WARNING: This contains STRONG language, death, suicidal ideation, mental health illness and VIOLENCE, you may not read this story if you're not into this kind of genre, you have been warned.
DISCLAIMER: Characters, Names (Dead or Alive), Places, and events are PURE FICTITIOUS, I in no way own any recognizable characters or quotes throughout the story, no profit is being made, and no infringement is involved.
CLAZZO
I got hospitalized because of severe anxiety and depression, nag collapsed ang katawan dahil sa hindi ko malamang dahilan.
Basta ang alam ko na lang ay nakaratay ang katawan ko ngayon at hindi magawang kumilos.
"Tifanie..." Tinignan ko ang lalaking hawak hawak ang kamay ko habang pinipilit ang sarili na 'wag umiyak.
Tinignan ko siya habang may suot na oxygen mask, malungkot ang kaniyang mga mata at parang awang awa na sa akin.
"Don't give up, okay? Your purpose is to live your life, life is not just about surviving, okay?" Muling sabi ng lalaking nakaupo sa aking tabi.
Malala na nga ba ang sakit ko sa utak?
Gusto ko mang magsalita at kumilos pero hindi ko magawa, parang may kung anong pumipigil sa akin para gawin 'yon.
"Your eyes looked so tired, Mahal." He softly whispered to my ear as he kissed my forehead.
Si Keyos lang ang lalaking nagtyaga sa akin, ewan ko ba kung bakit, kahit na pareho naming alam na sirang sira na ako at hindi ko pa kayang magmahal ay nanatili siya sa tabi ko.
God, deserve ko ba ang lalaking 'to?
I was too broken for him to fix, ni hindi ko magawang mahalin ang sarili ko pagtapos ng nangyari.
Nangako ako sa sarili kong hinding hindi na muling magmamahal, at hanggang ngayon ang pangakong 'yon ay nandito pa rin.
I looked at Keyos, sobrang bait nito, lahat nga ng characteristic ng isang babae sa ideal man ay nasa kaniya na pero hindi ko talaga makita ang sarili kong minamahal siya.
Naaawa ako sa kaniya, nandito pa rin siya kahit paulit ulit kong sabihin na hindi ko pa kaya, na hindi ko kayang magmahal ulit.
"Keyos..." Pinilit kong bigkasin ang pangalan niya kahit may suot akong oxygen mask.
"Just leave me alone here, may sarili kang buhay, 'yun ang intindihin mo." Pilit kong sabi pero dahil matigas ang ulo niya ay umiling lang siya.
"Hindi, Tifanie. Dito lang ako, if you'll go down then I'll go down with you, no one's gonna stop me." Maluha luha niyang bigkas.
Umiling ako, bakit nga binigyan pa ako ng puso kung ganito? Nahihiya na ako sa kaniya, sinubukan ko naman eh, sinubukan kong mahalin siya, ginawa ko ang lahat pero bakit walang nagbago?
Kahit na nasasaktan ko na siya ay nananatili pa rin siya, kahit na walang kasiguraduhan na mamahalin ko siya ay narito pa rin siya.
"Keyos, parang awa mo na... Hindi naman pwedeng sa akin lang umikot ang mundo mo." Pagmamakaawa ko sa kaniya, kailangan niya na akong bitawan eh, wala ng dahilan para kumapit pa siya sa akin.
"Dito lang ako, Tifanie. Hindi kita iiwan." Matigas niyang sabi habang nakahawak pa rin sa aking kamay.
Patuloy na tumulo ang mga luha ko. Kung hindi lang sana nangyari ang lahat ng 'yon ay magagawa ko pa siyang mahalin, pinipilit ko, alam ng utak ko na may tyansa si Keyos pero parang sarado na talaga ang puso ko para kahit kanino.
I was diagnosed with severe depression, ilang beses na ako nagtangkang tapusin ang lahat. I am a suicidal person, wala akong ibang gusto kundi ang matapos na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)
RomanceIn a world full of what ifs, could have beens, and mysteries. Will she be able to stumble upon the truth about her past? Her task is to find her 'purpose' to persist in life, what if she found an ending instead of a purpose? Tifanie Bythesea Chalond...