TRIGGER WARNING: MENTION OF MENTAL HEALTH ILLNESSES, SYMPTOMS OF SERIOUS MENTAL HEALTH PROBLEMS, AND SUICIDAL IDEATION.
NOTE: Do not make fun of people who's going through mental health problems, these issues are not something to laugh about. Being kind to everyone definitely costs nothing, not even a single penny. Sensitive chapter ahead which is not recommendable for some readers, read at your own risk.
CLAZZO
Again, I woke up in a hospital bed.
Pagdilat ko ay sumalubong sa akin ang mga kaibigan ko, si Rhyle at Ely ay kausap ang isang doctor habanh si Axel at Lawless ay nasa tabi ko lang.
"Axel..." Halos walang boses kong tawag.
Doon ko na naramdaman ang pananakit ng katawan ko, ang pamamaga ng mukha at mga braso ko, hindi ko na rin maidilat ang isang mata ko dahil malamang sa black-eye na inabot ko.
"Bythesea, how are you feeling?" Tanong ni Axel nang may pag aalala.
Pakiramdam ko ay namamaga rin ang labi ko kaya hindi ako makapagsalita nang maayos. "W-Who did this to you?" Nauutal niyang tanong.
Hindi ko na maalala, ang naalala ko lang ay may mga kababaihan na nagtatawanan matapos nila akong saktan, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.
"H-Hindi ko maalala, Axel..." Nagsisimula na naman akong magpanic, pero pinakalma ako ng doctor.
"It's better if we should stop asking the patient about what happened that might trigger her." The doctor said and they all nodded.
"Axel, si Kaede... May balita na ba?" Sinubukan kong kumausap kay Axel kahit nahihirapan pa.
Tumabi muli siya sa akin at hinawakan ang aking kamay, he caressed it like a fragile glass and answered, "I'm sorry, hanggang ngayon wala pa kaming update..."
I smiled sadly, unti unti nang namamatay ang puso ko sa mga nangyayari, gusto ko pang hanapin ang anak ko pero ito ang inabot ko.
"Axel, I'm sorry." Pilit kong bigkas, kumunot ang noo nilang lahat nang sabihin ko 'yon.
"I'm sorry I made you feel it was your fault that Kaede's have been kidnapped, I wasn't capable to control my feelings that time. I was too stupid and unaware of your feelings, I know it wasn't your fault, I'm really sorry I made you think that you're to blame."
He pursed his lips and leaned on to kiss my forehead, "It's fine, naiintindihan ko..." He whispered.
May mga dumating na nurse para linisin ang mga sugat sa aking mukha, habang ginagamot ang aking mga pasa ay biga ko na lang naalala ang nangyari sa akin bago ako dalhin muli dito sa ospital.
"Rhyle..." Tawag ko sa kaibigan ko.
Agad din naman siyang lumapit, the nurses make way para makatabi ko si Rhyle. As far as I know ay nakaconfine ako sa ospital ni Rhyle which is the Wagon Medical.
"Yes, lovey?" Ngumiti siya sa akin at hinahawi ang mga buhok na nakaharang sa aking mukha.
"Kahapon... Habang nasa lansangan ako, pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin, may mga boses akong naririnig, iyong mga boses na 'yon ay binabalaan ako na tumakbo, tinatakot ako, hindi ko alam kung bakit gano'n..."
Napatingin si Rhyle sa mga nurses na nakarinig din ng sinabi ko, Rhyle purses her lips as the emotions in her face suddenly changed.
"A-Are you sure? H-Hindi ba voices lang namin ang naririnig mo?" Nag aalalang tanong ni Rhyle.
Tumango ako, "It was weird, the voices sounds harmful that it terrifies me. The effects on me were too heavy that I could almost hear myself begging to stop the voices." Sagot ko muli.
BINABASA MO ANG
Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)
RomanceIn a world full of what ifs, could have beens, and mysteries. Will she be able to stumble upon the truth about her past? Her task is to find her 'purpose' to persist in life, what if she found an ending instead of a purpose? Tifanie Bythesea Chalond...