"Zac!"
Napatingin ako sa aking kamay na binitawan ni Razen at sinalubong ang babae na patakbo na bumaba ng hagdan.
"Careful.."
Hindi nakinig ang babae. Sabik na itong makalapit sa kanya. "Oh my god! I missed you! "
Sinalo siya ni Razen nang patalon niya itong niyakap. Napa atras pa si Razen nang mawalan ng balanse sa pagkabigla.
Nanlaki ang mata ko kasabay ang pag awang ng aking labi nang sakupin ng babae ang kanyang mukha at mabilis na hilakan si Razen sa labi.
Kusa siyang bumaba sa bisig ni Razen. Niyakap niya ito sa baywang. Ang mga masayang ngiti sa kanyang labi ay hindi mapalis. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ni Razen dahil nakatalikod siya sa akin.
Bigla, pakiramdam ko nabalewala ako. Na saglit niya akong nakalimutan. I can't deny na nasaktan ako sa pagbitaw niya bigla sa kamay ko na walang permiso. Na ganoon nalang ang pag alala niya sa babae baka mapaano ito nang patakbo itong bumaba sa hagdan. I smiled bitterly, sino ba ako para makaramdam ng ganito gayong alam ko kung ano ang papel ko sa buhay niya.
Mukhang nakalimutan niyang kasama niya ako. Nakayapos parin sa kanyang baywang ang babae habang nakatingala sa kanya. Nakatitig sila sa isa't isa na para bang ilang taon silang hindi nagkita.
Lumabas ako ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero isa lang ang sigurado ako, ayaw ko ng bumalik sa loob. Sino ba ang babae na iyon? Kaibigan? Pero walang kaibigan na hahalikan ka sa labi. Wala naman siyang naging girlfriend dati kaya imposible na ex-girlfriend niya iyon.
Sa paglalakad ko napadpad ako sa bahay nila Manang Lisa. Kakatok na sana ako nang bumukas iyon.
"Gueene? Anong ginagawa mo dito? " gulat na sambit ni Manang.
"Ah... " hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na umalis ako sa bahay na walang paalam kay Razen dahil may mestizang babae na dumating doon. "May gagawin ka pa ba, Manang? May sasabihin kasi sana ako. "
"Wala naman akong gagawin, " tuluyan siyang lumabas. Dinala niya ako sa gilid ng bahay, may upuan doon na gawa sa pinagtagpi-tagpi na kawayan at nakaharap sa dagat. "Maagang natulog ang asawa ko pagkatapos ko siyang hilutin. Ano pala ang sadya mo rito? "
Mabuti nalang at long sleeves ang damit na suot ko at pantalon, hindi ako nilamig. Mukhang uulan yata dahil makulimlim ang kalangitan.
"Napag-usapan kasi namin ni Razen na magkaroon kami ng feeding program para sa mga bata."
"Talaga? Magandang idea iyan para sa mga batang narito."
"Oo nga po, manang. Kaya lang hindi namin alam kung ilan ang mga batang narito. Para sana mapaghandaan. "
"Naku, walang problema. Ako na ang bahala sa bagay na iyan. "
"Maraming salamat, manang. "
Nabahala ako nang biglang nalungkot si Manang Lisa.
"Hindi kami biniyayaan ng anak ng asawa ko, " aniya sa malungkot sa tono. "Pero hindi naman iyon hadlang para hindi namin mahalin ang isa't isa. Hindi iyon hadlang para hanapin namin sa iba ang pagkukulang namin. Gustuhin ko mang makatulong sa mga batang narito, pero naghihikahos rin kami. Kaya nagpapasalamat ako at naisipan niyong mag-asawa na mag feeding program. Malaking tulong na iyon para sa kanila. "
Kahit ako, kung marami lang akong pera lahat ng taong naghihikahos ay tutulungan ko. Pero wala sa yaman ang swerte ko, kaya kung hanggang saan ang kaya kong itulong hanggang doon lang ako.
Pumasok kami sa loob ng kanilang bahay nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pinagtimpla ako ng hot choco ni Manang habang nag-uusap tungkol sa mga batang narito sa Isla. Hindi ko alam kung anong oras na. Kung ilang oras na akong narito. Hindi parin tumitila ang ulan at nagugutom na ako.
BINABASA MO ANG
Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]
Romance"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwap...