Epilogue

2.2K 32 12
                                    

Gueene pov.

Tama ba iyong narinig ko? Did he say those words? Natigilan na napatitig ako sa kanyang mukha.

"Mahal kita... "

He said it again in second time. Natuon  ang aking paningin sa kanyang malamlam na mga mata na may maraming emosyon na nakabalot doon at isa na ang... pain.

"Mahirap man paniwalaan ngunit... Maari mo na ba akong pakinggan? Pwede na ba ako magpaliwanag at sabihin sayo lahat ang katotohanan?" Malumanay na wika niya.

Wala akong sagot. Tahimik lang ako na nakatunghay sa kanya. Hindi parin ako maka get over sa narinig. Ang kataga na iyon ang matagal ko ng gusto na marinig mula sa kanya. Ngunit hindi ako kumbinsido. Hindi parin sapat iyong narinig ko. Ito na ba ang tamang panahon para pakinggan siya? Ito na ba ang tamang oras para pagbigyan ang hiling niya?

Tss, magmatigas pa ba ako e miss na miss ko na siya. Aminin ko, mahal ko parin siya. Ay mali. Dahil hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Nabalutan lang iyon ng galit at hinanakit ngunit nalusaw rin nang makita siya ulit.

Sa mga efforts niya para maibalik ang tiwala ko sa kanya. Sa walang sawa at walang hanggan na pag alaga at pagmamahal sa akin sa kabila ng hindi maganda na trato ko sa kanya.

Sa hirap at pagod na pinagsasabay niya ang trabaho at ang papel niya bilang ama sa mga anak at bilang asawa sa akin.

Hanggang ngayon, nagpaka-asawa parin siya sa akin at tinanggap ang mga pagkakamali niya.

Akala ko noon, siya ang unang susuko para sa papel namin bilang mag-asawa. Ngunit hindi ko akalain na ako pala ang gagawa niyon. Ako pala ang unang tatanggal ng singsing na simbolo na kasal kaming dalawa.

"Totoong mahal kita," bahagyang pumiyok ang kanyang boses. "Kung hindi lang siguro nawala ang alaala ko sayo siguro matagal na tayong buo at masaya. I'm really sorry, Gueene." hinayaan niyang pumatak ang kanyang luha. "I'm really sorry for hurting you. But believe me, I love you. I love you so much--"

I claimed his lips  dahilan ng paghikbi niya. Bumitaw ako sa kanyang labi sabay palo sa kanyang braso.

"Magising ang anak natin. Baka sabihin inaaway kita."

Yumakap siya sa baywang ko at isinubsub ang mukha doon. Yumuyugyog ang kanyang balikat at tahimik na umiyak doon. May doubt parin ako. Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat para hindi ko siya tanggapin ulit. Hindi pa naman siguro huli para patunayan niya sa akin na totoo ang sinabi niya. Siguro, ito ang tamang timing to start a new good beginning bilang mag-asawa. At saka, kawawa ang mga anak ko na palaging limitado ang oras na makasama ang kanilang tatay. Kung talagang mahal niya ako, hindi masama na bigyan ko ng buo at masayang pamilya ang mga anak ko.

Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. "Bukas na tayo mag-usap. Matulog na tayo inaantok na ako. "

Nag angat siya ng mukha medyo nagtataka doon sa huling sinabi ko. Pinahiran ko ang kanyang magkabilang pisngi at maliit na ngumiti. "Wag ka na umuwi sa inyo. Tabihan mo na kami rito ng mga anak mo."

Mariin siyang napalunok. "S-Sigurado ka? "

Tumango ako. "Mmm. Doon ka sa tabi ni Azane. "

Hindi parin siya makapaniwala na sa unang pagkakataon, makatabi niya kaming matulog sa iisang kama.

Pinagitnaan namin ang mga bata. Patagilid siyang humiga paharap sa akin. Ganoon rin ako.. Namumula ang kanyang ilong at nanubig ang mga mata na nakatingin sa amin ng mga anak niya. Hindi ko naawat ang sarili na abutin ang kanyang basang pisngi.

Hinawakan niya ang kamay ko roon. I know he is happy right now. Hindi niya lang iyon masabi sa akin dahil pinangunahan siya ng iyak.

"I love you, " madamdaming wika ko.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon