CLAZZO
"What are you talking about, Copeland? Wala tayong pag uusapan dahil aalis na kami." Mariin kong sabi.
Hinawakan ko ang kamay ni Kaede at saka mabilis na naglakad papalayo kay Axel but Axel as jerk that he is, he called Kaede's name!
"Kaede!" And Kaede stopped, he looked back at Axel with a brows furrowed.
"How did you know my name? Are you stalker?" Kaede crossed his arms, at ang gagong Axel ay ginaya ang ginawa ni Kaede.
"I know your name ever since, because that mom of yours asked me to give a name for a baby a decade ago." At doon na ako napuno, hindi ko na muling nilingon si Axel at patuloy na hinila palayo si Kaede sa kaniya.
Hindi siya pwedeng mapalapit sa anak ko, hindi pa pwede ngayon! Marami pa rin ang kapahamakang nag aabang sa amin, sa anak ko.
"Don't follow us, or else... I will file a lawsuit against you!" Pagbabanta ko kay Axel na dahilan para mapatigil siya.
"Bythesea, please... The five heads of Wagon Organization isn't complete without you! Matagal ka na naming hinahanap, matagal na kitang hinihintay..." That was the last words he said before we were able to vanish from his sight.
Agad kaming bumalik sa G-Wagon naming sasakyan, didiretso na kami sa hotel at aalis din agad para pumunta sa airport pabalik sa Palawan. Hindi nila kami pwedeng makita, hindi pa pwede, bilang ina ay hindi pa ako handang harapin ang mga bagay na pwedeng ikapapahamak ng anak ko.
"Kuya Vixton..." Sambit ni Kaede habang nakatanaw sa puntod ni Vixton.
Iniwan niya pa roon ang saranggola niya na lumilipad at nakaipit lang sa isang bato, malungkot na nakatingin si Kaede dahil malamang ay hindi kami nakapag paalam ng maayos sa kapatid niya.
"I'm sorry, anak... We have to hurry." I said.
Lumingon sa akin si Kaede nang may lungkot sa mukha, ang mga mata niyang magkaiba ang kulay ay nakiki usap.
"Mommy, who's that guy? Why does he know my name? He's so strange but somehow I don't find him creepy." He said.
"Anak, please... I won't entertain such questions. We have to leave this town as soon as possible. Just please, do what as I may." I replied, he just nodded and forced a smile.
Ngayon na lang ulit ako nagpatakbo ng sasakyan nang sobrang bilis, ayokong masundan kami ni Axel kaya kailangan kong gawin 'to. Malapit na rin naman ang oras ng paglipad namin kaya sana ay hanggang dito na lang.
Nang makabalik kami sa hotel ay agad kong inimpake ang mga gamit ni Kaede, mabilis lang naman 'yon at natapos agad kami. After thirty minutes ay bumaba na kami para mag check out sa hotel.
Nag book na lang ako ng cab pa-airport dahil dito na pipick-up-in ang sasakyang nirentahan ko. Tahimik lang ang mga kasama ko habang nakasakay kami sa Taxi Cab papuntang airport, alam kong ramdam nila ang tension na bumabalot sa akin ngayon.
Masaya ako na nakita ko si Axel na mas maayos na ang buhay, mas healthy, at mas better nang wala ako. But I'm not happy knowing our child will be in danger the moment na malaman niya ang tungkol kay Kaede.
He'll get mad.
For sure, Axel will get mad, sa expression pa lang na pinakita niya kanina ay hindi na siya natutuwa. Paano pa kaya kung mapatunayang anak niya si Kaede? Baka ilayo niya lang sa akin, kahit pa sabihing minahal niya ako noon, hindi rason iyon para hindi magalit dahil sa ginawa ko.
I paid five hundred pesos with no change, kakamadali ay hinayaan ko na lang, agad kaming pumasok sa airport.
Sakto namang bukas na ang gate kung saan kami naka assign, nag check in lang din kami at agad na sumunod sa ibang process.
BINABASA MO ANG
Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)
RomanceIn a world full of what ifs, could have beens, and mysteries. Will she be able to stumble upon the truth about her past? Her task is to find her 'purpose' to persist in life, what if she found an ending instead of a purpose? Tifanie Bythesea Chalond...