COPELAND
She took her own life, 11:11 pm, August 11, is the time of her death. she died... On the same day of her birthday.
I was hugging her lifeless and cold body, I couldn't stop myself but to cry endlessly, nasa bathtub pa rin siya at nababalot ng dugo ang kaniyang dating pinaka aalagaang katawan.
Nanginginig kong tinawagan sila Faughn at sabihin sa kanila ang balita, wala pang twenty minutes ay narito na sila.
"TIFANIE!!" Sigaw ng mga kaibigan ni Bythesea when they saw her in the tub.
Lumayo ako para bigyan sila ng space at saka hinayaan silang pagluksaan ang katawan ni Bythesea, lumabas ako sa bathroom at saka umupo sa kama ni Bythesea.
Ang mga kaibigan ko naman ay inaalo ang mga asawa nila, ngayon... Sino na ang aalos sa'kin kapag umiiyak ako?
"How am I s-supposed to live without you?" Pagkanta ko nang mahina.
Una pa lang, iyon ba ang gustong gusto kong kinakanta when everything's falling apart. Tila huminto na rin ang mga luha ko at wala nang mailabas na tubig ang aking mga mata.
Sunod naman na dumating ay ang ambulansya, they took Bythesea's body para dalhin na sa morgue ng A.Wagon medical.
Lahat kami ay naiwang nakatulala, umiiyak pa rin sila habang nakatingin sa kung saan. "Sapakin mo'ko." Biglang sabi ko kay Faughn.
Naguguluhan naman siyang tumingin sa akin, "Please... Saktan mo'ko, para magising ako, alam kong panaginip lang 'to."
Doon sila lahat napatingin sa akin, their trembling lips says it all, "Hindi 'to panaginip, Copeland..."
Napapikit ako nang mariin, paano na? Si Kaede hindi pa rin namin nahahanap pero wala na si Bythesea, paano na? Saan ako magsisimula? Paano? Hindi ko alam...
Matagal nang gumuho ang mundo ko nang nalaman ko ang tungkol sa nangyari kay Bythesea, pero ngayon... Tila lahat nawala, 'yung mga pinaghirapan ko tila ay nawasak lahat.
She's now with Vixton and Laoise, ako na lang mag isa... Tangina, syempre hindi ko kaya. Tangina talaga.
Agad na sumunod sila Ely, Lawless, Rhyle, at Slora sa ospital. "'Wag niyo iwan 'yan, baka sumunod bigla kay Tifanie." Bilin ni Ely.
"Pero paano kayo?" Tanong ng mga kaibigan ko.
"Kakayanin namin." Umiiyak na sagot ni Rhyle.
At umalis nga sila, naiwan kami mag t-tropa, parang noong una lang. Kami lang simula pa noong una pero ngayon ay may mga asawa't anak na.
"Hindi ka ba pupunta ng ospital?" Mahinang tanong ni Yunix, umiling ako.
"Ayoko siya makita, hindi ko kaya." Sagot ko at saka pinipilit ang sariling 'wag umiyak. Hinaplos nila ang likod ko na parang sinasabi na okay lang, na okay lang humagulgol.
Tumayo ako at saka nilibot ang kwarto, may mga dumating na rin na investigators to examine the area, may mga maglilinis na rin. Napaupo ako sa kabilang side ng kama nang may nakita akong envelope na nakapangalan sa akin.
Axel, the sunshine of everyone;
I'm sorry. Pasensya na kung nagawa kong kitilin ang aking sariling buhay, pasensya kasi kailanman ay hindi kita nagawang mahalin pabalik, pasensya kasi... kasi kinailangan mo akong alagaan at mahalin nang ganito katagal.
Pasensya Axel kung wala akong ibang masabi kundi ang paghingi ng sorry, it sounds manipulative pero iyon kasi ang nasa puso ko. I feel bad for not reciprocating your efforts and love, pero gusto ko naman subukan, eh... Gustong gusto kong subukan na mahalin ka rin pabalik pero ayokong mahalin ka nang dahil lang sa mahal mo ako. Gusto ko, mamahalin kita kapag sa wakas ay wala ng balakid sa puso ko, I wanted to be fair.

BINABASA MO ANG
Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)
RomanceIn a world full of what ifs, could have beens, and mysteries. Will she be able to stumble upon the truth about her past? Her task is to find her 'purpose' to persist in life, what if she found an ending instead of a purpose? Tifanie Bythesea Chalond...