Isang bangungot para sa akin ang pagkamatay ni Itay. Hindi ako pinatulog. Isang buwan na ang nakalipas ngunit parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa sa aking isipan ang mga pangyayari.
Sa tulong ng mga kapitbahay dumating ang ambulansya para kay Itay upang dalhin siya sa hospital, ngunit hindi para sagipin siya. Dumating rin ang mga pulis ngunit wala kaming maisagot ni Inay sa mga tanong nila. Tikom ang bibig namin sa pagkabigla at takot sa bilis ng pangyayari sa hindi makatarungan na nangyari kay Itay.
May nakasaksi sa pangyayari, ngunit tikom rin ang kanilang mga bibig sa takot na baka sila naman ang balikan ni Juancho. Maski kami natatakot rin para sa kaligtasan nila dahil nakita mismo namin kung gaano ka hayop at walang awa si Juancho.
Nang araw din iyon inilibing namin si Itay sa tabi ng puntod ng mga kapatid ko. Subrang sakit ang pagkamatay ni Itay. Sa paghahanap niya ng hustisya namatay siya na hindi ito nakamit. Sinalo niya ang bala na para sa akin dahil may batang walang kamuwang muwang na madamay. Sa huling sandali ako parin ang iniisip niya.
Ang ginawa ni Juancho hindi na namin pinaabot sa pulisya. Nanatili iyong sekreto sa takot na baka isa na naman sa amin ang mawala. Hindi narin bumalik pa ang mga pulis para mag imbestiga.
Si Inay kahit alam kong nahihirapan at nangungulila siya hindi niya iyon pinapakita sa akin. Nanatili siyang malakas kapag kaharap ako. Ngunit gabi-gabi kong naririnig ang pag iyak niya. Ang mga salita niyang pagod na siya at hindi na niya kayang magpatuloy sa buhay dahil wala na si Itay sa tabi niya.
Hangga't maaari ayoko maging mahina. Ayaw ko maging pabigat kay Inay. Ang bigyan siya ng alalahanin. Ngunit kahit anong pilit ko hindi ko kayang magpanggap na okay ako. Dinamdam ko parin ang pagkamatay ni Itay. Sinisisi ko parin ang sarili ko. Sa araw-araw na nagdaan binalewala ko ang mga pagbabago ni Inay. Hindi ako umimik kahit gusto ko ng sabihin sa kanya na pwede na niya akong iwan.
Nabenta ang kalabaw namin para sa libing ni Itay. Kaya wala kaming magamit na pang araro sa bukid kaya natingga ang lupa. Mukhang wala ring lakas si Inay na magtrabaho pa. Para mapakinabangan ang lupa inunti-unti ko iyon nilinis para pagtaniman ng gulay. Ito nalang ang alaala na iniwan ni Itay. Kailangan ko itong alagaan.
"Anong ginagawa mo? " gulat na sambit ni Inay nang makita niya akong nagtatabas ng damo. "Bata ka! Buntis ka baka ma paano ka! "
"Nay, kaya ko ho. Hindi ako magtatrabaho kung hindi ko kaya. At saka nakakapagod ang walang ginagawa. Excercise na rin 'to, " saad ko at bumalik sa ginagawa.
"Hay naku! Ang tigas ng ulo mo! "
"Nay, hindi naman sumasakit ang tiyan at balakang ko. Alam ko po kung kailan ako titigil. Wag ka ng mag alala, " pangumbinsi ko.
"Bahala ka nga. Basta binalaan na kita. "
"Opo, Nay. " natatawa na sagot ko.
Ito lang ang paraan ko nang hindi masayang ang lupa. At para narin may pagkakitaan. Katuwang ko si Inay kaya napadali ang trabaho ko. Ang pera na naitabi ko ginamit kong pampuhunan. Kahit buntis ako at nahihirapan dahil malaki na ang tiyan ko kinaya ko parin.Nagtanim kami ni Inay ng mga gulay na pwede ibenta. Nagluto rin ako ng mga kakanin at ulam at si Inay ang taga lako niyon sa mga kapitbahay. Sa paraan na iyon namin kinukuha ang panggastos namin araw-araw. At para narin sa kapanganakan ko. Sa awa ng diyos, kahit dalawa lang kami ni Inay naka survive kami.
Malungkot, oo. Nangungulila kay Itay at sa mga kapatid ko. Nasasaktan parin at hindi parin namin lubos na matanggap ang nangyari. Pero wala kaming choice kundi ang indahin lahat ng iyon dahil hindi kami makabangon kung manatili kaming lugmok. Naniniwala ako na balang araw hihilom ang sugat sa puso namin ni Inay. Matanggap rin namin ang mga nangyari. At aayon sa amin ang panahon para sa hustisya ng mga namayapa naming mga mahal sa buhay.
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...