Chapter 41

974 13 0
                                    

Gueene pov:

Mababaliw ako.

Sa lahat ng tao bakit ang anak ko pa ang na kidnap? Marami namang masamang tao diyan pero bakit ang anak ko pa ang pinuntirya?

Hindi ako maka uwi. Gabi na at wala na akong masakyan pa paluwas ng siyudad. Dilikado na rin kung sa laot ako dadaan. Wala rin akong load para tawagan si Inay. Walang landline dito sa bahay ni Razen kaya wala akong ibang choice kundi ang lumabas sa bahay at magpaload doon sa baybay. Ngunit hindi pa ako nakalabas sa bahay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Napahagulgol nalang ako. Ngayon ako kailangan ng anak ko pero wala ako doon para hanapin siya. Wala akong silbi na ina.

Ang tanging dasal ko ay sana nasa maayos siya. Walang mangyari na masama sa kanya. Kasi hindi ko kakayanin. Hindi ko matanggap kapag may nangyari sa kanya lalo na at hindi maganda ang kondisyon niya.

Sa nanlalabo kong mga mata at ng paligid dahil sa lakas ng ulan, bigla akong kinabahan nang maaninag ko ang ilaw ng sasakyan ng paparating.   Hindi pa ako handa na makaharap ulit si Chloe at Ma'am Elizabeth. Tatakbo na sana ako pabalik sa kwarto upang magtago ngunit napako ang mga paa ko nang maaninag ko kung sino ang bumaba doon.

"Razen... "

Mahinang usal ko. Umuwi siya? Akala ko sa friday pa ang pagbalik niya? Bigla akong kinabahan sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Tumakbo siya sa aking kinaroonan ngunit sa lakas ng buhos ng ulan nabasa kaagad siya.

Sa ilang linggo na hindi ko siya nakita, gusto ko siyang yakapin sa pananabik. Ngunit sinaway ko ang sarili. Hangga't maari hindi sana makaramdam si Razen na may pagtingin ako sa kanya.. na mahal ko siya.

"Ayos ka lang ba? " habol ang hininga na tanong niya. Samo't sari ang emosyon sa kanyang mga mata. Hindi ko matukoy kung ano at ang pinagmulan.

Marahan akong tumango. "A-Ayos lang naman ako. Bakit? "

Nanlaki ang mga mata na natigilan ako ng yakapin niya ako. Ano ba ang nangyayari? Bakit parang alalang-alala siya?

"Bakit, Razen? " naguguluhan na tanong ko. Humigpit ang yakap niya. Kahit nabasa na ako hindi ako nagreklamo dahil aaminin ko nasasabik ako sa kanya.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo, " mabigat ang kanyang bawat pagbigkas. Kumalas siya ng yakap sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "May tumawag sa akin na taga baybay, nakita ka niyang naglalakad na nakayapak at duguan ang paa mo. Tinanong ko kung saan ka niya nakita pero hindi niya alam dahil bigla kang nawala. Pinakiusapan ko si mama na puntahan ka dito pero wala ka daw... "

"Kaya umuwi ka? " I asked.

Marahan siyang tumanggo. Ngayon ko lang napansin na naka bussiness suit siya. Halata rin ang pagod sa kanyang mukha. "Hindi ako mapakali kaya umuwi ako dito. Mabuti nalang at dito na ako sa malapit naabutan ng ulan. "

"Hindi mo ba naisip na delikado iyong ginawa mo?! Paano kung doon ka pa sa malayo naabutan ng bagyo? "

"Hey... Nakarating naman ako ng maayos. Wag ka ng magalit, " he gently said ng tumaas ang boses ko. "Subrang nag alala lang talaga ako sayo. Don't get mad at me, please... "

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko at tumango. "Maligo ka na muna doon at magpalit ng damit. Baka magkasakit ka pa," saad ko. "Magluluto lang ako ng lugaw. "

Sabay kaming umakyat dahil magpapalit din ako ng damit. Bumaba rin ako kaagad para magluto ng lugaw. Masarap ikain ngayon lalo na at maulan.

Habang hinihintay siya, hindi ko maiwasang mag-isip na baka nahuhulog na siya sa akin. He always gave me a mixed signal. Kaya madalas pakiramdam ko mahal niya ako. Hindi niya lang iyon masabi at idinadaan nalang sa galaw.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon