Money can buy happiness. Ngunit hindi sa lahat ng tao, hindi sa lahat ng pagkakataon. Dahil hindi lahat nabibili ng pera at isa na iyon ang kapayapaan ng puso at isip ng isang tao.
Hindi niya iyon maintindihan dahil namulat siya na ang lahat ng bagay ay napapaikot gamit ang pera. Napapasaya siya ng yaman niya dahil isang pitik niya lang makuha niya ang mga gusto niya. Ngunit sa puntong ito ay mali siya. Dahil nakikita ko sa kanya na hindi siya masaya kahit napalibutan siya ng yaman niya.
Puno ng galit at poot ang puso niya. At iyon ang hindi kayang burahin ng pera niya.
"How dare you..! " mariing sambit niya sumisiklab ang mga mata sa galit. "Sa estado mo halata masyado na pera ng anak ko ang gusto mo! Pera babae! At iyan ang isaksak mo d'yan sa kukote mong maliit at walang alam! Sa tingin mo makuha mo lahat ng yaman ng anak ko kapag kasal na kayo? Hindi! Hindi iyon mapapasaiyo! Tandaan mo! "
Napabuga ako ng hangin na sinundan siya ng tingin palabas ng silid. Kung iyon ang paniniwala niya kaya ako magpakasal sa anak niya, bahala na siya. Basta alam ko sa sarili ko na hindi pera nila ang gusto ko.
Bumalik ako sa aking silid. Sumampa kaagad ako sa bintana at doon nagmuni-muni. Kahit anong paliwanag ang sabihin ko kay Ma'am Elizabeth hindi niya parin ako paniwalaan. Gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo ngunit iniisip ko si Razen. Kasi hindi naman siya magsinungaling sa kanyang ina kung wala siyang malalim na dahilan. Ayaw ko naman siyang pangunahan na magsabi sa ina nito baka masira ko ang plano niya kung meron man.
"Bakit d'yan ka nakahiga? "
Napabalikwas ako nang marinig ang kanyang malalim at baritonong boses. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko napansin na dumating na siya. Hindi ako bumaba sa sofa. Umupo lang ako ng maayos at hinarap siya. Naka coat pa siya kaya sa tingin ko kakarating niya lang at dito kaagad dumiretso sa silid ko.
"Ahm... Ano, may... Nagmamasid lang ako doon sa labas at saka mas komportable ako dito. "
"May sakit ka ba? "
Natigilan ako sa aking kinaupuan nang lumapit siya sa akin at kinapa ang noo ko. Napakislot ako nang dumapo ang mainit at malambot niyang kamay sa leeg ko.
"Medyo mainit ka--, "
"Hindi... Hindi ayos lang ako, Razen. " sagot ko. Mukhang magkatotoo yata ang sinabi niyang may sakit ako. Biglang uminit ang buong katawan ko matapos niyang kapain ang leeg ko.
"Sigurado ka?" tumango ako. "Sabi ni Ruby hindi ka raw bumaba doon simula kahapon. Hindi ka rin kumakain ng maayos. Sigurado ka bang ayos ka lang? "
Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pag-alala. Bigla akong nakonsensya.
"Ayos lang talaga ako, Razen. Wala naman kasi akong magawa doon sa ibaba kaya nagkulong nalang ako dito, " paliwanag ko. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon.
"Akala ko may dinaramdam ka tapos hindi ka lang nagsasabi, " aniya nakatitig parin sa akin. "Doon na tayo sa silid ko maghapunan. Matanaw mo ng maayos ang view doon. "
Tumango ako bilang pagsang-ayon at bumaba. Nakabuntot ako sa kanyang likuran hanggang sa kanyang silid. Bukas ang kurtina kaya tanaw ko ang madilim na kalangitan. Ang mga ilaw sa mga kabahayan na parang mga bituin sa kalangitan. May pagkain nang nakahanda doon. Napahawak ako sa aking tiyan ng kumulo iyon.
"Sa labas ko sana ito ilagay kaya lang umaambon, " aniya at pinaghila ako ng upuan. Nahihiya na ginawaran ko siya ng kiming ngiti at nagpasalamat. Umupo siya sa tapat.
"Pwede naman doon tayo sa baba kumain, " saad ko.
"I thought you're not feeling well kaya dinala ko nalang dito ang niluto ko. Kumain ka na. "
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...