Napabuntonghininga na dinampot ko ang card at sinilid iyon sa bulsa ng suot kong pantalon. Ang ganda at ang laki ng bahay pero ang lungkot. Parang walang nakatira na tao. Hanggang pagmamasid lang ako sa buong paligid. Baka masabihan na naman ako ng kung ano-ano ng ginang kapag nakita niya ako na sinasayasat ko ang buong bahay nila.
Tumayo ako at tinungo ang silid kung saan lumabas at pumasok ang maid kanina. Dito pala ang kusina. Isang maid lang ang naabutan ko. Naglilinis siya ng pinagkainan namin kaninan. Tantiya ko nasa tatlumpung taong gulang siya.
"Ate... "
"Santisima! " gulat na hiyaw niya napahawak sa kanyang dibdib ang dalawang gamay. "Ma'am, sorry ho. Nagulat lang ako. "
Lumapit ako sa kanya sa harap ng mahabang mesa. "Gueene ho ang pangalan ko, ate. Wag mo na ako tawagin na ma'am. "
"Ako nga pala si Ruby. Pero ma'am, baka magalit si sir. Fiance ka niya diba? "
Kiming ngiti lang ang isinagot ko sa tanong niya. "Kapag tayo lang ang magkasama Gueene itawag mo sa akin, " wika ko at tinulugan siya sa gawain.
Nanlaki ang kanyang mata at mabilis na inagaw iyong hawak kong plato. "Ako na... Kaya ko na dito. "
"Naku, Ate Ruby hayaan niyo na ako na tulungan kita. Sanay naman ho ako sa trabaho, " wika ko at dinala ang mga plato sa lababo.
Sumunod naman siya sa akin. "Pero ma'am-, "
"Gueene, ate... "
"Pero, Gueene baka pagalitan ako ni sir. "
"Ako na magpaliwanag sa kanya. Kahapon pa ako buryong buryo hayaan mo na ako ate. "
Nag agawan kami ng mga gamit sa lababo. Ayaw niya na tulungan ko siya. Kahit anong paliwanag ko ayaw niya parin ako payagan dahil hindi ko naman daw iyon trabaho. E, ito naman dapat ang trabaho ko kung hindi lang ako pinakilala ni Razen sa ina niya na fiance niya ako.
"Hayaan mo siya sa gusto niyang gawin, " natigil kami ni Ate Ruby sa pag aagawan nang marinig ang boses ng ginang. "Dahil iyan ang nababagay sa isang tulad niya. Ang maglinis at magkuskos ng kobeta."
Mariin akong napalunok nang suyurin niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na may pandidiri sa mukha. Si Ate Ruby sa tabi ko nakayuko lang ang ulo.
"Bigyan mo ng trabaho ang babae na iyan. Nang may pakinabang naman siya sa pamamahay na'to. Hindi iyong mag feeling reyna at taga huthot ng pera ng anak ko. "
Kung hindi lang ako naawa sa Razen na iyon, hindi ko iyon tutulungan na magpanggap bilang fiance niya. Hindi ko akalain na ganito pala ang ugali ng kanyang ina, isang matapobre at mapagmataas.
Nilingon ko si Ate Ruby nang maka alis ang ginang. Nginitian ko ito upang iparating sa kanya na ayos lang ako. Na wala lang sa akin iyong mga masakit na salita na binitawan ng ginang. Kahit ang totoo gusto ko siyang sagutin at itama ang mga paratang niya sa akin. Kahit hindi iyon lahat totoo, hindi ko parin maiwasan na masaktan at mainsulto.
"Kung wala lang akong anak na binubuhay, matagal na akong umalis dito, " wika niya at hinayaan ako na tulungan siya sa paghugas ng plato. "Tatlong taon na akong nagtitiis sa ugali ni Ma'am Elizabeth. Hindi talaga maganda ang ugali niya. Kung wala lang akong anak na binubuhay matagal na akong umalis dito. "
Ibinunton niya ang panggigigil sa plato na hawak. "Malaki kasi ang sahod at may benefits pa kaya ako nagtitiis. Pero kapag nandito si Sir Razen hindi naman siya ganyan. "
"Sa inyong lahat ba siya ganyan o sayo lang? " tanong ko.
"Sa aming lahat. Lalo na kapag sinusumpong. "
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...