"Wow! Ang ganda ang bahay mo! "
Namamangha na usal ko habang nilibot ng tingin ang buong kabahayan. Spanish style ang design sa loob ng bahay niya. May hagdan rin na katutad sa labas at diretso ito sa ikatlong palapag ng bahay at mga naglalakihang chandelier.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Thanks for the complement. Ako nag design nito. "
"Wow! Talaga? So architect ka? "
"Hindi ako architect. May kaunting alam lang ako sa pag design," iginiya niya ang daan papunta sa kitchen. "Manang Lisa nandito na ho kami. "
Pinatay muna nito ang kalan bago humarap sa amin si Manang Lisa. Puti na ang mga buhok nito at tantiya ko nasa singkwenta na ang edad.
"Ito na ba ang asawa mo? " nangingislap ang mga mata na sambit ni Manang Lisa. "Sa tagal ko ng naninilbilhan sayo sa wakas mayroon ka na ring nadala na babae rito at asawa mo pa, " humagikhik ito. "Ang ganda niya. Bagay kayo. "
Naiilang na nginitian ko si Manang. Ang laki ng ngiti niya. Halata sa kanyang mukha na masaya siya na narito si Razen at may ibang kasama. Lumapit si manang sa akin at inakay ako pa upo sa upuan sa harap ng hapagkainan. Nginitian lang ako ni Razen nang tingnan ko siya ng maka upo siya sa katapat kong upuan.
"Sigurado magustuhan mo itong niluto ko. Ano nga ulit ang pangalan mo, hija? "
"Gueene ho, manang."
Kinuha niya sa kalan ang kanyang mga niluto at inilapag sa mesa. "Mabuti nalang at tumawag si Razen kagabi na uuwi kayo rito. Presko pa itong alimango at hipon, kakahuli lang ng asawa ko kanina, " alanganin na ngumiti ako sa kanya ng sandukan niya ng kanin ang plato ko. "Nag request kasi itong si Razen na ito ang lulutoin para sa pagdating niyo. Subukan mo itong alimango, masarap 'to. Paborito ni Razen. "
"Salamat ho, manang. Kain na rin ho kayo. Sabay ka na po sa amin, " pag aya ko dito.
"Ay naku! Gustuhin ko man na makasalo kayo kaso lang baka magtampo ang asawa ko. Sa susunod nalang. Marami pa namang mga araw. "
"Salamat sa pagluto, manang. "
Ihatid sana siya ni Razen ngunit tumanggi si Manang. Nagbalot lang ito ng ulam para pagsaluhan nila ng asawa niya dahil hindi naman namin ito maubos ni Razen. Babalik nalang raw siya mamayang hapon para magluto ng hapunan.
"Wala kang maid dito? " tanong ko habang kumakain kami.
Umiling siya. "Wala. Si Manang, kada linggo lang siya maglinis dito sa bahay. Pero sila ng asawa niya ang taga-bantay sa bahay ko kapag wala ako."
"Ganon? E, kapag umuuwi ka dito sino nag aasikaso sayo? Nang pagkain mo? "
"I can cooked. I can clean, " uminom siya ng juice at huminto saglit sa pagkain. "Ayaw ko kasi sa isang bahay na may maraming maids. Kahit bahay ko pa yun naiilang ako kasi pakiramdam ko lahat ng kilos ko nakabantay sila. Kaya ayaw ko mag stay sa mansyon. Isa iyon sa mga dahilan. "
"Ano nga pala ang negosyo mo rito? Pwede ko ba iyon malaman? " maingat na tanong ko. Iyon kasi ang dahilan niya kaya siya uuwi rito sa Isla niya dahil narito ang negosyo niya.
"Dadalhin kita roon mamayang hapon. Sa ngayon, magpaka busog ka muna at e-enjoy ang pagkain. "
Napanguso ako sa sinabi niya at ipinagpatuloy ang pagkain. Ang sarap magluto ni manang. Siguro dahil bihasa na siya sa pagluto ng mga lamang-dagat kaya kuhang-kuha niya ang taste ko. Lalo na ang crabs, ang sarap. Hindi na ako nahiya kay Razen na magkamay kumain. Na parang isang batang kalye na gutom na gutom.
"Ang sarap," nakapikit na usal ko ninanamnam ang huling kanin na sinubo ko. "Feeling ko, tataba ako rito kung ito palagi ang ulam natin. "
I heard him chuckle kaya napamulat ako. Nakasandal siya sa kanyang upuan, nakatingin siya sa akin na may ngiti sa mga labi. "Hindi ito pwede araw-arawin. Nakakasama rin ito sa kalusugan, " aniya saka ininom ang juice niya.
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...