundan ko siya nang tingin ng basta niya lang akong iwan dito na walang salita galing sa kanya. Malakas akong napasinghap sa inis nang maisara nito ang pinto.

Anong gagawin ko dito? Tumunganga? Hindi ba siya mag explain sa akin kung bakit pinakilala niya ako sa ina niya bilang fiance? Hindi pa nga siya nagpakilala ng pangalan niya sa akin tapos manggugulat ng ganoon?  Wala man lang abeso na ganon ang magaganap sa pagtungtong ko sa bahay nila. Wanted kasambahay ang inapplyan ko. Nagkamali ba ako ng form na finil-up-an? At doon sa wanted fiance ako napunta?

Aghhh! Gulong-gulo ang isip ko. Kailangan ko ng kasagutan.

Ilang minuto na ang nakalipas hindi parin ako binalikan ng lalaki na walang pangalan. Nakatayo parin ako kung saan niya ako iniwan kanina. Natatakot ako umupo sa malaking kama baka magusot ang sapin at baka madumihan, puti pa naman ang sapin. Walang kahit na anong bagay ang narito maliban sa malaking kama at maliit na mesa na pinagpatungan ng lampshade. Wala man lang kahit upuan.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon