CAPITULO 2

3.1K 43 0
                                    

CLAZZO

We were in the hospital, nasa morgue na ang parents ko after nila ma-autopsy at gawan ng kung ano ano pang tests at investigation.

Tuloy pa rin ang paghahanap sa mga taong pumatay sa parents ko at wala pa ring lead.

Si lola at si yaya ang umaasikaso kila mommy habang ako ay naiwan sa tabi ni Ely.

"Mommy!" Biglang sumigaw si Ely sa tabi ko nang makita niya ang parents niya na papunta sa aming dalawa.

Pareho pa kami ni Ely na nakasuot ng uniform, hindi talaga ako iniwan ni Ely hanggang ngayon kahit alam kong gutom na siya ay nanatili pa rin siya sa tabi ko.

She knows how to deal with silence when I, as well as, dealing with silence.

"Jusko, anak ko!" Niyakap ni Mrs. Drewitt si Ely, napayuko naman ako dahil naalala ulit si mommy.

Yakap ng ina ang hindi ko na mararanasan pa...

Nagulat ako nang yakapan din ako ni Mrs. Drewitt, hinahaplos naman ni Mr. Drewitt ang likod ko, hindi ko na napigilang umiyak ulit dahil sa gesture na pinakita nila.

"Are you both hungry?" Malambing na tanong sa amin ni Mrs. Drewitt.

Si Ely ay tahimik na tumango pero wala akong imik, kahit gutom ay wala akong ganang kumain.

"Mommy... Can I stay here with Tifanie? I wanna stay here with her, I don't want for her to be alone, mommy." It was Ely with a small voice.

"Sure, anak. I brought you some clothes, dinalhan ko rin si Tifanie para makapagpalit kayo kasi suot-suot niyo pa ang mga uniforms niyo."

Tumayo si Mrs. Drewitt at kinuha ang duffle bag na kinalalagyan ng damit ni Ely, tumayo siya at hinubaran si Ely ng damit at tanging underwear na lang ang natira.

Pinunasan siya ni Mrs. Drewitt gamit ang wet wipes, pinulbuhan, at binihisan ng panibagong pair of clothes.

Gano'n din ang ginawa niya sa akin, malaki ang pasasalamat ko sa kaniya or sa kanila dahil nandito sila ngayon sa tabi ko kahit hindi pa naman kami gaanong magkakakilala.

"I'm sorry for your loss, Tifanie." Bulong ni Mrs. Drewitt sa akin pero wala akong naging imik.

"I'm sowwy, Tifanie..." Si Ely naman ang nagsalita.

Tipid na ngiti lang ang naisukli ko sa kanila, at saka tahimik na hinintay ang lola at yaya ko.

Iniwan muna kami saglit ng parents ni Ely dahil kukuhanin daw nila ang mga binili nilang takeout para sa amin, muli tuloy kaming nabalot ng katahimikan ni Ely.

I am very thankful na hindi dumaldal si Ely ngayon, nasa tabi ko lang siya at wala ring imik katulad ko.

"H-Hi..." Napaangat ako ng tingin nang makita ko ang isang batang lalaking may itsura.

Tumaas lang ang isa kong kilay habang nakatingin sa kaniya.

"Can I sit next to you?" He politely asked, I just nodded while Ely was glancing at the the boy.

"What are you doing here?" The boy asked.

Di ba obvious? Ano ba ang ginagawa ng mga taong nasa ospital?

Gusto ko sabihin iyon pero mas pinili ko na lang na itikom ang bibig dahil baka mag away lang kami.

"You? What are you doing here?" Tanong ko pabalik sa kaniya, not interested to answer his question.

"Ah... My parents has a hematoma on different parts of their body, I don't even know how did they got those bruises." He shared.

Ang haba ng sinabi niya na parang interesado ako sa buong buhay niya.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon